Chapter 03 - Innocent until proven guilty

1.5K 68 0
                                    

                                  ~Athena~

WALANG ANO ANONG lumapit si Calvin kay Jessy. At pinakiramdaman ang pulso nito.

"Time of death, 3:10 pm." Anunsyo nito na tila isa siyang Doctor "Somebody call the police and don't let anyone leave the shop, it is a murder." Aniya pa at lumabas ang kanyang pag-ngisi na tila excited siyang lutasin ang pagkamatay ni Jessy.

"Sinasabi mo bang may pumatay sa kaibigan namin?" Tanong ni Arlene na walang tigil ang pagluha.

"Yeah." Tipid na sagot ni Calvin at nagsuot ng disposable gloves. Napag-isipan ko pa tuloy kung saan galing yung gloves niya o palagi ba siyang may dala non. "Someone poisoned her. It could be someone na may galit sa kaniya." Aniya pa.

"W-who could that be?" Halata ang pangamba sa boses ni Percy.

"Saan naman makukuha ang lason? As if namang may magbenta sa loob ng Gray Smith." Ani Isabel na bakas din ang pagkagulat sa kaniya.

"Teka, sinasabi mo bang isa sa amin ang pumatay sa kaniya?" Tila nainis na tanong ni Percy.

"Innocent until proven guilty." Ani Calvin.

Dumating naman na ang mga police at sinimulan na ang pag-examine sa bangkay at sa paligid. Inutos din ni Calvin na ipacheck kung saan naggaling ang lason. Kinuha din nila yung mga fingerprints ng mga naging connected sa hinahawakan at kinain ng biktima, it is the three girls and the 1 crew.

"Hindi na talaga natigil ang Krimen sa paaralang ito, Calvin." Rinig kong sabi ng isang Inspector kay Calvin.

Parang sanay na sanay na sila sa ganitong sitwasyon, at hinahayaan lang nila si Calvin na mangealam sa imbistigasyon.

"We just have to know if how the victim got the poison, Inspector Trinidad. If she exhaled it or ingested it." Ani Calvin na pinapanood lang ang galaw ng tatlong suspect namin.

Nariyan din ang dalawang crew na duty ngayon, si Joanna at Melody. Si Melody ang naka-assigned sa counter, while si Joanna ay sa kitchen.

"So far, we have four suspects." Ani Calvin na nakahawak pa sa baba at palakad lakad na pinagmamasdan ang mga suspects niya. "It could be the three of you." Turo niya sa tatlong babaeng magkakaibigan na kanina pa umiiyak. "Or you." Turo niya kay Joanna. "Kayo lang naman ang may easy access para mailagay yung lason sa iniinom or kinakain ng biktima. Pero sino kaya sa inyo? Hmmm..."

Minutes have been passed nang natanggap na nila Inspector Trinidad ang results ng test na ginawa.

"Can I ask you Arlene, if why your fingerprints found in the victim's handkerchief?" Namilog ang mata ni Arlene nang tanungin siya ni Calvin.

"N-naiwan ni Jessy yung panyo niya sa cr, at inabot ko sa kaniya yon since ako ang nakakita at huling lumabas sa amin." Na-uutal na sagot nito. "But I did not put a poison on her handkerchief." Aniya pa.

"Can you also tell me the reason Isabel, why your fingerprints found in Jessy's cup?"

"Natatabangan ako sa coffee ko that's why I decided na magpalagay ng sugar, and nagpasabay si Jessy sa akin." Sagot ni Isabel na patuloy pa din ang pag-iyak.

"I think we already have a primary suspect." Bumuntong hininga si Calvin. "If the victim exhaled the poison, the primary suspect will be Arlene. Ikaw ang nagbalik ng panyo kay Jessy na naiwan sa cr, maybe you used that opportunity to put the poison in Jessy's handkerchief." Magsasalita na sana si Arlene pero hindi siya binigyan ng pagkakataon ni Calvin para magsalita. "If the victim ingested the poison, it could be Isabel. Sinabi mong magpapa-add ka ng sugar kasi matabang yung kape mo then nagpasabay si Jessy. Perfect opportunity para ihalo ang lason sa kape ng biktima."

Missing PiecesWhere stories live. Discover now