KIDNAPPER#13

41.3K 397 26
                                    

--------------------

FARRAH'S POV:

"Okay tita. Ay, saan nga po ba yan? I'm on my way na po."

"J's Hotel? You don't know where it is?" Ah! Alam ko na.

"Ay hindi tita. Okay na po. Natandaan ko na po. Sige tita, see you later." then I ended the call.

Tinuon ko na lang ang atensyon ko sa daan. Yung puso ko naman. Biglang bumibilis yung heartbeat. Bakit ba ko kinakabahan? Eh 2 days vacation nga iyon para samin. Magiisip daw kami nang plano dun. Hindi na daw kasi tuloy yung plano nilang dalawa ni Crystal..

Inhale exhale lang kaylangan nito eh..

Huminga naman ako nang malalim. Tsaka binilisan pa lalo ang pagpapatakbo ng sasakyan. Gusto ko nang humiga sa kama. Ewan ko. Feeling ko pagod ako kahit wala akong ginawa buong magdamag. Baka magkakaron na ko. Hays.

Bigla akong napapreno nang malakas. May sira ulong lalaki kasing biglang tumawid. Eh kung hindi ba naman monggoloid ano? At eto pa. Nakatigil pa sa harap ng sasakyan ko. Eh?! Wet wet wet! Baka naman.... Baka naman kikidnapin ako nito? Hala?! Baka Carnapin yung sasakyan ko?! Oh no!

Nagdasal ako sa isip ko habang nakikita kong papalapit na siya sa may pintuan ko. Jusko! Tulungan niyo po ako! Ayoko pang mamatay!

Mas lalo pang lumakas ang kaba ko nang katukin niya yung bintana ko. Bubuksan ko ba? Bubuksan ko ba to? Eh mukhang hindi naman masamang tao eh.. Uhm, medyo... Gwapo pa nga? Ay nako! Nasa bingit na ko ng kamatayan eh ganito pa iniisip ko! Ano ba naman!

Binaba ko ng konti yung bintana. "B-bakit po?" Oh shit! Did I really stuttered?!

Inilagay niya ang magkabilang kamay niya sa magkabilang dulo nang bintana ko. At inilapit ang mukha niya sa may loob ng bintana. "Nothing. Just watch your way. You don't really wanna kill someone right? Your speed can put you in jail. Want that to happen?" Aba! Antipatiko masyado! Eh sa nagmamadali ako eh!

"Huh. Why do you even care?" Inismiran ko na ito at akmang pipindutin na ang pangsara ng bintana ng magsalita ulit siya.

"Well then. Take care miss. 'til we meet again." Then I saw him smiled.

Pinaandar ko nang mabagal ang kotse habang nakatingin sa side mirror. Nag'wave pa siya ng kamay niya bago umalis. 'Til we meet again huh? Asa ka dong!

After maybe an hour.. Nakakakita na ako ng dagat sa gilid ko. And that's the clue na malapit na ko. In'off ko na lang ang aircon at binuksan ang mga bintana. It's sunset. Ang fresh ng hangin.. Wow.. I've missed this.

Habang nililipad ng hangin ang buhok ko, eh biglang nag ring ang phone ko. Baka si tita na 'to.

"Hello?"

"Hey friend! Where ka na ba? Nandito ako sa reception area. I'm waiting for you my dear." Bago pa ko makasagot, may narinig na kong malanding halakhak ni Crystal. Alam kong siya yung kausap ko. Pero ang gamit niyang number eh yung kay Tita.

I'm His Sexy Kidnapper(EDITING)Where stories live. Discover now