KIDNAPPER#30

22.9K 234 12
                                    

Dedicated sayo~ Request granted. Thank you sa pag cocomment at pagbabasa haaa. :')

----------------------

FARRAH'S POV:


Pag labas ko ng CR, tulog na ata siya. Kaya nagmadali akong magbihis at tinanggal sa pagkakaposas yung isa niyang kamay. Nilagay ko na lang sa tabi niya yung susi para sa isa. Kelangan ko nang magmadali para mas mauna ako sa bahay.



Nang makalabas na ko, tumakbo na ko papunta sa elevator. Pero may nabangga pa kong lalaki.



"Ay s-sorry... po." sabay takbo ulit papunta sa loob ng elevator.



Guess what? Siya din yung lalaking nakasabay namin kanina ni Ashton. Weird.



Pagbukas ng elevator, tumakbo na rin agad ako sa labas at sumakay sa nagaabang na taxi.



"Manong sa ***** village po." sambit ko sa driver.



Habang nasa byahe kami, naalala kong itext si Ashton. Dapat hindi niya mahalatang pauwi pa lang ako.



'Babe, where are you? It's 5 o'clock. We'll have dinner at 7. I'm waiting here.'



Okay alam kong best actress pero, kelangan. Hayy. Ano ba to. Atleast, nagkaron na kami ng deal na.. Last na yun. Hindi na mauulit.. Aw.. Mamimiss ko ang pangingidnap sakanya. Huhu.



Nang makarating kami sa mansion, sinalubong agad ako ng mga maids..



"Pag dumating ang sir ashton niyo, please tell him i'm waiting at his room. Okay?" bilin ko sa mga katulong.



"Okay ma'am."



Umakyat na kaagad ako sa kwarto ko at nagpabango ng perfume ko. Yung kay Joy kasi yung gamit ko kanina.



Habang nagaayos ako. Nagbeep bigla yung phone ko.



'Sorry. I'm on my way. I'll explain everything later.'



Napangiti naman ako sa sagot niya. Napaka'loyal. Shocks. Hahaha.



Dumiretso na ko sa kwarto niya at nahiga sa kama. Wow... Kahit hindi pa namin alam kung kelan yung kasal, nakakatuwa kasi para na rin kaming magasawa. Nakatira sa iisang bahay.



Sumilip ako sa bintana niya.. Bumukas yung gate at may pumasok na sasakyan. Pero alam kong kay Tita Jes at kay Tito yun. Tapos may sumunod na pumasok ulit.. At kay mom and dad yun. Nako. Malilintikan ka ata ngayon Ash.



Maya-maya pa, may mabilis na kotseng pumapasok.. Alam ko na kung sino yun. Then sinara na manong guard yung gate.



Nagmadali na kong humiga sa kama niya at kunyaring naghihintay.



Ilang sandali pa, bumukas na yung pinto ng kwarto ni Ashton.



"Hey.." tawag niya sa atensyon ko.



Tumingin ako sa orasan.. "6:30. Clean up. We'll have dinner in 30 minutes."




Lalabas na sana ako ng hawakan niya yung kamay ko.



"Are you mad? Sorry.. May.." pinutol niya ang sasabihin niya at nagbuntong hininga. Shit. Sasabihin niya ba?



"A-ano?" Higit ang hininga ko habang nakatingin sakanya. Ano irereact ko pag yun yung sinabi niya?



I'm His Sexy Kidnapper(EDITING)Where stories live. Discover now