KIDNAPPER#26

26.6K 270 12
                                    

Heyhey! :) Dedicated sayo~ Thankyou! :*

---------------------

FARRAH'S POV:

"WOOOH YES! GO FARRAH! ENJOY THIS NIGHT! FORGET HIM!"

Mas lalo ko pang nilambutan yung pag giling ko sa kasayaw ko. Oo, nandito kami sa club. Eh akala ko nga nung una, uuwi na talaga kami. Nagulat na lang ako na pag gising sakin ni Crystal, aayusan na niya ko. At nasa tapat na kami ng bar.

Siguro, gusto niya muna akong sumaya. Kahit saglit lang. Pero.. Ngayon? Sasabihin ko nang, kaplastiikan lang lahat to. Para naman hindi maoffend si Crystal. Baka kasi pag pinakita kong malungkot ako kahit dinala na niya ko dito, isipin niyang sayang lang effort niya. Kaya heto ako ngayon, sumasakay sa kasiyahan ni Crystal. Actually, nandito din si Brando. Tinawagan niya at dito na nakipagkita.

Pinulupot ko yung kamay ko sa leeg nung kasayaw ko. Ngumiti naman ito. Psh. Akala ata niya natutuwa akong kasayaw siya. But again, I faked a smile.

Nang makaramdam ako nang pagod, niyaya ko na si Crystal umupo. Nagpunta kami sa table namin kanina.

"Shot? Tequila? Sex on the beach?" tanong ni Crystal pag upo ko. Tumango naman ako bilang sagot. Pero bago pa man siya makatayo sa pagkakaupo niya, may naglagay na kaagad ng shot glass sa table namin. At pagtingin ko, yung kasayaw ko kanina.

"Here's your shot." Sabay abot sakin nung shotglass. Umupo naman siya sa tabi ko.

Nilagok ko kaagad yung binigay niya. Ack. Ang pait. Peste.

"So, i'm Ryan. You are?" Inabot niya yung kamay niya.

Shit. Ano? Bagong kakilala? Pano? Friends lang naman diba? Okay lang yun. At tsaka, masaya naman si Ashton ngayon. Malamang nakalimutan niya ko. Bahala na.

Inabot ko naman yung kamay ko at nakipagshake hands. "Farrah." then I smiled. True smile. Kelangan ko to. Break kumbaga.

"Want to.. Dance again?" Bulong niya sa tenga ko. Kinilabutan naman ako. Para akong nilamig na ewan. Sobrang lapit kasi niya sakin.

Tutal naman gusto ko rin yung kanta, pumayag na ko.

Nang pumunta na kami sa gitna, sumayaw na ulit ako nang wagas. Oo wagas talaga. Masaya naman kasing kasama tong si Ryan. Feeling ko, safe ako. Safe agad eh no? Pero syempre, iba parin kung si Ashton.

Bigla namang may tumapik sa likod ko kaya napatingin agad ako. Nakita ko si Crystal at si Brando. "Farrah! We need to go!" sigaw niya laban sa malakas na tugtog.

"Why?! I'm still having fun!" Sigaw ko pabalik. Ayoko pang umuwi! Kung kelan namang nakakaramdam na ko ng saya.

"ASHTON'S ON HIS WAY!" Bigla naman akong napatigil sa pag sayaw. Parang tumigil yung kanta sa tenga ko. Shit! Pano niya nalaman?!

"Who's Ashton?" tanong ni Ryan. Tumigil na rin pala siya sa pagsayaw. Pero nakakaloko. Nandito parin kami sa gitna.

I'm His Sexy Kidnapper(EDITING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon