"Huh?" Takang tanong ni Rhian.

"Spoken Word Poetry" sabat ko sa usapan nila.

"Ahhh. Ok. So dito kayo naglalabas ng sama ng loob? Bakit nag tutula kayo?" Tanong ni Rhian sa amin.

"Ako hindi, pero si Cha oo! Hahaha!"

"Pero matagal na yun, hindi ko na nga alam kung paano magsulat o bumigkas ng tula eh." Paliwanag ko.

"Beterana yan si tsong kung alam mo lang Rhian, nung college nga kami lagi kami rito, halos siya ang laging request ng mga tao. Kasi bawat letra, bawat salita ramdam na ramdam" kahit kailan talaga tong si Chynna.

"Ganun ba. Hahaha. I can't wait to see her perform" sabi ni Rhian.

"Hindi ako magpperform, makikinig lang rin ako." Sabat ko sa usapan nila.

"Whatever Cha! Halika na nga kayo" pagyaya sa amin ni Chynna.

Nang makapasok kami sa loob, bigla kaming sinalubong ni Ate Karen, siya ang owner ng Tagpuan, mahilig kasi siyang mag sulat ng tula at ng kung ano ano pa.

"Teka! Tama ba tong nakikita ko? Chynna? Glaiza?" Sabi sa amin ni Ate Karen.

"Hindi ate, picture lang namin to ni Glaiza!" Sabat ni Chynna, hays napakapelosopo talaga.

"Ah hahaa. Oo teh. Nagyaya kasi si Chynna kaya pumunta na rin kami. And btw this is Rhian my fia- my FRIEND" pakilala ko kay Rhian.

"Oww. Nice to meet you Rhian. Napakaganda mo naman. Hindi ka ba syota ni Glaiza?" Tanong niya kay Rhian. Gosh Rhian, ano kaya isasagot niya.

"Friend ko po" medyo masakit na malupet. Tinawanan lang ako ni Chynna. Masasapak ko talaga to mamaya eh.

"Ahhh. Ganun ba? Sayang bagay pa man din kayo. Hahaha. Osiya, pasok na kayo sa loob. Nga pla Glaiza, ang daming bago, pero wala pa rin talagang makakatalo sayo. Kaya mamaya ikaw ang isasalang ko sa stage ah. Kahit isa lang" 

"Ate. Wala na akong passion sa mga ganyan. Hahaha. Gusto ko na lang makinig, tsaka baka mapahiya pa ako" 

"Hay naku Glaiza! Isasalang kita. Kaya wala kang magagawa!" Hays may magagawa ba ako? Syempre wala.

Pinunta kami ni Ate Karen sa VIP seats para naman mas marinig at mas makita namin yung mga nagtutula.

Tulad nga ng sinabi ni Ate Karen, marami ngang bago at puro mga kabataan. Magagaling nga sila, halos lahat ng binibigkas nila talagang tumatagos sa puso, at medyo natatamaan ako.. 

"Oh ito kape niyo" biglang dumating si Ate Karen sa pwesto namin at nagbigay ng coffee.

"As usual, black coffee sayo Glaiza! Kilala kita. At para dun sa dalawa with milk and sugar. Kasi hindi sila BITTER KAGAYA MO!" Ako nanaman ang nakita niya, jusko! Pag iinitan nanaman ako nito.

"Ate naman, sanay lang kasi ako sa black coffee ano ka ba, kaya nga Black Star yung pangalan ng coffee shop ko eh"I said. 

"Hays. Bitter. Hahaha" nang nakuha na namin yung mga kape namin agad din umalis si Ate Karen, I think aasikasuhin niya rin yung ibang customers.

Natapos ng magtula yung isang lalaking payat, at masasabi kong maganda ang pagkakadeliver niya ng tula.

"Ok good evening guys! Btw sa mga bago lang dito I am Erik at ang pamagat ng tulang sinambit ko kanina ay "Tapos na", sana nagustuhan niyo, dahil talagang pinagpuyatan ko at dinamdam ko" ahh yun pala ang title nun, grabe ang galing nun ah. Talagang tumatagos..

Come Back HomeWhere stories live. Discover now