Chapter 53. - One guy will cry out of sadness and one guy will cry out of joy.

46.7K 628 174
                                    

---------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

=DANIEL's POV=

"Hi!"

"U-uhh ano, oo nga pala Marj! Diba nagpapasama ka sa CR? tara?"

"Huh? Ako nagpapasama? Kelan?" Hindi na ulit nakaimik pa yung Marj dahil hinila na siya ni Kath palabas ng room. Iniiwasan niya na naman ako. Nandito na naman kami.... Ganto na lang palagi ang routine namin sa araw araw. Mag h-hi ako sa kanya, tapos aalis siya. Gustong gusto ko ng sabihin sa kanya na nasasaktan ako e. Pero hindi ko magawa, dahil mas nasaktan ko siya noon.

"Uhm.. Okay ka lang?" Napatingin ako sa nagtanong. Si Celine lang pala. Tumango naman ako bilang sagot. Bumalik na ako sa pwesto ko at kinuha ang headset ko. Magsosoundtrip na lang ako.

Akala ko nang dahil sa nangyari noong isang araw nagkaron na ako ng pag asa, 'yun pala pinaasa niya lang ako. Hay buhay.

Natapos ang buong araw na wala akong ginawa kundi pagmasdan siya mula sa malayo. Dahil sa tuwing lumalapit ako, lumalayo siya.

Naglalakad na ako ngayon pauwi. Hindi ko dinala ang kotse ko kasi akala ko makakausap ko si kath na pwede sabay kami umuwi. Tss. Loner na naman ako. 

Pero habang naglalakad ako, parang pakiramdam ko may sumusunod sakin. Ewan ko. Parang kanina pang may nakatingin sakin mula sa malayo.

Ipinagsawalang bahala ko na lang yun at naglakad na muli.

"BH?" Napatingin ako sa nagsalita. "Hi. Nagulat ba kita?"

Napatigil ako sa paglalakad. Hindi kaya siya 'yung kanina pang sunod ng sunod sakin?

"Sinusundan mo ko?" Hindi sumagot. Ngumiti lang siya tapos nauna ng maglakad sakin.

"Tara dun sa pizza parlor. Treat ko!" Sabi niya at saka pumara ng taxi. No choice naman ako kundi sumama. Wala din naman akong gagawin sa bahay.

Pagdating namin sa pizza parlor nagderetso agad siya sa paborito niyang upuan habang hila hila ako. At sa di kalayuan nakita namin sina Kath at JC...

"Oh diba si Chandria 'yun?" Lalakad na sana siya palapit sa table noong dalawa pero napatigil siya. Tinalikuran niya sila at humarap sakin saka yumuko, "Oo nga pala, hindi nila ako kaibigan." Pagkasabi niya nun pumunta na siya sa table namin at saka umubob.

"Tss. Oy." Kulbit ko sa kanya. "Oy."

Tumunghay siya at nagsalita pero hindi tumitingin sakin, "Umorder kana. Ako na bahala sa bayad." At saka umubob ulit. Napasigh na lang ako. Tiningnan ko sina Kath at JC, masaya sila... nagtatawanan... 

Habang kumakain kami nahuhuli kong napapatingin sa direksyon namin si Kath. Minsan napapangiti ako kapag nahuhuli ko siya. Miss na miss ko na talaga si Kath.. sobra..

"Huy Daniel, pwede bang magtanong?"

"Nagtatanong ka na."

"Sungit."

"K. Ano 'yun?" Tumingin siya sa direksyon ni Kath.

"T-totoo bang boyfriend ka ni Chandria?"

"Hindi ka naniniwala?"

"H-hindi eh. Diba 'yun ang sabi mo nung nagkita kayo sa may canteen?"

"Oo. Boyfriend niya ako. Pero... parang hindi niya ako naalala."

"What?! Ang sad naman ng life mo!" Napangiti na lang ako ng mapait. Sobrang sad.. kung alam mo lang.

It all started with a handkerchief ♥Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon