Misunderstanding

439 14 1
                                    

ARA


Napag desisyonan kong umuwi nalang sa bahay nila Thomas kesa sa bahay namin kaya naman tinawagan ko si Kuya Bert, ang family driver namin. Nagpahatid na ko pabalik pero nagulat ako nang may taxi din sa harap nila Thomas, niluwa nito ang isang Arra San Agustin nakita ko si Thomas, mukhang inaabangan niya. Mas lalo akong nasaktan nung niyakap ni Arra si Thomas. Akala ko ba ako lang? Akala ko ba?

"Kuya sandali lang ho, dito muna ho tayo sa gilid" sabi ko kay Kuya Bert

Pinanood ko kung paano sila naguusap di ko namalayang umiiyak na pala ako

"Ma'am Ara ayos lang ho kayo?" tanong ni Kuya Bert

Pinunasan ko ang luhang tumutulo sa aking pisngi

"Opo, Kuya sa condo ko nalang po" sabi ko

"Sige po" niliko ni Kuya Bert ang kotse

"Kuya sorry ho ah." sabi ko

"Okay lang yan Ma'am, binabayaran niyo naman po ako para dito eh"



THOMAS



18:08am

Wala pa din si Ara at ako ay wala pa ding tulog inaantay ko pa din siya dito sa labas ng gate namin hoping na umuwi siya dito sa bahay. I already talk to Mama B na kung umuwi man si Ara sakanila i-inform ako but unfortunately, wala hindi pa ko nakakakuha ng information.

Maya maya may pumaradang taxi sa harapan ko I thought it was Ara, my Victonara pero iba ang dumating

"Arra?" nagtataka kong sambit

"Thomas" niyakap niya ako "Sorry, nabalitaan ko nag away daw kayo ni Ara?" tanong niya. Napabuntong hininga nalang ako

"Shhh, let's go inside its cold in here" she said

Nang makarating kami sa loob agad siyang umupo sa bar stool namin I handed her a cup of hot choco na minicrowave ko. Its for Ara talaga pero parang di naman siya dadating.

"Uy! Thank you! Hmm so let's start, sorry talaga I never mean it malay ko ba kasing si Ara yung makakasagot diba?" I heard a chuckle from her. 

"Selosa kasi, pati bini-build ko pa kasi yung trust niya sa akin, may konti na eh kaso ngayon back to zero ulit"

"Sorry talaga I never mean it. Swear" she told me

"Haay okay na. Nngyari na eh, tsaka bakit ka ba kasi tumawag?" tanong ko

"Wala gusto lang kita I meet gusto ko sana kasama mo si Ara" chill niyang sagot

"At bakit naman?" 

"Kasi nga I'm having my engagement party" sabi niya na walang ka buhay buhay

"Oh eh bat ganan tono mo?"

"Wala. Guilt? Kasi nagalit sayo si Ara?" sabi niya

"Sus okay na yun ako na bahala kay Vicky"

"Hala gabing gabi na pala. Dito ka nalang matulog delikado na" sabi ko pa

"Haa? Eh diba wala na kayong ibang room?" I smiled on that thought. Oo nga pala di ko pinapagamit sa kaniya yung kwarto ni Ara.

"We're here" I said

"At talagang may 'A' sa pinto?" she noticed it

"Ahh its Ara's room nga pala" sabi ko

"Good night Arra"

"Good night Thom" 


ARA


In the morning, I decided na pumunta kina Thom naiwan ko kasi dun yung loose tank top ko eh. Tinawagan ko nadin si Kuya Bert.

Maya maya dumating na si Kuya Bert

"Okay na po kayo Ma'am?" tanong niya. I just fake a smile

"Syempre naman po"

"Saan nga po pala tayo?"

"Taguig po Kuya, kina Thomas" tumango nalang si Kuya Bert at nagmaneho papunta kina Thomas.

Pagkarating ko sinalubong ako ni Mama

"Ara anak, nandito ka pala. Breakfast muna" pagyayaya nito

"Naku Ma, sorry may kukunin lang sana ako sa kwarto, nagmamadali din po kasi ako. Next time nalang po" sabi ko

"Ay nako sayang naman. Aasahan ko yang next time mo ah" she said

"Sige po. Una na po ako sa taas" pagpapaalam ko at tinanguan lang ako


Binuksan ko ang pinto ko para sana kunin yung damit kaso napatinggin ako sa kama ko. How dare is she para matulog sa kama ko at gamitin yung damit ko

"ARRA!" I screamed in anger. Napabalikwas naman kaagad siya

"How dare you to use my clothes?!" taas kilay kong sagot

"I-i'm s-sorry. H-hindi ko alam, Ara. Sorry" nangangatal niyang sagot. As if on cue, bumukas ang pinto at inilabas nito si Thomas

"What's going on?" he asked

"Who let her get in this room?!" I asked him

"Sinong may sabing pwede niyang suotin ang mga damit ko at matulog sa kama ko?!" 

"Ako! Bakit masama? Ara damit lang yan wag mo namang palakihin yung issue" sabi ni Thomas. 

OH MY GOD!

"Ikaw? So pinagamit mo pala sa kaniya 'tong kwarto pati mga damit ko?" sabi ko

"Oo pinagamit ko. Ara wag na nating pag awayan 'to, masyadong mababaw" sabi niya sa akin

Mababaw na pala yun. Wala na kong sinabi at umalis nalang ako sa harapan nila. Mali ko nanaman, ambabaw ko pala. Nang makalabas ako ng kwarto lumabas na din yung luha ko. Nakasalubong ko si Mama, tinawag niya ako pero di ko na siya nilingon.

I wiped my tears away.

"Kuya, tara na po." sabi ko

"Saan po Ma'am?"

"Kina Mika nalang po"


THOMAS


"Ma hindi ko na alam, parang palala ng palala yung sitwasyon" sabi ko kay Mama

"Anak, may mali ka din naman, she has a point hindi mo talaga pwedeng ipagamit yung gamit niya sa iba unless alam niya. Invading of privacy yun, kaya nga diba hindi ko ginagalaw yung gamit niya? Oo nandito sa bahay pero kaniya pa rin yun, tapos kay Arra mo pa pinagamit, lalong mas masakit yun anak" sabi ni Mama

"Ma, napapagod na ko kay Ara" I told her

"Thomas! Wake up, kung pagod ka na? Pwes si Ara pagod na pagod na! Wake up Thomas ipaglaban mo si Ara" sabi ni Mama

"Pero Ma, paano?" 





[Rian's: I tried but sorry 'cause I'm tired. Sorry sa matagal tagal na hindi pag u-update tapos eto ang lame. Wala kasing inspiration eh. Bare with me, please?]

Fate and DestinyWhere stories live. Discover now