CHAPTER: 5 (Her Destiny)

113K 4.1K 1.7K
                                    

UMAGA NA pero hindi pa naman sumisikat ang araw dahil alas-singko pa lamang

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

UMAGA NA pero hindi pa naman sumisikat ang araw dahil alas-singko pa lamang. Nagising agad si Xyro. Ayaw niyang biglain ang kanyang pagbangon kung kaya't nanatili muna siya sa kanyang kama ng mga ilang minuto. Kinusot-kusot niya ang kanyang mga mata at saka niya nilinga ang bintana.

Inabot niya ang remote ng aircon sa side table at pinatay iyon dahil sa sobrang lamig. Sumandal siya sa head board at tinanggal ang comforter na nakakumot sa kanyang katawan.

Mayamaya lang ay nagdesisyon na siyang lumabas para magtungo sa kusina. Paglabas niya ng pintuan ay agad siyang napalinga sa katabing kwarto kung saan naroon ang bago nilang kasama sa bahay na si Clerry.

'I don't really like the idea of having a therapist.'

Bumuntong hininga si Xyro. Maingat siyang bumaba ng hagdan at dumiretso papunta sa kusina. Tahimik ang paligid dahil kasarapan pa rin ng tulog ng mga kasama sa bahay. Tinungo niya ang switch ng ilaw para magliwanag sa kusina.

Nang pipindutin na niya ang switch ay agad siyang napalinga sa kanyang likuran nang may pumatong na kamay sa kanyang kamay para pindutin rin ang switch ng ilaw. Nagulat siya nang makilala niya kung sino iyon kahit na madilim.

"Clerry," sambit ni Xyro habang nakatingin sa mukha ni Clerry na halos isang dangkal lang ang layo sa kanyang baba.

Nabigla si Xyro dahil hindi manlang niya naramdaman ang paglapit nito gayong malakas naman ang kanyang pakiramdam. Bahagyang napaatras siya nang dumikit pa ito sa kanya... tuluyan nitong pinindot ang switch ng ilaw.

Napansin agad niya na naka-paa lang si Clerry. Agad niyang iniwas ang kanyang tinin nang makita niya ang sexy na puting pantulog na suot nito.

"Good morning, Xyro," bati ng nakangiting si Clerry.

"Good morning."

Lumayo si Xyro kay Clerry. Tinungo niya ang direksyon kung saan naroon ang initan ng tubig. Naramdaman niya na palapit ito sa kanya habang naglalagay siya ng tubig. Pagkasaksak niya ng electric kettle ay nilinga niya agad ang lalagyan ng mga powdered coffee at chocolate. Nakita niyang hawak iyon parehas ni Clerry.

"Which one? Coffee or choco?" tanong nito.

"That one," aniyang nakaturo sa tsokolate.

Ngumiti si Clerry. "Same tayo."

Ibinalik ni Clerry ang kape sa pinagkunan nito. Hindi na nagsalita si Xyro nang makita niyang naghanda na ito ng dalawang tasa. Naupo na lang siya sa table. Ito na rin ang naglagay ng powdered chocolate doon at ng mainit na tubig.

MS.RIGHT 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon