CBH: Chapter 12

Magsimula sa umpisa
                                    

"Ok sige. Basta ako mamimili ng place"

"Fine. Sige na halika na ihahatid na kita sa coffee shop. Sayang naman ang binabayad ko sayo dun kung umaabsent ka lang"

"Pasensya naman daw po BOSS! Tsaka hindi ko naman kasalanan kung may balak akong absent ngayon"

"At sino ang may kasalanan?" Tanong ko.

"Malamang ikaw! Arte arte mo kasi! Kung sinagot mo lang mga tawag at text ko, edi sana tapos na tong pagtatalo natin. Alam mo ba halos kabahan ako kagabi dahil hinanap ka sa akin ng dad mo, tapos hindi ka pa umuwi. Ayun tanong ng tanong!" So ngayon galit na siya.

"So ako pa ngayon ang maarte? Tsk! Alam mo, tara na. At may TRABAHO PA TAYONG KAILANGAN ASIKASUHIN!"

"Fine!" Tsk! Pasalamat ka mahal kita, kung hindi pinektusan na kita.

Sabay kaming umalis sa unit ni Chynna, pero naghugas muna ako ng plato, baka sakalin ako ng bestfriend ko kapag nakita niyang may dumi sa unit niya. Malinis na tao pa man din yun.

"Ihahatid na kita sa coffee shop"Sabi ko sa kanya ng makasakay kami sa kotse ko.

"Yeah. Wala naman akong magagawa eh" she said.

"Talagang wala." Hindi na siya sumagot at nakatingin na lang sa tanawin.

Ilang sandali lang nakarating na kami sa shop.

"Pick me up at 6:30pm! Huwag kang malalate ah" Rhian said, tsk naging bossy naman na siya.

"Fine. Just go ahead. Mauna na ako. Bye!" Agad kong inistart ang engine ko at umalis na.

Pagkarating ko sa office, agad kong pinuntahan si Alchris.

"Good Morning Ms.CEO. What can I do for you?" Nakangisi ito, so alam niya ang ipinunta ko.

"Anong maganda sa morning Mr.COO?"

"I guess you are. Blooming ka ngayon sis! Ano musta ang experience?" Anong experience ang pinagsasabi nito?

"Anong experience?" Tanong ko sa kanya.

"You and Rhian, lalo na't solo niyo ang unit ni payat, so imposibleng you know." Bigla naman nag init ang mukha ko. Oo may nangyari, pero halik lang. Halik na FRIENDLY KISS LANG.

"Wa-wala! Pero teka! Bakit mo sinabi kay Rhian kung asan ako. Sayo ko lang sinabi diba?" Hay naku Alchris! Kapatid kita pero masasapak talaga kita.

"Eh anong magagawa ko, mapilit eh. Naawa naman ako sa magiging sister-in-law ko nuh. Hindi ako ganun cha!"

"Hayss! Oo na. Sige na. Magtrabaho na tayo. Ililibre mo ko ng lunch mamaya"

"Oo na big sis! Hahaha"

Umalis na lang ako sa office ni Alchris at pumunta na rin ako sa office ko para masimulan ko na ang work ko. Kailangan ko na rin magprepare dahil may meeting pa akong kailangan asikasuhin..
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
Sinigurado ko na before 6:30 nasa coffee shop na ako. Baka mainis lang yun kapag hindi ko sinunod ang oras na gusto niya.

Pagdating ko dun nakita kong nakaupo si Rhian kaya agad ko tong nilapitan.

"Ready to go?" I ask,

Come Back HomeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon