KIDNAPPER#2

63.4K 619 73
                                    

==================

ASHTON'S POV:

"Hm.." Iminulat ko nang paunti-unti ang mga mata ko. Nasisilaw ako sa sinag ng araw na bumabalot sa buong kwarto. Mataas na ang araw at malinaw na saking tanghali na. Fck it! Late na ako sa mga meetings ko sa opisina.

Napabalikwas ako sa kama. Wala na siya.. Iniwan niya kong nakaposas ang isang paa pero wala na ang nasa kamay ko.

Lumingon ako sa paligid at pinagmasdan ang buong kwarto. Dito niya ako lagi dinadala. Palagi akong gumigising na mag-isa na sa condominium na ito. Paano niya laging nagagawa ang pagtatago sa sarili? Ni hindi ko man lang naramdaman ang paggalaw niya at pag-alis sa kama. Fckin' great.

Napansin ko ang isang sticky note na nakadikit sa bed table.

'The key is in macoy's. *wink* Goodmorning, handsome!'

Hindi ko alam kung bakit napangiti ako dahil sa simpleng sulat na 'yon. Agad ko ring pinilig ang ulo ko at kinuha ang susi. Tinanggal ko ang mga posas sa paa at tinignan ang cellphone kong pinuno ng missed calls at texts ni Vivianne.. 15 missed calls at 37 messages. Pero yung dalawa ay galing kay Joy. Yung secretary ko..

Dinial ko yung number ni Joy at agad naman niyang sinagot ito. Mamaya ko na tatawagan si Vivianne. Ayoko pa makarinig ng sigaw.

"Hello sir?" sagot niya sa kabilang linya.

"I'll be late. Cancel my meetings. I'll be back at 12."

Narinig ko ang pagtikhim niya. "Okay sir. Uhm, nakakailang tawag na po pala si Ms. Vivianne."

Napailing na lang ako at bumuntong-hininga. "Don't tell her that I called. Okay? Bye. I'll just see you later."

I ended the call. Yung secretary kong yun? Mabait siya. Pero.. not my type. Si mom ang pumili sakanya. Ewan ko. Gustong-gusto niya yung mala'80's na babaeng yun. Pero, mapagkakatiwalaan naman. Kaya pinagtyatyagaan ko na. Para na din hindi magselos si Vivianne.

Tumayo ako at agad nag-ayos ng sarili. Inunat ko pa ang dalawang braso pati na rin ang dalawang paa. Bigla ko nanamang naalala yung mga nangyari kagabi..

Paano kaya pag nalaman ni Vivianne na may nangyayaring ganito sakin? Iwanan niya kaya ako? Mandiri kaya siya sakin? Ugh! Stupid questions.

Pero naisip ko rin. Bakit hindi ako natatakot na baka.. May STD siya? Dapat diba matakot ako? Baka mahawaan niya ko! At baka mahawaan ko pa si Vivianne pag nagsex kami.

Napailing nalang akong muli. Hindi. Alam kong wala siyang sakit.. Masyado kasi siyang.. Pamilyar?

Sino ba kasi siya?

-------------------------

JOY'S POV:

"Yes ma'am. H-hindi pa po.."

"NO! ALAM KONG TUMAWAG NA SIYA SAYO! TELL HIM THAT HE'S FREAKIN' DEAD IF I SEE HIM!" Putol niya sakin.

I'm His Sexy Kidnapper(EDITING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon