Torres' Confessions

578 15 0
                                    

Lumuwas ako ng Maynila para maghanap ng condo unit. Naisip ko din na mas maganda na nandito ako sa Maynila para di naman hassle sa mga gustong makipag kita saakin.

Marami na akong nakita at napuntaha, pero wala talaga eh. May magaganda naman, kaso kulang yung budget. May sakto sa budget pero wala, panget. Naisipan ko na pumunta muna sa MOA at magpalamig.

Habang nandito ako sa McDo at kumakain. Isang babae ang tumawag sa pangalan ko. 

"Ate Ara?"

Hindi ko ito pinansin baka kasi fan lang diba? Pero...

"Ate Vicky?"

Isa lang ang pwede saakin tumawag ng ganyan. Napalinggon ako at nakita ko siya. Si Kat.

Kat: Mama, sabi sayo eh si Ate Ara. Ate? Pwede maki-share wala ng available eh.

Well, this table is too big for me so I say yes.

Kat: Ate, I miss you. Sobra sobra. Sana naman makapunta ka sa bahay. 

Tita: Kat. Naku Ara, sorry kay Kat ah.

Ako: Ay nako Tita, okay lang po. Namiss ko din po kayo eh.

Tita: Last time I check Mama pa ang tawag mo sakin ah?

Sheez! Kahiya!

Ako: Ah eh, nakakahiya po kasi eh.

Tita: Ara, ako na ang humihingi ng tawad para sa nagawa ni Thomas. Sorry talaga. Thomas loves you, really much. Pwede ka ba mamaya?

Ako: Ah eh, Tita este Mama, nahihiya po akong pumunta sainyo.

Tita: Ako ang nahihiya kina Betchay. Sige na pagbigyan mo na ako.

Ako: Sige po.

***

So I end up driving to Taguig. Dapat nga isasabay pa nila ako, pero paano yung kotse ko. After the drive we finally arrived. Wala pa ring pinagbago yung bahay nila, still the same. I hope the people inside is still the same.

Tita: Ara, wag ka ng mahiya.

Pagpasok ko sa bahay nila, kitang kita ang gulat sa mukha ni Tito Rino at Iya. 

Iya: Mama? Ate Kat? Huhuhuhu Ate Arsyyy!

Yan. Ganyan sila ka clingy at may iba't ibang nickname para lang saakin.

Tito: Anak, finally you came back. Ma, where's Thomas?

Tita: Rino ano ba? Kayo magkakasama dito.

Bully talaga tong si Tita kahit kailan.

***

Nakipaglaro ako dito kina Iya at Kat. Super kukulit ng mga to. I never felt this way since I left this country.

Iya: Ate, shopping tayo?

Kat: Ate, salon din! Yieee pagandaaaa!

Iya: Tapos pamper daaaay!

Iya & Kat: Kailang schedule?

Natatawa nalang ako sa dalawang 'to. 

Ako: Sige sige, tomorrow.

Iya & Kat: YES!

Hay nako itong mga batang to.

Dahil sa pakikipaglaro ko dito sa mga to, di ko namalayang 8pm na pala. Naku! Gabi na uuwi pa ko ng Pampanga.

Fate and DestinyOù les histoires vivent. Découvrez maintenant