[5.25.3] Ang Mga Lycans

12.5K 139 7
                                    

Ang Mga Lycans

NAPATAGILID ng higa si Dixie at napahikbi. She felt so empty. Dapat ay maging masaya siya. Halos magaling na ang kapatid niyang si Dexter at malaki na rin ang ipinagbago ng kanilang buhay. Pero sa kabila ng lahat ng iyon ay naroon ang katotohanang kailangan niya si Eros para makompleto siya.

Gusto na uli niyang makulong sa mga bisig nito, ang maramdaman ang init ng katawan nito na bumabalot sa kanya. Gusto uli niya itong maramdaman sa loob niya, ang maangkin nito, ang maranasan ang kaligayahang hindi na uli niya naranasan matapos nilang maghiwalay ng landas.

"Ma'am Dixie? Okay lang po ba kayo?"

Maagap na pinahid ni Dixie ang mga luha nang marinig ang boses na iyon ng kasambahay nila. Bumangon siya at matamlay itong nginitian.

"P-pagod lang ako, Manang Belen."

"Nakapaghanda na po ako ng hapunan. Kumain ka na. Alam kong napagod ka nang husto do'n sa ospital."

"Salamat na lang po, Manang, pero kumain na ako bago ako umuwi," pagsisinungaling niya. Dahil ang totoo, wala talaga siyang gana. "Aakyat na lang po ako ng kwarto ko para makapagpahinga na ako."

"Sige po. Kayo ang bahala."

Nag-shower si Dixie at isinuot ang kanyang manipis na pantulog. Kahit ang malamig na tubig ng shower ay hindi man lang nakabawas sa bigat ng nararamdaman niya. Binuksan niya ang bintana at nakita niya ang bilog na bilog na buwan. Full moon nga pala ngayon. Ano na kaya ang ginagawa ni Eros? Iniisip din kaya siya nito? O naalala man lang kaya siya nito? Hindi kaya may iba pa itong babaeng nakasiping maliban sa kanya?

She hated to think about it! Hindi niya ma-imagine kung sakaling may iba itong pinapaligaya.

"Oh, Eros..." napahikbing sambit niya habang nakatingin sa bilog na buwan. "I missed you. I need you. Pero hindi ko alam kung magkikita pa tayong muli..."

Isinara na niya ang kanyang bintana at binalot na ng kadiliman ang kanyang kwarto.

"Dixie... Dixie..."

Naalimpungatan si Dixie sa pagtawag na iyon sa pangalan niya. Nakiramdam siya. Maybe she was only dreaming.

"Dixie..."

Pero parang totoong-totoo ang naririnig niyang pagtawag sa kanyang pangalan. At ang boses, pamilyar na pamilyar sa kanya. Hindi niya pwedeng ipagkailang si Eros ang nagmamay-ari niyon.

"E-Eros?"

Kumabog ang kanyang dibdib at iminulat niya ang kanyang mga mata. Tila merong isang malaking bagay na nasa ibabaw niya.

"Eros?"

"Dixie..."

Malakas siyang napasinghap.

"Eros! Totoo ba 'to? Imposible... Paano mo 'ko nahanap?"

"Narinig ko ang pagtawag mo. Matagal na rin kitang gustong makita at makasama pero natatakot ako. At ngayong tinawag mo 'ko, hindi ko napigilan ang sarili kong hanapin ka..."

"Pero paano?"

"Isa iyon sa mga kakayahan naming mga Lycan."

"Oh, gosh..." Mabilis niyang inabot ang kanyang lampshade at pinailaw iyon.

Hindi niya maipagkakailang si Eros nga ang nakita niyang merong mabalahibong mukha ng lobo. Nag-init ang mga mata niya.

"Eros!"

Buong higpit siyang yumapos dito.

"Nandito na ako para mahalin ka."

"Ang akala ko, hindi na tayo magkikitang muli! I missed you."

"Hindi mo na kailangang malungkot dahil nandito na 'ko." Pinahid nito ang kanyang mga luha.

"Tumakas ka lang ba mula kay Victor?"

"Oo. Wala namang nakakaalam. Tulog ang mga kasama ko. Na ipinagtataka ko. Kapag kabilugan ng buwan, merong itinuturok sa amin ang mga tauhan ni Victor para raw lalo kaming lumakas. Pero napatunayan ko kanina na iyon para patulugin lang kami at nagigising lang kami kapag tapos na ang kabilugan ng buwan."

"Alam mo ba kung ano ang nangyayari sa inyo kapag kabilugan ng buwan?"

"Hindi. Kaya nilinlang ko ang mga tauhan niya para papaniwalain silang naturukan na ako kaya hindi ako nakatulog. Kailangan kitang puntahan dahil alam kong kailangan mo ako."

"Oh, Eros... masayang-masaya ako na nandito ka na."

"Masaya rin ako na makasama ka, Dixie."

Hinawakan ni Eros ang straps ng kanyang pagtulog at hinawi iyon hanggang sa lumitaw ang puno ng kanyang malulusog na dibdib. Nakagat ni Dixie ang ibabang labi. Kung isa lang itong panaginip, hiling niyang huwag na sana iyong matapos.

Itinaas ni Eros ang laylayan ng manipis niyang damit at iniangat iyon hanggang sa lumitaw ang kanyang panty. Parang sinilaban ang buo niyang katawan sa pagdantay pa lang ng mga balahibo nito sa kanyang balat. Itinukod ni Dixie ang kanyang mga siko sa kama at pinahiwalay ang kanyang mga hita habang matiyagang naghihintay sa mga susunod na gagawin ni Eros sa kanya.

The Perfect Seduction Book 2: Ang Mga Lycans [R-18]Where stories live. Discover now