MasteR. 04

14.1K 446 8
                                    

[S]hane

Pagkatapos na pagkatapos ng lahat-lahat ng paghihirap ko ay inilagay ko na ang ginamit kong towel sa palangganang may tubig at binitbit ito. Saktong pagtayo ko dala ang palanggana ay ang pagsakop ng liwanag sa buong kwarto.

Sa di inaasahang pangyayari. Dala ng pagkagulat. Wala sa sarili kong naitapon ang palanggana sa kanya. Sakto pa sa mukha niya.

Patay.

Sa isang kisap-mata ko pa lang ay nakita ko ng nagmulat siya ng mata at masamang nakatitig sa akin na animong gumawa ako ng isang napakasamang kasalanan. I admit. Kasalanan ko but hindi ko naman sinasadya. Kasalanan yun ng pesteng ilaw na yan. Di ba pwedeng magpaalam muna bago siya bumukas?

And now, I'm totally dead. Paano ko nalaman? Dahil sa mga titig niya pa lang para na siyang mangangain ng buhay. Kung isa lang siyang lobo na nasa harapan ko, kanina niya pa akong sinunggaban.

He stand up habang titig na titig pa rin diretso sa inosente kong mata. Nangangatog na ang labi ko sa takot. Maging ang tuhod ko ay nanghihina na rin. Sa hitsura niya ngayon, parang nawala bigla ang lasing niya.

Tuluyan na akong hindi nakagalaw sa kinatatayuan ko samantalang siya ay papalapit na ng papalapit na sa akin. At dun lang ako nakagalaw dahil sa pwersang parang itinitulak niya ako paatras. Naramdaman ko ang malamig na pader sa likod ko. He cornered me using his two arms. Hindi ako makatingin ng diretso sa kanya. Natatakot ako.

Sa unang araw ko pa lang sa trabaho ko, nakagawa na ako agad ng kapalpakan.

Ang mukha niyang basang-basa at ang dalawang pares ng matang nagbabagang nakatitig sa akin. Nakakapanghina. He hold my chin and turned it brutally. Sumakit pa ang leeg ko sa pagpihit niya sa ulo ko.

"Why are you not looking on me?" sarkastiko niyang turan. Ngumisi ito ng nakakaloko. "Am I that handsome enough para hindi mo ako matingnan ng diretso?" anong ginagawa niya? Kahit wala pa siyang ginagawa sa akin, naninindig na mga balahibo ko. Ganito ba ako? Ganyan ba siya?

Wala pa rin akong lakas ng loob para magsalita. Pakiramdam ko parang naputol ang dila ko at hindi kayang magsalita. "You know what, you're the 23rd personal assistant hired by my mom and you're my 23rd personal assistant who'll suffer in my hands." nangangatog ang tuhod ko. Nanghihina ang kalamnan ko. Hindi ko madepensahan ang sarili ko. At 23? Dalawampu't tatlo akong naging personal assistant niya.

Napadausdos ako pababa sa sahig at nanghihinang napaupo. Malakas na pagsara ang narinig ko paglabas niya sa kwarto.

Naiiyak ako.

Naghihina.

At natatakot.

***

Punas doon.

Punas dito.

Pagpatak pa lang ng alas-syete kanina ay nagising na ako. Nakatulog na pala ako nang nakaupo sa sahig. At ito ako ngayon, naglilinis dito sa sala. Nakahanda na ang almusal sa dining table ngunit hindi pa rin siya bumabangon.

Tumungo ako sa kusina upang uminom ng tubig. Nakakauhaw naman kasi. Oo. Ang pagkakaalam ko, magiging PA niya lang ako but hindi ko naman kasi matiis na hindi gumawa ng mga gawaing-bahay. Kinasanayan ko na rin kasing gawin yun.

Sa kalagitnaan ng pag-inom ko, napabuga ako ng tubig ng marinig ko ang boses niya o ni sir Greco sa kung saan.

"Go to the gym room."

Nagpalinga-linga ako sa paligid kung saan nagmula ang boses niya pero ni anino niya ay wala akong nakita.

"I said get here at the gym." pumailanlang ang galit na tono ng boses niya. Nababaliw na ba ako? Ganun na ba ako kaadik para mag-hallucinate ng ganito? Anong nangyayari sa akin? Kung ganun nga, kailan pa pumasok sa kokote ko na mag-isip ng gym.

Mr. Master || Gonzalo Series #1Where stories live. Discover now