Truth

386 12 6
                                    

THOMAS

Nabigla ako nang sabihin ni Mika na pupunta daw sila sa Pampanga, kina Mama Betchay. Gusto ko sanang sumama kaso baka maiyak lang ako, makikita ko si mama, makikita ko yung pictures niya sa bahay nila. Mami-miss ko lang siya, kaya dito nalang ako sa bahay.

Naisipan kong mag sulat nalang sa Journal...


~*~

VSG,

Miss na kita, ilang taon na din mula noong huli tayong nagkita, ilang taon na din noong huli akong sumalat dito. Gusto ko lang malaman mo na mahal na mahal kita, sorry sa mga nagawa kong kasalanan sa'yo, sorry kung di kita sinundan, sorry sa lahat. Mas masakit pa 'to kesa noong una mo akong iniwan, kasi noon alam kong may tiyansa parang makita kita ulit, pero yung pagiwan mo sa akin ngayon, Ara hindi ko matanggap. Hindi ko matanggap na dahil sa isang aksidente mawawala ka sa akin habang buhay. Hindi ko na makayanang mag mahal ng iba, ikaw lang. Ikaw lang ang palaging sinisigaw ng puso ko. Ara walang makakapalit sayo. Salamat sa masasayang mga ala-ala, salamat sa pagmamahal na ipinaramdam mo sa akin, salamat dahil ikaw ay naging ikaw. Salamat dahil hinayaan mo akong mahalin ka. Kung sana sumunod ako sa Baguio, sana nakikita mo kung gaano kasaya si Mika, sana nakikita mo kung paano lumaki ang tiyan ni Ara, sana makikita mo ako sa dulo ng aisle inaantay ka habang naglalakad ka sa pulang carpet, naka-gown at may hawak na bulaklak. Siguro masaya tayong magkasama, sabay na bubuo ng sariling pamilya, kaso ang lahat ng yun ay puro sana. Siguro ito na ang huli, ang huling sulat ko, hindi ko na kaya. Kung nasaan ka man, sana masaya ka

Palagi kang minamahal,

-TCT

~*~

Hindi ko namamalayan ang pagpatak ng mga luha ko. Sa t'wing naalala ko kung paano siya nawala, gumuguho ang mundo ko, iniisip ko pa rin, bakit kaya pinapapunta ni Mama Betchay sina Mika.


MIKA


Kinabukasan, January 1, 2020 agad kaming pumunta ni Jeron kina Tita Betchay sa Pampanga, hindi nakasama si Arra dahil nga buntis siya. Feel na feel pa niya mag Dora ngayon pero di siya pinayagan ni Boots - este ni Anthony.

"Sa tinggin mo Miks, ano yung sasabihin sa atin ni Tita?" tanong ni Je

"Ewan ko, siguro pamamanahan niya tayo?" pabiro kong sagot

"Miks naman, seryoso ako eh"sabi ni Je

"Ako din naman ah?" 

Hmm, ano nga kaya yung sasabihin ni Tita sa amin?


***


Matapos ang nakakapagod na byahe, nakarating na kami sa bahay nila Tita. Isang pamilyar na katawan ang natatanaw ko mula dito sa gate nila. Nakatalikod ito at tila nilalaro ang isang batang lalaki. Hindi kaya si A-- nako baka ito ang asawa ni Kuya Djun.

"Tita Betchay! Tao po!" parehas namin pagtawag ni Jeron

"Mama! May tao, hindi ko kilala!" sigaw nung babae sa veranda, ka-boses niya pero malabong mangyari yun

"Ayy kayo pala, nako pasok kayo. Buti nalang at pinaunlakan niyo ako" sabi ni Tita

Nang makarating kami sa sala namangha ako sa nakita ko, ang mga pictures ni Ara mula noong bata ay lumabas. 

Fate and DestinyWhere stories live. Discover now