Chapter 46: Legendary Blackguard

Magsimula sa umpisa
                                    

Umalis na ako dun dahil nga sa nababadtrip ako sa mga player na ito hays saan ko ba talaga hahanapin yun.

Habang naglalakad ako ay may nakita akong lalaki na naka suot ng pang priest na damit kaya tumakbo ako papunta sa kanya at nga pala binabalik ko muna si leo sa mark para hindi kami pagkagulohan.

Sir! Sir! Tawag ko dun sa priest.

Ah ano po yun? Tanong nito sakin.

Alam niyo po ba kung asan ang St. Dominick Cathedral? Sana alam niya dahil pagod na ako sa kakahanap.

Ahh yung simbahan na yun. Ayun mukang alam niya talaga.

Oo yun po yun. Sagot ko naman.

Ahh eh di ko alam eh. Ay puta wala din pala tong alam bwiset tsk!

Tss sige ok lang. Arggh kaasar talaga asan ba talaga ang simbahan na yun!!

Naglakad lakad na naman ako at nagtanong tanong pero tulad ng dati puro hindi nila alam ang sagot ng mga player kaya yun napaupo na lang ako sa labans ng isang kainan dito sa Kattka Kingdom.

Argh kakabadtrip talaga! Sigaw ko at ginulo gulo ang buhok hanggang sa magsalita si Alexis.

Master tanongin mo kaya yung isang blader na yun dahil kanina pa kayo tiningnan eh! Napatingin naman ako dun sa blader na tinutukoy ni Alexis at tama nga siya nakatingin nga ito sakin kaya agad ko itong nilapitan.

Pare alam mo ba kung asan yung simbahan? Tanong ko dito pero di lang ito sumagot kaya tinanong ko siya ulit dahil baka di lang niya ako narinig.

Pare alam mo ba kung saan ko matatagpuan ang St. Dominick Cathedral? Tanong ko ulit sa kanya at bigla na lang ito tumingin sakin at nabigla ako dahil nakangisi ito at higit sa lahat kakaiba ang kanyang mga mata dahil parang sa dragon ito.

Heh! Ako! Tinatanong mo? Heh sino ka ba para tanongin ako ng ganyan ha! Di mo ba ako kilala? Putek siga pala ang isang to.

Hindi bakit sino ka ba ha? Tanong ko dito at bigla na lang ito tumayo at susuntukin na sana ako ng bigla may tumapik sa kanya.

Tol hindi pa ngayon ang oras maghintay ka sa utos ni boss. Bulong nung lalaking gunner dun sa sigang blader at umalis na.

Pare pasenysa ka na dun sa taong yun ha ganon talaga ang ugali nun sige maiwan na kita. Pagkasabi nun nung lalaking gunner ay agad itong umalis at nga pala di ko siya na mukaan dahil meron siyang maskarang may disenyong ahas.

Sino kaya ang mga yun? Tanong ko sa sarili ko nang bigla tumunog ang VS ko kaya tiningnan ko ito.

[ <J> invited you to a duel ]

Accept Reject

Sino naman kaya to? Tumingin tingin ako sa palagid hanggang sa nakita ko ang isang player na nakangiti habang tinitingnan ako kaya napa ngiti din ako at inaccept ang duel invitation niya.

[ Eiuol vs <J>]

Hmm mukang magiging maganda ang laban nato hahaha.

Guys tingnan niyo diba yan yung nababalitaan nating player na naka kuha ng title na God Slayer? Player 1.

Oo nga tol bat siya andito diba ang Race niyan Demon? Player 2.

Demon nga yan mga tol pero ang astig niya diba siya din ang Rank 10? Player 3.

Yup siya nga yun ang idol ng lahat si Eiuol!! Woohh go idol! Player 4

Tsk! Di niyo ba kilala kinakalaban niya? Player 5.

Hindi eh sino siya? Taning nung apat kay player 5.

Siya lang naman ang tinagurian Legendary Blackguard! Ang solo player na si <J> !! Player 5

Hmmm so siya pala yun ang solo player na naka kill din ng god category na boss si <J> heh! Mukang mapapasabak talaga ako nito.

The match will begin in...

5
.
.
.
.
4
.
.
.
.
3
.
.
.
.
2
.
.
.
.
1
.
.
.
.
FIGHT!!!

Itutuloy...

==================================================================

Sana magustohan niyo ang chapter nato guys heheheh xD.

@CoolKidz11

©All Right Reserved 2016

Dragon World Online: Rise Of The Dragon GodTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon