♦Prologue♦

65 4 0
                                        

♦♦♦

Bakit siya pa? Bakit siya pa kung meron namang ibang pwedeng kunin sa akin? Bakit ang pinakamamahal ko ang dapat kunin sa akin? Wala na bang ibang tao dyan na mas deserving sa sitwasyon ko ngayon? Bakit siya pa?

Bakit ang mahal ko pa ang dapat kunin sa akin? Bakit ang mahal ko pa na nag-aaruga sa akin ay siya pa ang mawawala sa aking piling? Gusto niyo bang malaman kung bakit ako naging ganito katarantado ngayon?


Nagsimula ito nung...



♦♦♦

5 years ago...







"Yoongi ko!! Excited na ako!! Ilang araw na magdedebut na ako." Sabi ng aking mahal na si Seungwan.

Napangiti ako sa inaasta niya. Hinalikan ko siya sa pisngi at yinakap ang kanyang bewang ng patalikod.

"Bakit hindi ako ang 18th roses mo? Daya mo naman." Pagmamaktol ko sabay nguso ko pa habang nakapatong ang baba ko sa kanyang balikat.

"Ehh... Hayaan mo na ikaw naman ang escort ko tsaka 17th roses ko. Huwag ka ng magtampo." Ani niya sabay pisil ng aking pisngi gamit ang kanyang kanang kamay.

"Sige na nga, ibebake mo ko mamaya ng paborito kong red velvet cupcake huh, para hindi na ako malungkot." Sabi ko sa kanya.

Bumitaw naman siya sa yakap at humarap sa akin, ngumiti siya. "Sige na nga para hindi na malungkot ang cute kong boyfriend." Ani niya sabay pisil sa mga pisngi ko.

"Cute lang? Di ba pwedeng gwapo?" Biro ko.

"Ang hangin mo Yoongi ko." Sabi niya sabay tawa. Nakitawa na lang ako at tinignan ang pula niyang labi.

Akmang hahalikan ko na sana siya ng may umepal. Tss. ಠ_ಠ

"Hoy! Love birds, mamaya na nga 'yan." Pageepal ni Irene, isa sa mga kaibigan ni Seungwan na girlfriend din ng kaibigan kong si V.

"Oh? Irene kanina ka pa ba dyan?" Tanong agad ni Seungwan.

"Uhmm... Kararating ko lang. Tara na nga bad mood ako ngayon." Sabi niya sabay hablot ng kamay ni Seungwan.

Bago pa man sila makaalis ay lumingon muna si Irene sa akin, tinignan niya ako ng masama. Why?

"Hoy! Pagsabihan mo nga 'yang gunggong mong kaibigan na pag di siya nagpakita sa akin, lagot talaga siya." Ani niya sabay walk out.

Nagwave hand si Seungwan ko sa akin I wave back at tuluyan na silang umalis. Ano kayang nangyari kay Irene? Baka naman nag-away sila ni V? Tsk.(—_—")

"Hyung!!! Nandyan ka pala. Kanina pa kita hinahanap." Bungad sa akin ni V, patay ka sa akin unggong ka.

Imbis na batiin siya ay agad ko siyang sinunggaban ng isang napakalas na batok. Halatang nagulat siya sa ginawa kong pagbatok sa kanya.

"Hyung?! Para saan yun?!!" Tanong niya sabay hawak sa parteng binatukan ko.

"Pinaparating 'yan kay Irene. Hinahanap ka daw niya!" Sigaw ko.

⚠Finding Son Seungwan | [ON-HOLD]⚠Stories to obsess over. Discover now