Mr. Master

34K 611 14
                                    

"Shane..." He called my name seductively. Pawis na pawis na ako. Sobrang lapit na ng mukha niya sa akin. Kahit anong pilit kong kumilos ay di ko magawa dahil sa dalawang braso niyang nakaharang pareho sa tagiliran ko. Amoy na amoy ko ang amoy alak niyang hininga. Ramdam ko na rin ang lamig ng pader ng kwarto niya. Higit sa lahat, may nararamdaman din akong kakaiba na nakadikit sa tiyan ko. Lasing siya. Amoy na amoy ko ang pinaghalong alak at musk sa kanyang hininga dahil sa pagiging malapit niya sa akin. Hindi ako makahinga ng maayos.

"Master. Naalala ko may gagawin pa pala ako.Kail---" Nilapat niya ang kanyang daliri sa aking labi upang pigilan ako sa pagsasalita. Kahit daliri niya pa lang ang dumikit sa labi ko, may kakaiba na agad akong naramdaman.
Paano pa kaya kung labi niya pa 'yun? May kung anong bagay ang kumikiliti sa kalamnan ko. Sobrang init na rin ng pakiramdam ko kahit na bukas pa ang aircon dito sa kwarto niya. Para akong mababaliw sa inaakto ng katawan ko.

Baliw siya — o nababaliw na ako? Hindi niya na alam ang pinaggagagawa niya. Masyado na akong nawawala sa sarili dahil sa mga eksenang  ganito na halos araw-araw na lang ata ay ganito.

"Tsk. Iniiwasan mo ba ako?" Ngumisi siya sandali at tumingin sa malayo bago ibalik ang mga titig nito sa akin. Ang titig niyang gustuhin ko mang iwasan ay tila isang pandikit na mahirap tanggihan.

"Hindi naman s---" Hindi niya na naman ako pinatapos magsalita. Palagi niya akong hindi pinapatapos sa pagsasalita. Hindi ko kayang magalit dahil isa lang naman ako sa mga sunod-sunuran niya. Wala akong ibang magagawa kundi ang sumunod sa mg utos niya kahit labag ito sa kalooban ko.

"So, why are you acting like that?" Saglit siyang tumigil. Napapitlag ako sa paglapit ng bibig niya sa tenga ko. Nanindig ang lahat ng buhok ko sa katawan nang maramdaman ko ang mainit na hangin ng kanyang bibig nang bumulong ito sa akin. "And why does your face is turning red?" Mariin kong naipikit ang aking mata. Nagdadasal na sana lamunin na lang ako ng lupa dahil sa kahihiyan. Hindi ko na alam kung ano pang mukha ang ihaharap ko sa kanya pagkatapos nito? Palagi mong tandaan kung ano ang silbi mo sa kanya, Shane. Hindi ka dapat magpadala sa ginagawa niya. Huwag kang papayag na ganyanin ka niya. Oo, sunod-sunuran niya ako pero kahit papaano ay tao pa rin ako, nasasaktan.

"I know you like me Shane?" Patayin mo na lang ako, please. Hindi ko na alam ang gagawin ko.

Napabuntong-hininga ako. Hindi na ako makapagsalita. Nangangapos na rin ang aking paghinga dahil sa pwesto naming dalawa. Kahit itanggi ko man sa sarili ko, ay hindi ko mapigilang may unti-unting nabubuhay na apoy sa aking sistema.

"Why didn't you defend yourself, Shane?" mapang-akit niyang turan. Matapos ay hindi ko na narinig siyang magsalita.  Nanatili lang siyang nakakatitig sa akin. Tila pinag-aaralan ang bawat parte ng aking mukha.

Muli akong napapikit nang maramdaman ko ang pagdampi ng kanyang labi sa aking leeg. Tila may kuryenteng dumaloy sa aking katawan nang ang mamasa-masa niyang dila ay humagod paitaas sa aking nanginginig na panga.

"Shane.." Halos pabulong na ang kanyang boses. "Make me happy tonight." at doon nagsimula ang gabing hindi ko inaasahang magbabago sa buhay ko.

•••

This story is a work of fiction. Names, characters, places, or events are just fictitious, unless otherwise stated. Any resemblance to real person, living or dead, or actual events are purely coincidence.

You may encounter some typographical errors and wrong grammars in every part of the story so better bare with me. This story is still unedited. If you may have any concern about it, just approach me immediately.

All Rights Reserved. No part of the story may be reproduced, distributed or transmitted in any form or by any means without the prior permission of the author.

Remember. Plagiarism is a crime.

December 09, 2016

ⓚⓐⓘⓩⓔⓡⓚⓚⓨⓞⓢ

Mr. Master || Gonzalo Series #1जहाँ कहानियाँ रहती हैं। अभी खोजें