CHAPTER: 42 (Taking A Life)

113K 4.1K 368
                                    

"WELCOME to Sugar House Cafe

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

"WELCOME to Sugar House Cafe."

Panay ang tawa ni Cheena dahil kay Erin

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Panay ang tawa ni Cheena dahil kay Erin. Kanina pa kasi ito palakad-lakad sa loob ng cafe habang itinuturo sa kanya ang tamang pagbati sa customer. Sa paraan kasi ng pagbigkas nito siya natatawa dahil sinasadya iyon ni Erin.

Hindi mapigilan ni Cheena ang kaba nito dahil bukas na bukas din ay bubuksan na ang Sugar House Cafe. Maliban kayna Irish at Rose ay nakahanda na ang mga bagong empleyado ng cafe na si Bogz mismo ang nag-asikaso para kay Cheena.

"Enjoy your stay." gumawa ng korteng puso si Erin sa mga kamay nito.

"Tumigil ka na nga San, lalo akong nape-pressure sa'yo eh." pinagpag-pagpag ni Cheena ang mga kamay nito.

Inikutan ni Erin ang isang table. "O.a San ha! Bukas pa naman ang start, relax ka muna."

"Eh kasi naman San, dati serbidora lang ako eh." pumadyak si Cheena. "Tapos ngayon... hay!" hindi mapakaling ipinagpag ulit nito ang mga kamay nito.

"Ayaw mo 'non? You're the boss now." ani Erin sabay pitik ng daliri nito. "Astig!"

"Nahihiya pa rin ako kay Cutiepie." isinubsob ni Cheena ang mukha nito sa dalawa nitong palad.

"Tsk! Pabebe ka San ha!" tinampil ni Erin si Cheena sa may hita nito. "Para kang itong cafe, pabebe ang kulay."

"Siya ang namili n'yan eh." ngumuso si Cheena.

Tumingala si Erin. "How sweet life is." anito na binasa ang nakadesenyo doon sa dining area ng cafe.

Napatingin si Erin sa may entrada ng cafe, nakita nito ang pagpasok ni Bogz. May dala itong bouquet of flowers. Ngumisi si Erin at saka ibinalik ang tingin kay Cheena.

"Speeking of sweet life, here comes your adorable sweet boyfriend." ngumuso si Erin sa palapit na si Bogz.

Luminga si Cheena. Napangiti ito nang mapansin na kasunod ni Bogz ang parating din na si Gavin. Agad na humarap ulit si Cheena kay Erin para asarin din ito.

MS.RIGHT 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon