Unti-unti kong inangat ang aking ulo para tingnan ang dalawang batang babae,unti-unti silang nilalamon ng apoy na hindi ko alam kung saan nanggaling

Rinig ko ang mahina at nakakapangkilabot na paghingi ng tulong nung bata

Hindi ko alam kung paano ko sila matutulongan,tuluyan na silang dalawa ng lamunin ng apoy.

At ako ngayo'y umiiyak na naman.

Ano ba ang nangyayari??

Nawala bigla ang apoy,nakaramdam naman ako na parang bumibigat ang paligid,ramdam ko na parang andami ng kasama ko sa loob.

Inilibot ko ang aking paningin sa paligid at nakita ko kung paano tumayo at gumalaw ang mga bangkay papunta sa akin.

Pilit akong umatras pero nasa sulok na ako.

Maraming beses akong napailing,tinakpan ko ang aking mga tenga dahil rinig ko ang paghingi nila ng tulong

"Yzel,tulungan mo kami.."

"Yzel tulong"

"Tulong"

"Tulungan mo kami"

Bat sila sa akin humihingi ng tulong,isa lang akong simpleng estudyante.Hindi ko alam kung anong gagawin ko.

Ang dami na nilang nakapalibot sakin,nakakasidak,nakakadiri at mga nakakatakot na mukha ang nakapaligid sakin

"Umalis na kayo!bat niyo ba ako ginaganito??Hindi ko kayo matutulungan" paulit-ulit akong sumigaw pero mukhang walang tao roon

Halos isang metro nalang ang layo nila sakin,natatakot na ako!

"MAMA!PAPA!MAMA!MAMA!PAPA,tulungan niyo ako,natatakot na ako~!!

*SPLASH*

Napatingin ako sa sarili ko at balot ako ng dugo,ang buong katawan ko ay nababalutan ng mga sariwang dugo

"Papatayin kita.."

Napatingin ako sa aking harapan at may isang taong handang handa ng ibaon sa akin ang isang napakatulis na kuysilyo

"Magpaalam ka na sa mundo Samantha!"

Katapusan ko na

*PAK*

Imbis na malalim na saksak ay isang malutong na sampal ang aking naramdam

Bumalikwas ako sa aking higaan at nakita ko ang mga kaklase kong nagalalang nakatingin sakin

"Ms.Yzel Samantha Alvarez,kung alam mo lang sana kung paano mo kami pinaka kaba!" sermon sa akin ni Bianca

"Anong nangyari?" taka kung tanong sa kanila

"Binangungot ka lang naman ng halos isang oras,pinatawag na namin yung kapatid mo kasi nag-aalala na kami sayo" paliwanag ni Kirsten

"Bangungot lang ang lahat ng yun?" tanong ko sa aking sarili

"Natakot na kami kaya binuhusan ka ni Junrex ng isang baldeng tubig pero hindi ka parin gumising" dagdag pa ni Ianna

Napatingin ako sa aking sarili,kanina dugo yung bumalot sa katawan ko,tubig lang pala talaga yun?

Kinumotan naman ako ni Clint saka bumulong na nanginginig na raw ako

"Yung nag sampal sayo,kapatid mo yun ah?,di kami yun" ani Bianca

Napatingin ako sa aking kapatid na mukhang nag-alala talaga

Lumapit siya sa akin saka niyakap ako ng napaka higpit

"Ate wag mo ng ulitin na pakabahin kami ng ganun,natatakot ako eh" bulong niya saking tenga

Ngumiti ako at tumango

Ngumiti naman siya sa akin at kumalas na sa yakap niya

Napunta ang atensyon ko kay Nicole na nasa sulok,nakatingin siya sa akin na tila ba'y lusot hanggang buto't kaluluwa ko

Ngumiti siya dahilan para kilabutam at tumayo ang mga balahibo ko sa katawan,ang ngiting yun ay agad napalitan ng pagkalungkot sa kanyang labi.

Ibinuka niya ang kanyang bibig,pero alam kong walang lumalabas na boses dito.Binasa ko ang mga sinasabi niya sa pamamagitan ng paggalaw ng kanyang labi

"Mamatay kayong lahat,at dahil iyon sayo SAMANTHA"

Napasinghap ako kasabay nun ang paglisan niya sa kwarto

Ano ba talaga ang gusto niyang iparating??

"Ok ka lang Yzel?" tanong ni Ianna

Tumango lang ako bilang sagot sa tanong niya


To be continued....

DEATH SCHOOL (Under Construction)Onde histórias criam vida. Descubra agora