MasteR. 01

24.6K 641 9
                                    

[S]hane

Masasayang bata ang nasisilayan ko sa tuwing igagala ko ang paningin ko sa buong paligid. Masayang naglalaro kasama ang iba pang mga bata. Sa araw-araw na pamumuhay ko sa lugar na ito, mas lalong napapalapit ang loob ko sa mga batang ito. Nasanay na lang ako. Daily routine na kung baga.

Sa siyam na taon na nandito ako sa malawak na lugar 'to na napalilibutan ng apat na matataas na pader, hindi na ako umaasang may makakapiling pa akong isang masayang pamilya. Namatay ang pamilya ko noong walong taong gulang pa lamang ako. Hindi po sila namatay sa car accident dahil wala naman kaming sasakyan. Namatay sila dahil sa sunog. Naipit sila sa loob ng bahay namin na napalilibutan na ng malakas na apoy kasama ang dalawa ko pang nakababatang kapatid. Tanging ako lang sa amin ang nakaligtas. Dahil sa musmos pa lamang ako noon, hindi ko pa alam kung ano ang mga nangyayari sa buong paligid ko.

Sabi ko sa sarili ko, hindi na ako iiyak sa tuwing naaalala ko ang mga pangyayaring 'yun. Pero hindi ko lang mapigilan talaga na maalala sila. Siguro kung hindi nangyari ang insidenteng 'yun, ano kaya ang buhay ko ngayon? Itong lugar na 'to. Kasama ang iba pang mga bata na abalang inaalagaan kasama ang mga madreng gumagabay sa amin. Dinala nila ako dito sa bahay-ampunan. Dito na ako nakatira simula nang mawalay ako sa mga tunay kong pamilya.

Praiseenoecha Arabella Foundation

Tahimik lang akong nagmamasid sa mga batang masayang naglalaro habang nakaupo sa ilalim ng isang puno. Hindi ko maiwasang hindi malungkot, sa kabilang banda, maging masaya. Dahil sa mura nilang edad, malaki ang tyansa nila na may makakasama pa silang pamilya na tuturingin silang tunay na bahagi ng pamilya nila. 'Yung may magmamahal sa kanilang pamilya. 'Yung mag-aalaga sa kanila. Palalakihin sila ng tama. Pero ako, dito na lang ako sa lugar na 'to hanggang sa tumanda ako. Habang tumatanda ako, paliit din ng paliit ang tyansang may mag-aruga sa akin na tuturingin din akong bahagi ng pamilya nila. Tsk. Sa edad kong 17? Sino pa kaya diba? Nasanay na rin kasi ako. Sa tinagal-tagal ko na ba naman dito, hindi na ako umaasa pa. Kaya mas pinili ko na lang na tulungan dito si mother Elizza sa pag-aalaga sa mga bata at iba pang mga gawain.

"Kuya Shanny." Napatingin ako sa batang kumalabit sa likod ko. Nakangiting nasilayan ko si Euril.

Siya ang batang sobrang napalapit na ang loob ko. Tinuring ko na siyang nakababatang kapatid ko simula nang dalhin siya dito sa bahay-ampunan. Unang kita ko pa lang sa kanya, nasilayan ko na magkamukha sila ng kapatid kong si Sheryl. Sobrang nami-miss ko na sila. Tsk! Tama na nga ang drama. Masyado na akong nag-eemote sa mga nakaraan ko.

"Mamimiss po kita kuya Shanny." Bihis na bihis siya ngayon. Nakasuot siya ng isang kulay pink na floral dress na pinaresan naman ng isang pink headband. Isa pa 'to ang dahilan kung bakit ako nag-iisang nakaupo dito. Dahil sa pag-alis niya. Mahigpit ko siyang niyakap. Naluha ako habang yakap siya. Maging siya rin.

"Mamimiss din kita baby Eu." Masakit man isipin pero hindi ko siya pwedeng pigilan. Sino ba naman ako para pigilan siya sa kasiyahan niya diba? Ayaw ko namang maging hadlang sa ikasasaya niya. Ang tanging magagawa ko na lang ay tanggapin ito – kahit masakit.

"Kuya Shanny... Ayoko pong mahiwalay sa'yo." Pinilit kong kumalas sa pagkakayakap sa kanya at pinunasan ang mga luhang pumapatak sa kanyang mata. Nakakagigil talaga siya. Ang cute cute ng batang 'to. Mamimiss ko 'yung kakulitan niya at ang mga ngiting laging nasisilayan ko sa mga labi niya.

Pinilit kong maging malakas sa harap niya. Mabilis ko ring pinunas ang mga luha kong nagbabadya na namang lumabas.

"Tahan na... Kahit ako naman baby ayaw mawalay sayo. Ayaw mo ba no'n? May makakasama ka nang pamilya na magmamahal sayo. Sila, kaya nilang ibigay ang mga gusto mo. Titira ka na sa malaking bahay, matutulog ka sa malambot na kama, kakain ka ng masasarap na pagkain, tsaka mara-" Bigla akong napahagulgol at hindi na natapos ang sasabihin ko. Niyakap ko ulit siya. Kung pwede lang na ako na lang ang umampon sa kanya, ginawa ko na.

Mr. Master || Gonzalo Series #1Where stories live. Discover now