Chapter 7: Bloody

Start from the beginning
                                    

"Sinamahan ko lang si Timothy," Ani ko kay Simon sabay turo sa kasama ko. I smile at him again. Seryoso parin ito.

"Let's go," anyaya niya saakin na siya pinagtaka ko.

"Hah?" kunot noo kong tanong dito. "Saan naman?"

"Ara is waiting, Princess," inporma nito na ikinalaki ng mga mata ko. "Mukhang nakalimutan mo na iyon," pahabol na sambit pa nito sabay tingin kay Timothy.

Oh great! Napatampal ako sa noo ko. Kakalimutan ko nga!

"Ahmm. Ano.." hindi mapakaling sambit ko. It's my combat training! At naroon na si Ara! Nilingon kong muli si Timothy na tahimik lang sa tabi ko. What about him? Iiwan ko lang ba ito dito? Hell no! Kabilin-bilinan ng aking ina na wag iwan mag-isa ito!

Hindi ko pa nakukuha ang sagot sa mga tanong ko noong bigla kong hinigit si Timothy at Simon.

Bahala na!

Lakad-takbo ang ginawa ko habang hila-hila ang dalawa.

"Damn it! Kakatayin ako ni Ara nito!" Bulalas ko. Today is my schedule for my physical and combat training. Nagpass nga muna ako sa lectures ko kay Lady Lou ngayong araw dahil nga kailangan kong samahan si Timothy pero hindi itong training ko kay Ara! I can't say no to that girl. Her time is too precious kaya kung maari lang ay hindi dapat ako liliban sa training namin.

Narinig kong tumawa ng Simon sa likod ko kaya naman binalingan ko ito. Aba't natutuwa pa ata ito sa nangyayari ngayon!

"Stop it, Simon!" suway ko dito sabay irap. At dahil nga hindi ako nakatingin sa dinaraanan ko, natalisod ako ng wala sa oras.

"Shit," bulalas ko sabay pikit nang mga mata ko at hinanda ang sarili sa pagbagsak.

Lumipas ang ilang segundo at nakapikit parin ako. Still waiting for me to fall pero wala.

Dahan-dahan kong minulat ang mga mata ko at napabaling sa dalawang lalaking nasa likod ko.

Napangiwi ako noong maramdaman ko ang mahigpit na paghawak ng dalawa sa kamay ko.

"Careful, Shanaya," malamig na turan ni Timothy.

"It's Princess Shanaya, you Tereshlian. Have some respect," ani naman ni Simon at nagkatitigan ng masama ang dalawa. Oh great. There they go again. Plano ba nilang maglaban sa pamamagitan ng masasamang tingin nila sa isa't-isa?

I sighed.

Napailing nalang ako sa inaasal ng dalawang kasama. Binawi ko ang mga kamay ko sa pagkakahawak nila at tinalikuran ang mga ito.

"Stop fighting, you two. Bilisan na natin para makarating na tayo sa training room," sambit ko sa kanila at nagsimula na namang tumakbo.

I was thankful, really thankful na napigilan nila akong bumagsak kanina pero kung magbabangayan lang sila sa harapan ko, mas okay na yatang wag na akong magpasalamat sa kanila. Alam ko naman na hindi maganda ang una at huli nilang pagkikita. They both hate each other presence. That's for sure!

"You're fifteen minutes and twenty three seconds late, Princess," nakangising wika ni Ara pagkapasok ko palang sa traning room.

"Uhm. Yeah. Sorry?" Hilaw na ngiti ang iginawad ko sa kanya. Naglakad ako palapit sa kanya. Ramdam ko ang pagsunod ng dalawa.

Nawala ang ngisi nito sa labi at bumaling ang tingin sa dalawang lalaki na tahimik sa likod ko.

"So have here a company, Princess."

"Kasama ko sila kanina, Ara," paliwanag ko dito. "They're going to leave now," Ani ko pa sabay baling sa dalawa. Pero bago pa ako makapagsalita at paalisin ang dalawa nagsalitang muli si Ara.

"No, Princess. Let them stay. Or much better, let them join us, " nakangising suhestiyon nito na nagpanganga saakin. Napataas ang kilay ko dahil sa tinuran niya.

"What?" hindi makapaniwalang tanong ko dito. Is she serious?

"You heard me right, Princess. Let's have a battle. Two teams. What do you think, boys?" tanong ni Ara sa dalawa.

Parehong walang imik ang mga ito. Oh come! Ngayon palang ay nararamdaman ko nang may mga plano nang nabuo sa mga utak ng dalawang iyan kung paano tatalunin ang isa't-isa. Naku naman, Ara.

Maya-maya pa ay nagsalita si Simon.

"Yeah. Sure," Simon agreed. No!

"Basta ba'y hindi kami magkateam, walang problema saakin," ani naman ni Timothy na mas nagpasakit ng ulo ko! Say what?This two! Really!

They're unbelievable! Idagdag mo pa ang di mawalang ngisi ni Ara sa labi niya. She's enjoying this!

This will be a bloody training for sure!

Ara naman!

Shanaya: Queen of the FairiesWhere stories live. Discover now