#25. The Naked Truth

6.1K 134 1
                                    


Bow's POV

Bakit ang ingay? Minulat ko ang mata ko at nakita ko ang detector ni Kuya Vaughn na nagvavibrate. Kumunot ang noo ko at tinignan ang relo. 5pm na? May nakapasok ba na kalaban?

Bumangon ako at kinuha ang cellphone ko. I called Kuya Vaughn, after 3 rings sinagot niya.

"Young Princess?"

"Your detector is vibrating" sabi ko at tinignan ang bintana na tinted. Kaya gustong-gusto ko ang bahay ni Kuya pinag-isipan talaga.

May nakita akong mga ninja na tumitingin sa loob ng bahay.

"What?! Kilala mo kung sinong nakapasok?"

"I see ninjas"

I heard him cursed.

"Listen to me Young Princess, naalala mo ang sinabi ko in case of emergency?"

"Yeah" sagot ko.

"Doon ka dumaan, use my ducati"

"For real?"

"Yes Young Princess, now move"

"Teka, sino ba ang habol ng mga ninja?"

"Move Young Princess, I'll tell you later just move now!" Sigaw niya at pinatay ang tawag ko.

Kumunot naman ang noo ko sa inasta ni Kuya Vaughn, kaya dali-dali naman akong umupo at gumapang sa ilalim ng kama. Binuksan ko ang red tile at pinush pababa, inuna ko ang paa ko para makababa sa hagdan, nang makababa ako ng kaunti. I closed the red tile para maglock. Bumaba ako at nilibot ko ang tingin ko.

So this is his secret place. Noong unang punta ko dito, I think I was 15 years old that time, sinabi niya sakin kapag nagvibrate daw ang detector, meaning merong may nakapasok sa bahay niya na hindi approved ng system. Pwede ko naman salubungin ang mga ninja pero sinabi ni Kuya umalis daw ako, eh sa bahay niya 'to kaya respeto na lang.

Naglakad ako at parang may sarili siyang bahay sa bahay niya. Hmm. Underground House pala 'to, merong sala, tulugan, kitchen, banyo at higit sa lahat ang mga collections niya ng mga baril, bombs, katana, kunai, shuriken, at iba pa. Meron ding mga malilit na screen for cctv. Pinuntahan ko ang cctv at nakita ko ang mga ninjas, hinahaloglog nila ang loob ng bahay at parang may hinahanap sila. Nilibot ko ulit ang paningin ko at pumunta ako sa isang pinto na may nakasulat na 'parking lot' at binuksan. Halos magningning ang mata ko sa mga nakikita ko, cool cars and cool motors. Grabe! Sobrang yaman ni Kuya. Hindi ko alam na mayaman siya ng ganito.

Biglang nagring ang phone ko at sinagot naman kahit hindi ko nakita ang screen ng phone ko.

"Young Princess, nakalabas ka na ng bahay?"

"Not yet, nasa parking lot mo pa lang ako" sagot ko habang naglalakad papunta sa ducati niya.

I heard his sighed. "I think you should know this"

"About what? Teka, saan pala ako lalabas nito?" Tanong ko.

"Dumaan ka sa tunnel"

Tinignan ko naman kung saan ang tinutukoy niya.

"Okay, thanks. Ano nga pala ang sinasabi mo Kuya?"

Sumakay na ako sa ducati niya and I turned on the engine. Magkikick na sana ako ng marinig ko ang sinabi niya.

"Reen escaped"

Third Person's POV

Unti-unting nag-iba ang kulay ng buhok ni Bow, it turned to hot red. Mahigpit ang hawak niya sa cellphone at pinatay ang tawag.

The Nameless Princess (Bloodily Completed - LizQuen) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon