Chapter 05 - Looks like an Angel (Part 1)

1.4K 62 0
                                    

~Athena~

HINDI KO MAPIGILAN ang mapanganga dahil sa sinabing iyon ni Calvin. Hindi lang kami ang estudyante dito sa pantry, kaya hindi lang si Xavier ang nakarinig non.

"Another bait ha?" Nakangisi si Xavier na tumingin sa akin, I can see on his eye how cold he is, pero bait?

"If you have no business with me, do you mind?" Tinuro ni Calvin ang daan na parang sinasabi niyang tumabi si Xavier at dadaan kami.

"Let's see if she will be your end game." Ang huling sinabi ni Xavier at lumakad na palayo sa amin. Nasagi pa nga niya ang balikat ko at doon ay lalong nanindig ang balahibo ko.

"He's creepy." Bulong ko kay Calvin nang mawala na siya sa paningin namin.

"Yeah, he is." Anito at saka bumili na ng gusto niyang bilhin.

I still have 15 minutes sa break ko kaya napagdesisyunan kong tumambay na lang sa office ni Calvin. Sa nakita o narinig ba naman ng mga students o ng mga classmate ko, malamang ay magtatanong at magtatanong sila sa akin.

"Why do you have to tell him na girlfriend mo ako?" Tanong ko sa kaniya nang makabalik kami ng office niya.

"Dapat ba sabihin kong fiancée kita?" Napatingin ang kilay ko dahil sa sinagot nito sa akin.

"You know that I hate being the center of attention, kaya nga hindi ko ginamit ang apelyido ni papa kasi ayaw kong malaman nila na anak niya ako." Naiinis kong sabi pero itong kausap ko ay tila walang naririnig.

"You can't stop the waves, but you can learn to surf, Athena." Nag-angat siya ng tingin sa akin. "You have to fight that anxiety of yours, hindi mo palaging dapat piliin na takasan yung bagay na kinababahala mo. You are Gray, hindi mo maaalis yon, malalalaman at malalaman nila iyon. You will gonna be my wife, hindi natin iyon mapipigilan. Mabuti nga I just told that freaking guy na girlfriend kita at hindi soon to be my wife." At dahil sa sinabi niya ay hindi agad ako nakapagsalita, ilang beses lang na kumurap kurap ang mata ko.

At nang akma naman na akong sasagot sa kaniya ay saka naman tumunog na ang bell, hudyat na patapos na ang break namin at kailangan na namin bumalik sa classroom.

"Let's talk later." Sabi ko na lang at lumabas na ng office niya.

HINDI NGA ako nakatakas sa pang-iintriga nila Zhane. Pagka-upo na pagka-upo ko ay agad siyang nagtanong ng tungkol sa amin ni Calvin.

"So, how come that you are dating our student detective?" Tanong nito at bakas ang pagkakilig sa itsura niya.

Napabuntong hininga ako bago magsalita "It is just that." Simpleng sagot ko. Sa totoo nyan ay hindi ko talaga alam ang isasagot ko.

"Madaming nagkakagusto kay Calvin dito sa campus. Bukod sa anak siya ng mga Smith, napakatalino at husay din niya sa paglutas ng mga mysteries dito." Pagkekwento niya. "Kaya lang, never siya nagpakita na interesado siya sa babae. Ang usap-usapan nga dati ay bakla siya pero it turns out na may girlfriend na pala." Aniya pa't kinikilig na nakatingin sa akin. "Wala din siyang kaibigan dito. Napaka-cold at ang seryoso niya kasing tao, hindi siya pala-imik at parang walang pake-alam sa paligid. Naririnig nga lang namin siya minsan na magsalita sa mga deduction show niya. Madalas din na ang pilosopo niya magsalita, alam mo yon, yung minsan na lang siya magsalita pero namimilosopo pa o di kaya mas mataas lang iq niya sa ibang tao dito." Sa pagkekwento ni Zhane ay tila kilalang kilala niya si Calvin or siguro ganon lang kapopular ang lalaking iyon dito.

Missing PiecesWhere stories live. Discover now