Chapter 51. - Blurred memories.

48.6K 551 32
                                    

A/N: New Book cover. :DD Thanks to Johnzel. Thank you siiis sa pag eedit para sakin. Love lots. :**

---------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

MORNING.

AT SCHOOL

=DANIEL'sPOV=

  

"Wala po kayong klase sir? 9AM na po." Napatingin ako kay yaya. Nginitian ko na lang siya at hindi pa sumagot. Hindi na rin siya nagtanong pa.

Hindi ako nakatulog buong magdamag kaiisip kay Kath (teka ano bang bago dun, lagi namang si kath ang nasa isip ko, anyways...) 

"Aaaahhhhh!"

"Naku sir! Ayos lang po ba kayo? Jusko. Anong nangyayari sa inyo? Jusko!"

"Aish! Ya! Okay lang ako." 

"Ah sige po sir." Umalis na ulit si yaya. Haaay! Napahawak na lang ulit ako sa ulo ko, sisigaw na sana ulit ako kaso naalala ko baka magalala na naman si yaya. Hay! 


Daniel! Ano ng gagawin mo ngayon?! Uupo ka na lang ba dito at walang gagawin?! Hahayaan mo na lang bang mawala ang lahat na parang bula?! 

Napatayo ako, tama! Kailangan may gawin ako! Hindi ko hahayaang mabura lang ako sa isip niya. Alam kong kilala pa rin ako ng puso niya. Alam ko. Alam na alam ko.


Nagtatakbo ako papunta sa kwarto, naligo at nagbihis ng uniform. Pagdating ko sa school, dumeretso agad ako sa dean's office. Kakapalan ko na ang mukha ko, kahit na late enrollee ako, magpapalipat ako ng block. Kung nasan si Kath.

Kung hindi ko pa 'to gagawin ngayon, takot ko na lang na makalimutan niya ako... habangbuhay.


At dahil madali kaming nagkasundo ng dean ng department ko, pinayagan niya ako na lumipat sa ilang subjects. Dalwa ata 'yua pwede kasi full na lahat ng section. Pagkatapos ko sa Dean, nagderetso ako sa registrar para maayos na 'tong documents.

Tiningnan ko ang second class ko ngayong araw, hindi na kasi ako abot sa first class ko. 1PM room 207. 

Kahit hindi pa ako naglulunch, dumeretso na ako sa room ko. Makita ko lang si Kath, busog na ako.

Corny man sa inyong paningin, gwapo pa din.

-------------

"Oh em geeee! Ang pogi girl! Siya ba si Daniel? 'Yung transferee from Manila?!"

"Oo nga! Siya nga ata 'yun! Kaso BF ata siya ni Chandria."

"What?! Eh hindi naman siya kilala ni Chandria eh. Girl, may pagasa tayo!"


Napatigil ako sa paglalakad ng magtagpo ang mga mata namin ni Kath. 

And she just gave me a smile.

That smile! 


Hindi ko siya nginitian pabalik, umupo na lang ako sa vacant seat sa likod niya... para matitigan ko siya... kahit sa malayo.


Ang dali na pero hirap ng sitwasyon namin. Madali dahil mas mapapalapit ako sa kanya ngayon, at mas madali kong maibabalika ng alaala niya, mahirap dahil hindi ko alam kung pano ako magsisimula.

It all started with a handkerchief ♥Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon