Chapter 52. - Time to give up?

45.8K 572 31
                                    

A/N: [updated: august 4, 2015] Magdadagdag pa sana ako ng isa or dalwang chapter pero napagtanto kong huwag na lang, idadagdag ko na lang sila dito so it means mahaba ang chap na 'to at yung sunod. Haha! Yun lang. Enjoy reading ;)

------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

=DANIEL's POV=

Dalwang buwan na ang nakalipas. At sa loob ng isang buwan na 'yun, sobrang daming nangyari. Gaya ng ipinangako ko sa sarili ko, tutulungan ko si Kath ipaalala kung ano ako sa kanya. Sinimulan ko agad 'yun... pero hindi pala madali..


8:50 na ng nakarating ako sa school, unang hinanap ng mga mata ko si Kath. Ayun!


Agad kong hinawakan ang braso niya. Noong nakita niya kasi ako, bigla siyang tumayo sa upuan at lalabas na sana ng room, "K-Kath..."

"D-DJ.. Ah I mean, Daniel. Pwede bang magusap tayo?" Inalis niya ang kamay kong nakahawak sa braso niya. "Sundan mo 'ko."

Kokonti na lang ang taong palibot libot sa campus dahil ang iba may mga klase. Hindi kami magkasabay sa paglalakad. Nauuna siya sakin. Gustuhin ko mang sabayan siya, ganun pa din ang mangyayari... lalayo at lalayo siya sakin...


Tumigil siya sa paglalakad kaya napatigil din ako. Nakarating pala kami sa music room ng di ko namamalayan. Nasa 4th floor 'to ng building namin.


Humarap siya sakin. Bumuntong hininga muna siya bago nagsalita.

"Daniel... pwede bang humingi ng pabor sayo?"

"H-hangga't kaya ko Kath, ibibigay ko."

"P-pwede bang... pwede bang layuan mo na ako?" 

Mabilis pa sa alas kwatro ang naging sagot ko. HINDI. AYOKO. 

"Please Daniel?"

Lumapit ako sa kanya, hahawakan ko na sana ang kamay niya pero umatras siya.

"Kath... Diba sabi ko.. Sabi ko gagawin ko ang lahat? Para maalala mo ako? Gagawin ko 'yun kahit gano kahirap..."

"Daniel kasi..." Muntik ng manghina ang tuhod ko dahil sa nakita kong luha sa mga mata niya, "Nahihirapan na ako.. Hindi ko alam kung ano ba tayo dati o kung anong buhay meron ako dati pero kasi.. Nasa kasalukuyan na tayo. Kahit ano namang gawin natin hindi na natin maiibalik ang nakaraan."

"Kaya ko 'yung gawin--"

"Hindi! Sinasabi mo lang 'yan pero dyan sa kaloob looban mo, alam mong hindi mo kaya! Daniel.. Masaya na ako.. Kaya please.. Tigilan mo na ako. Please.." Sabi niya at saka siya umiyak ng umiyak. Kahit ako napapaiyak na din pero bakit ganun? Walang lumabas na luha sa mga mata ko. Ayaw nilang pumatak. Parang may pumipigil sa kanila.

Lalapitan ko na sana siya pero mabilis siyang nagpahid ng luha at tumakbo palabas ng music room.

Doon ko lang napansin, kahit gano mo ipilit ibalik ang nakaraan hindi na pwede. Parang papel, kapag nalukot mo na hindi mo 'yun matutuwid kahit kailan...


[BEFORE THE HEARTBREAKING CONFESSION /two months ago/....] (A/N: Flashbacks po ito ni DJ. Lahat ng nangyari two months ago.)

Inayos ko ulit ang buhok kong kanina pang bumabagsak. Ano bang problema neto? Nilagyan ko naman 'to ng gel ah?! Tss. Teka ano bang oras ko 'to nilagyan?! Ah oo, 5AM. Anong oras na? 8:30AM na.

It all started with a handkerchief ♥Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon