chapter 12: will she realize?

1.2K 58 2
                                    

Yoongi's PoV

"Alam mo ba Jackson, kasalanan ko pa ba na sobra lang akong concern sa kanya?! Lintek naman oh! Bakit pa kase bumalik yang lecheng ex niya! Ayos na lahat eh! Tangina. Ang sakit na naman ng puso ko." Wala na akong ibang magawa kundi umiyak na lang ng umiyak sa harapan ni Jackson habang patuloy akong umiinom ng alak.

"Tama na Yoongi, masyado ka nang madaming nainom." Pinipilit niya akong tumigil sa pag-inom pero hindi ako nakikinig. "Hinde. Sa dami ko ng nainom, halos walang talab sakin  lahat ng iniinom ko. Hayaan mo na lang ako Jackson." Para na ata akong tanga dito na umiiyak sa harapan niya.

"Makikinig na lang ako sayo." Umupo ulit si Jackson sa tabihan ko. "You know what, it's funny. To think that tunay pala lahat ng sinasabi nila na malas ang mga badboy sa pag-ibig. Pero tangina naman, bakit ba hindi na lang yun nangyari ng iisang beses lang? Dinoble pa talaga. Lintek na tadhana yan." Sabay inom ko ng straight dun sa alak ko.

"3 hard pa." Sabi ko dun sa bartender dito. "Umasa na ako eh na baka may chance na magkagusto rin sakin si Nicole. Pero wala, nagpakatanga na naman ako. Ganun ba ako kagustong paglaruan ng mga babae? Shit this life!" Hanggang napatingin ako sa may kanan ko at nakita ko silang dalwa na lalong nagpainit ng ulo ko. Tangina sadya.

"Yoongi, andito sila." Tumango na lang ako at tumingin sa direksyon nina Nicole at nung gagong boyfriend niya. Uminom pa ako ng uminom ng alak. Wala na akong pakeelam.

Tumayo na ako palabas na ng bar, sumunod lang sakin si Jackson. "Landi tangina. Nakipagbalikan sa boyfriend niya na gago naman." Parinig ko sa kanila. Matamaan sapul. "Ano bang problema mo pare?!" Hinigit ako nung boyfriend ni Nicole at iniharap ako sa kanya.

"Isn't it obvious?" Nginisian ko siya. Isang pamatay na ngisi ng isang Min Yoongi. "Ano ba Yoongi?! Hanggang ngayon ba naman nanggugulo ka pa rin!" Napatingin ako kay Nicole, hanggang ngayon, ang sakit sakit parin na makita siyang kasama yang gago na yan. I'm so much better than him. Pero para tuluyan kong makalimutan si Nicole, i need to act like hindi ko siya kilala. "Oh? You called me Yoongi huh? Simula ngayon ayoko nang tinatawag akong Yoongi ng mga tao na hindi ko kilala. At isa ka na dun. Kaya please. Stop calling me in that name. I don't know who you are." Pinagdiinan ko talaga ang pagkakasabi ko nun. Damahin niya yun.

"Eh baliw ka pala eh. Gago ka!" Akmang susuntukin ako nung boyfriend netong si Nicole pero hinarangan siya ni Jackson. At si Jackson ang sumuntok sakanya. Napaupo naman sa may sahig yung gago na yun habang si Nicole ang sama ng tingin sakin.

Hanggang ngayon ba hindi pa din niya narerealize? O sadyang manhid lang siya? Tanginang buhay talaga toh.

Umuwi.na kami ni Jackson. Tangina, hindi man lang ako nalasing. Bakit ba kase takbo ng takbo sa isipan ko si Nicole? Pano ko na lang siya makakalimutan kung ganito ako?

Pano ko siya makakalimutan kung hanggang ngayon mahal na mahal ko pa din siya?

Ang hirap talaga pag badboy ang nagkakalovelife.

/////////////
End of chapter.

Crazy Inlove (m.y.g ff)Where stories live. Discover now