MasteR. 02

15.1K 541 47
                                    

[S]hane

"Diba gusto mong magkaroon ng isang pamilya na mag-aalaga sayo noon pa man?"

"Malapit ng matupad ang inaasam mong pangarap."

"Ano po ang ibig niyong sabihin?"

"May taong nagdesisyon na ampunin ka."

"Pero po..."

"Ito na ang pinakahihintay mo buong buhay mo."

***

Hanggang ngayon hindi pa rin ako makapaniwala sa sinabi sa akin ni mother Elizza. Kanina pa ako nakahiga dito pero hindi pa rin ako dinadalaw ng antok. Buong akala ko, wala nang aampon sa akin. Sa edad kong 'to diba? Nawalan na ako ng pag-asa lahat-lahat. Pero ngayon, nalaman kong magkakaroon na ako ng pamilya. Pamilyang handa akong mahalin.

Sa kabilang banda, nagtataka ako kasi sa edad kong 'to may nagkainteres pa sa akin. Hindi sa literal na magkainteres, na may magmamahal pa sa akin. Ayoko namang isipin na may mali. Hindi ko lang talaga maiwasang maging masaya.

Pinipilit kong pakalmahin ang sarili ko dahil agad-agad kong mamimeet ang aampon sa akin. Nasa sa akin na ang desisyon kung sasama na ako sa kanila o sa makalawa na lang. Ayoko naman kasing iwan agad si mother Elizza. Mamimiss ko pa rin siya kahit papano.

Di ko namalayang nakatulog na ako sa kakaisip sa mga mangyayari bukas. Nakapagdesisyon na rin ako sa pagsama ko sa aampon sa akin. Bukas na bukas sasama na ako sa kanila. Hindi naman na sa gusto ko ng umalis dito. Hindi ko lang talaga mapigilan ang excitement. Be ready Shane.

Kasalukuyan akong nag-iimpake ng mga damit ko ng may pumasok sa kwarto. Si mother Elizza. Bakas mo sa mukha niya ang lungkot kahit malayo pa siya sa akin. Umupo kami pareho sa kama ko at hinawakan ako sa mga kamay ko. Mariin siyang tumitig sa mata ko.

"Ready ka na ba anak?" ngiti at tango lang ang nasagot ko. "Nandyan na sila sa labas naghihintay." sila? ibig sabihin hindi lang siya isa. Hindi ako makasagot. Hindi ko mahagilap ang boses ko. Parang umatras ang dila ko. Imbis na sumagot ako ay mas pinili ko na lang na yakapin siya ng mahigpit.

"Mamimiss po kita." I heard her sniffs kaya kumalas ako sa yakap niya. Mother Elizza naman e. Huwag mo akong iiyakan. Baka mahawa ako? Kahapon pa ako iyak ng iyak.

"Mother Elizza naman e. Huwag na po kayong umiyak. Baka hindi ako niyan makaalis?" niyakap ko ulit siya ng mahigpit at hinimas ang likod niya. I need to comfort her.

"I'm sorry anak." kumunot ang noo ko sa sinabi niya na bahagya pang pumiyok sa dulo. Kumalas ako ulit at tumitig sa kanya. Yung titig na may pagtataka. Bakit siya nagsosorry? Wala naman siyang ginawang kasalanan.

"I'm sorry." ulit niya. Kahit nagtataka ako ay pinilit ko na lang na ngumiti sa kanya. Pinunas ko ang luha niya gamit ang hinlalaki ko. Baka kasi mamaya, hindi ko na mapigilang hindi umiyak.

"Tara na po." lumabas na kami sa kwarto ko bitbit ang isang bag na sakto lang na paglagyan ng damit ko. Hindi ko na pinagkaabalahang dalhin ang isang bagay na naglalaman ng malungkot kong nakaraan. Lahat ng alaala ko dito at noon, iiwan ko na dito. Bubuo na ako ng bagong alaala kasama ang bago kong pamilya na magmamahal sa akin. Na handa akong ituring na anak at parte ng kanilang buhay.

Sa kalagitnaan ng paglalakad namin sa hallway, pabilis ng pabilis din ang tibok ng puso ko. Hindi ko alam kong excitement ba 'to o kaba ang nararamdaman ko? Halo-halo na ang nararamdaman ko ngayon.

Pagbukas pa lang ng malaking pinto sa sala ay natanaw ko na ang dalawang tao na kung hindi ako magkakamali ay mag-asawa. Sa tingin ko ay may edad na rin sila pero hindi mo halata sa mukha nila. Malapit na. Makikita ko na sila. Nakangiti silang tumingin sa amin at tumayo para salubungin kami. Tahimik akong naupo sa tabi ni mother Elizza katapat sila habang nakangiting nakatingin sa akin. Nakakahiya.

Mr. Master || Gonzalo Series #1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon