[4.25.3] Ang Mga Lycans

19.4K 146 6
                                    

ANG MGA LYCANS

KINUHA ni Dixie ang kanyang cellphone at binuksan ang kanyang gallery. There was that one specific file she doesn't have the courage to open. Iyon ang isang ebidensiya na magpapatunay kung ano ang ginawa niya para mailigtas ang buhay ng kanyang kapatid at mabago ang kanilang buhay. At first, she was guilty. Isinumpa niyang hindi na muli siya magbebenta ng aliw kapag nakatapos na siya ng pag-aaral at kapag nakahanap na siya ng trabaho pero dahil sa nangyari kay Dexter ay kinailangan niyang kalimutan ang pangako niya sa sarili.

Alam ni Dixie na mahirap paniwalaan pero hindi lang simpleng aliw ang ginawa niya. Lakas-loob niyang pinindot ang 'play' button ng video at nakita na naman niya ang sarili—merong suot na manipis na saplot sa katawan habang sumasayaw sa saliw ng isang maharot at kilalang kanta sa harap ng isang nakakatakot na estatwa.

"Sasayaw ka at makikipag-isa sa isang estatwa hanggang sa magkaroon ito ng buhay, Dixie."

"Sandali? Estatwang magkakaroon ng buhay?" Mapaklang tumawa si Dixie sa sinabi ni Cindy, ang kaibigan niyang modelo na nagpakilala noon sa kanya sa mga bigateng customer. Nakipagkita siya rito sa isang kilalang coffee shop. Dito siya humingi ng tulong at hindi naman siya nito binigo. Iyon nga lang, parang gusto niyang isipin na parang nasisiraan na ng bait ang kaibigan niya.

She had never made love with a statue before. At nagkakaroon pa raw ito ng buhay? Sinong tao ang nasa tamang katinuan ang maniniwala sa ganoon?

"I know it's hard to believe pero merong mga alagang halimaw si Victor na isinumpa. Mga lycans ang tawag sa kanila. They were mythical creatures na isinumpang maging estatwa sa loob ng ilang century. They are real, Dixie. I've made love to one of them. I didn't get paid but I was still satisfied." Pilya pang ngumiti si Cindy.

"Cindy, nagda-drugs ka ba?" nanlalaki ang mga matang ani Dixie.

Cindy rolled her eyeballs ceilingwards. "Okay, fine. Kung ayaw mong maniwala, come with me at let's meet Victor. Willing na siyang bayaran ka for accepting the offer at ang kabuuan ng bayad ay saka na, kapag nagawa mo na ang trabaho mo. But let me tell you, Dixie. You're my friend at hinding-hindi kita ipapahamak. Ginagawa ko 'to dahil gusto kitang tulungan. Deal?"

Inilahad ni Cindy ang palad. Hindi ide-deny ni Dixie na natukso siya sa downpayment. Ang sabi kasi ng ospital, kailangan ng downpayment para masimula na agad ang treatment ni Dexter. At kahit downpayment na lang sana ay malaking tulong na iyon para kay Dixie. At malaki ang tiwala niya si Cindy. Matagal na silang magkaibigan at lagi niya itong matatakbuhan kapag ginigipit siya.

Pikit-matang tinanggap niya ang kamay ni Cindy. Kung buhay na ng kapatid niya ang nakasalalay, kailangan niyang kalimutan ang sariling pag-aalinlangan.

Bahala na. Para kay Dexter at kay Nanay, kakayanin ko, saloob niya at nagbuntong-hininga.

Ito lang ang update na nakayanan ko. Susubukan kong habaan sa susunod kapag sinipag na ako at umiral na ang pagiging genius ko. Toroy, genius daw, o. Hahaha. Anyways, you can read my other stories:

*Strong Desire [R-18]- On-going

*Belinda's Lover [R-18]- Completed

Gustong-gusto n'yo ang mga R-18 'di ba? Aminin. Hahaha. Ciao!


The Perfect Seduction Book 2: Ang Mga Lycans [R-18]Kde žijí příběhy. Začni objevovat