Chapter 48. - Sorry.

46.4K 512 39
                                    

CHAPTER 48. - Sorry

 HELLO! Christmas vacation na namin! :DD

GUYS! Wag niyo po akong papatayin ah? Sorry po.. Sabi ko nga "Conflict makes the story more exciting." Kaya... Huhuhuhuhuh. Malapit na naman po matapos 'to eh. Pagbigye na. =)))))) 

 


=KATH's POV=

 


After 1 week......

 

Ang bilis ng panahon. Malapit na matapos ang summer. School days na ulit. Dito papasok ang bad news: School days na ulit. Good news: Makikita ko na ulit si DJ! yay! think positive lang!

2nd year college. Mas maraming stress. Sana malampasan namin 'to -_-

Teka ano bang oras na?

7:30 PM.

7:30 lang pala eh. Maaga pa para matulog. Pero teka... parang may gagawin ako ngayon. Teka... iisipin ko muna.... Para namang wala. Pero parang meron.. Wait iisipin ko muna. Iisipin ko na talaga!

*TING!*

Alam ko na! Ngayon nga pala ang girls party ng classmate ko dati nung highschool! Invited nga pala ako! Sheeeeez! Nakalimutan ko! Ngayon nga pala yun. Tapos anong oras na?! 7:30 na!! 8:30 ang simula nung party! OMG.

Hindi ko pa din nasasabi kay DJ!

Itetext ko na lang siya.

To: DJ love ko. :")

DJ! Aalis ako ngayon ah. Punta ako sa girls party ng dati nating classmate. Si Shaina! Tanda mo pa siya? Oo, sabihin mong tanda mo pa siya kasi magtatampo yun pag di mo sinabi. Hahaha. :D So yun nga, mabilis lang ako dun DJ. Sorry, hindi ko agad nasabi sayo, nakalimutan ko din eh. Don't worry, walang boys dun, except sa paboys(baklush) hahaha. Wag mo na din ako ihatid, kaya ko ng pumunta dun. Kasama ko naman si Julia. Thank you!! Bye!

Iloveyou :*

 

*Sent*

 

Oh yan okay na. Okay lang naman siguro kay DJ. Girls party naman yun, puro kami babae.

Makapagbihis na nga. Baka malate pa ako. Pupuntahan ko na lang si Julia sa kanila, magkapitbahay lang naman kami. =_=

  

=DANIEL's POV=

 

NAMAAAAAAAAAAAAN! Psssh! Nasira pa charger ko. Dalwang oras kong hinanap 'tong charger tapos sira naman pala!! Badtrip naman oh. Sayang effort. Para kasing love 'yan. Teka... wala 'yon. Nevermind. Tss. Hindi ko tuloy maitext si Kath.

Kinuha ko 'yung luma kong cellphone. Eto muna ang gagamitin ko. Bukas na lang ako bibili ng bagong charger. 

*1 new message*


May nagtetext pa pala dito? Dapat naiitapon ko na ang sim na 'to. -_-

Inopen ko yung message. Baka kung sino. 


Ang tagal magloading -____-


Oh ayan nagloading na! Teka.... Babae at lalaki naghahalikan? Da heck?! Baka naman wrong sent 'to?! Mukha ba akong interesado sa ganito? -_-

It all started with a handkerchief ♥Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon