Special Chapter 1

8K 184 34
                                    

SPECIAL CHAPTER

Bow's POV

Masarap pala sa feeling kapag 'yung matagal mo nang gustong mangyari sa buhay mo ay nangyari. Hindi ko alam kung mabuti ba akong tao para maramdaman ngayon ang kasiyahan na nararamdaman ko. Bata pa lang ako matagal ko nang gustong makilala ang mga magulang ko dahil nga naiingit ako sa mga kaklase ko. Ang gusto ko lang noon na makita ang mga magulang ko, pero hindi ko inaaasahan na meron pala akong tatlong kapatid.

Yung isang lalaki ay masyadong seryoso na hindi yata alam ang salitang joke, hindi ko alam dahil ba sa nangyari sa family namin kaya lumaki siya ng ganyan. Mahirap ba maging panganay? Siguro kung mag-aasawa si Kuya Kerwin, magbabago ang ugali niya?

Yung pangalawang kapatid ko naman ay kilalang-kilala ko na, sa sobrang kilala ko sa kanya, matagal niya pa lang itinago na biological sister niya pala ako, kaya pala todo bantay at asikaso sa akin. Buti na lang hindi ako na-inlove sa kanya. Tss! Ayan na naman, simula talaga ng makilala ko ang lintik na Kalvin, love na lang nasa utak eh! Tss!

Yung bunso naming kapatid, ubod ng kulit at mukhang naspoiled yata namin kaya ayun nasa ibang bansa para magtraining. Pinapauwi na nga namin eh, ayaw raw. Mukhang alam naman yata namin kung bakit.

4 years have passed, but still I couldn't believe that my life is very happy. Kahit merong mga kalaban na gusto akong kunin para experimentohan, hindi pa rin nila ako makukuha.
Unang-una nandyan ang asawa ko. Oo, asawa ko dahil after ng pagkagraduate namin sa Hale Park University ay niyaya niya na akong magpakasal, ayaw niya na raw akong pakawalan dahil baka mawala pa raw ako, ito naman kasing si Avril, Babe pa rin ang tawag sakin. Minsan nga muntik na talagang barilin ni Kalvin si Avril dahil nagseselos siya, buti na lang marunong magtago si Avril. Hindi ko alam na minsan pala napaka-OA ng mga taong inlove, pero syempre gusto ko na possessive ang asawa ko sakin, dahil kung ako naman sa position niya ay baka hindi na sisikatan ng araw ang umaaligid sa kanya. Tss! Ang OA ko na nga talaga.

"A penny for your thoughts?"

Bigla naman akong napatingin sa kanan ko. Ang asawa ko pala. Bigla naman uminit ang mukha ko dahil sa sinabi ko. Tss! Kahit ngayon talaga hindi pa rin ako makapaniwala na may asawa na ako.

"Thank God, I know your mood Baby. I know you love me" sabi niya sakin at binigyan ako ng makalaglag panty na ngiti.

Grabe talaga magkwento si Nene ng crush niya pati ako parang nahawaan na kaya kung ano-ano ang sinasabi ko.

"Tss!" sabi ko na lang at napasimangot. Narinig ko siyang tumawa sa gilid, nandito ako sa pool side dahil gusto kong magpahangin.

"I love you Baby Bow" sabi niya kaya napatingin ako sa kanya at bigla niya akong hinalikan sa lips at binilang ko kung ilang segundo niya akong hinalikan.

"You didn't kiss me back, don't you love me anymore?" tanong sakin ni Kalvin ng pakawalan niya ang labi ko.

Nakikita ko ang takot sa mga mata niya. Gusto kong matawa dahil sa reaction niya, takot talaga siya na baka mawala ang feelings ko.

Ngumiti ako. "Baby, kahit kailan hindi mawawala ang pagmamahal ko sa'yo" sabi ko at ako na mismo na humalik sa kanya.

"Mama! Dada!"

Bigla kong pinutol ang halik ng marinig ko ang cute na boses ng dalawa. I heard Kalvin groaned and I smiled secretly. Tumingin ako sa pinanggalingan ng boses at nakita kong karga-karga sila ng Ninang Myth nila.

"Baka maumay na sa'yo si Bow, Kalvin. Araw-araw ka niyang nakikita eh" pang-aasar na sabi ni Myth sa pinsan niyang si Kalvin. He glared at Myth at tumawa lang ang huli.

The Nameless Princess (Bloodily Completed - LizQuen) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon