"Kinikilig yan!" hinampas ko na lang sya. Syempre kinilig ako no! Aba ikaw ba naman sabihan na maganda ka ng taong mahal mo.

"Kath..." bigla ba namang yumakap si unggoy sa likod ko. Nakiliti ako sa boses nya.

"Mmm?" nasagot ko na lang.

"Mahal na mahal kita."

"Ang random mo." Pero grabe kinilig ako sino bang hindi ha!!! Daniel Padilla yan!

"Pinapaalala ko lang... at ipapaalala ko yan bawat araw, bawat oras, bawat minuto, bawat segundo. Para hindi mo makalimutan na mahal na mahal kita." Humarap ako sa kanya.

"Alam mo... alam ko naman eh." tapos tumawa ako. "Patay na patay ka sakin eh."

"Pinagyayabang mo na yan?" tumawa kaming dalawa. "Pero... oo. Kath... di ko kayang wala ka."

Ngumiti ako... a genuine one. Priceless. Itong moment na 'to ay priceless. Cannot be replaced. 

 

"Daniel John Padilla... Mahal na mahal din kita." tapos hinalikan nya ako sa noo at yinakap.

This moment will be forever marked in my heart.

"Let's all welcome... Daniel Padilla!" narinig ko ang palakpakan at sigawan ng mga tao sa loob ng studio. Lumabas na si Dj. Mamaya pa kasi ako lalabas. Tiningnan ko siya...

Hindi ko akalain... ganito ako kaswerte sa kanya.

"At syempre, ang purpose nitong interview na 'to ay... may ipapakilala satin si Daniel." Ito na... kinakabahan na ako. Papasok na ako sa studio.

"Let's call on... Ms. Kathryn Bernardo!" Pagkatapak ko sa stage, puro liwanag.

Isa lang ang nakikita ko, ang mukha ni Dj at ang kamay nyang nakalahad sa akin. Nakangiti siya. 

"Wag kang kabahan, nandito ako." Ngumiti na rin ako't humawak sa kamay nya.

Sabay kaming pumasok at magkahawak ang kamay namin. Natatanaw ko ang mga audience, lahat ng mata ay nasa amin. Hindi ko alam ang gagawin ko, hindi ko alam ang irereact ko. Humigpit ang hawak sakin ni Dj, at sabay kaming umupo.

"So totoo pala ang balita... in a relationship nga si Daniel. So how... when... kailan pa kayo?" tanong samin ni Tito Boy. Nakangiti siya samin. Ngumiti muna sakin si Dj bago sumagot.

"Childhood sweethearts po kami." napalaki ang mata ko. Tapos tumawa sya. "Palagi po kaming nag aasaran nung bata pa kami. Magkaibigan kasi yung mommy naming dalawa. Una ko siyang nakilala... sa isang park. Para sa isang bata, hindi siya normal." napalaki na naman mata ko, at tumawa na naman sya. "Nakabraces, nakamakapal na salamin, nakajumper... sinong mag aakalang tao siya non?" Tumawa yung audience. Lintik na DJ to, pinapahiya pa ako. "Hanggang sa nag high school... Siya lang ang hindi nagkakagusto sakin noon." kapal ng mukha neto ah. "Kaya palagi ko siyang inaasar... hindi ko alam kung nagpapapansin ba ako sa kanya, pero gustong gusto kong makuha atensyon nya." 

Ngayon ko lang nalaman yun ah?

"Para sa isang normal na teenager, may girlfriend ako nung high school. Maganda siya..." lumaki na naman mata ko, gusto ata talaga nito ng away mamaya. "Pero hindi siya yung para sakin. Na habang tinutukso ko pala si Nerd - nerd kasi tawag ko kay Kath nung high school, tapos unggoy tawag nya sakin, sweet diba? - ayon, nahuhulog na pala ang loob ko sa kanya." Tumingin sya sakin at ngumiti. "At swerte ko, gusto nya rin pala ako! Diba!" Tapos tumawa sila. "Pero mas lalo pang nahulog ang loob ko sa kanya nung marami ng humadlang saming dalawa. Hindi ko alam, masyadong maraming problema ang dinanas namin bago kami dumating sa puntong ito. Maraming bagyo't lindol ang naranasan namin, maraming baha ang sumalakay sa amin. Pero... hindi kami nagpatinag. Kasi mahal na mahal ko siya. At mahal na mahal nya rin ako. Yun siguro... kaya kami pa rin ang magkasama hanggang ngayon. Malapit na kami mag 4 years! Syempre sa apat na taon na 'to, nagkaroon ng away, hiwalayan... pero hindi na mahalaga yon! Kasi ang mahalaga... ang huli. At yun ay kami pa rin."

Nagpalakpakan silang lahat. Ewan ko, hindi ko alam kung anong irereact ko. Matutuwa o maiiyak o maiinis o matatawa eh. Halo halong emosyon. Si Dj kasi, patawa tapos sweet tapos seryoso. Unggoy talaga 'to!

"At itong kantang ito ay para sa inyong lahat... lalo na sayo Kath." tumingin muna siya sakin tapos pumunta sa gitna ng stage.

"Kung tayo ay matanda na
Sana'y di tayo magbago
Kailan man, nasaan ma'y
Ito ang pangarap ko..."

Dito na bumuhos yung luha ko. May nakita akong AVP na hinanda pala ni DJ para sakin. Nandun yung mga pictures namin noon. 

Biglang lumapit si DJ sakin tapos pinunasan yung luha ko. Tumayo ako't hinawakan nya yung kamay ko habang nakanta sya.


"Makuha mo pa kayang
Ako'y hagkan at yakapin, hmm
Hanggang pagtanda natin
Nagtatanong lang sa 'yo
Ako pa kaya'y ibigin mo
Kahit maputi na ang buhok ko..."

"Thank you, I love you." Bulong ko sa kanya. Ngumiti naman sya. Tiningnan ko pa yung AVP, may mga stolen pictures ako dun, at may mga messages....

Ikaw lang.

Ang minahal ko.


"Pagdating ng araw
Ang 'yong buhok ay puputi na rin
Sabay tayong mangangarap
Nang nakaraan sa 'tin..."

Ikaw lang.

Ang mahal ko.



"Ang nakalipas ay ibabalik natin, hmm
Ipapaalala ko sa 'yo ang aking pangako
Na ang pag-ibig ko'y laging sa 'yo
Kahit maputi na ang buhok ko..."

Ikaw lang.

Ang mamahalin ko.

"Ang nakalipas ay ibabalik natin, hmm
Ipapaalala ko sa 'yo ang aking pangako
Na ang pag-ibig ko'y laging sa 'yo
Kahit maputi na ang buhok ko... "

Mahal na mahal kita, Kathryn Bernardo.

Niyakap ko siya.

May mas sasaya pa ba sa akin?

***

Kaye's Note: Epilogue na po ang next. Maraming salamat sa lahat ng sumuporta ng storyang ito. Sana po basahin nyo ang bago kong storya.

Yung Loving Serendipity. Pakicheck nung external link.

Salamat po! :)

Still This Crazy Love (PUBLISHED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon