Chapter 01: Fiancée

2K 118 5
                                    

—Athena—

NAPABUNTONG HININGA ako bago ko buksan ang pintuan ng kotse para bumaba. Hindi pa ako handa at labag sa kalooban ko ang lumipat dito. I hate the idea na 'pagbaba ko dito ay nakakulong na ako dito ng almost 5 years pero wala akong magagawa kundi ang sumunod.

"Dad, 'wag mo na akong ihatid sa loob. Kaya kong punasok mag-isa at isa pa, ayokong malaman nila na anak mo ako." Kanina ko pa sinasabihan ang papa ko na huwag na akong ihatid pa sa pinakaloob-looban dahil ayoko ng spotlight.

Ayokong makilala nila ako bilang anak ng may-ari ng school na ito. I want to live a comfortable and humble life. Gusto kong magtapos ng pag-aaral dito nang matiwasay at mapayapa.

"And besides, ang isa sa rason naman ng pagpapatapon mo sa akin dito is to keep me safe, 'di ba? So let's keep my profile here lowkey kasi hindi mo naman din sigurado na ang mga makakasama ko dyan sa loob ay kakampi mo." Dagdag ko pa habang inaayos ang sling bag ko.

"You have a point. Only the Guard and the employee staff there knows you. Sasabihan ko din sila na huwag ipagkalat. Hindi kami makakadalaw palagi ng mama mo sa'yo kaya huwag kang gagawa ng kalokohan sa loob." It feels like makukulong ako sa literal na kulungan sa sinasabi ng papa ko. "If you can go there alone, then fine, just take care of yourself." Hinalikan ako ni papa sa noo at hindi na ako umimik pa. Bumaba na ako ng kotse at ibinaba na din ng Driver namin ang maleta ko't hinatid ako sa gate.

Isang malalim ng hininga ulit ang inilabas ko bago ako tuluyang pumasok sa loob. "You got this, self! 5 years, just 5 years of your life ang titiisan mo at makakalabas ka din." Pangga-gaslight ko sa sarili at saka tuluyang pumasok.

May sumalubong sa aking staff to get my luggages at ihatid ako sa unit ko. Sumakay kami sa isang electric bycicle dahil nga siguro malawak dito.

Sinabihan ko na si Daddy to keep my profile here low, pero tignan mo naman kung paano sila magbigay pugay sa akin. Mabuti na lang at walang mga students ngayon sa daan at class hour pa.

Just to enlighten you, guys, hindi oa ang pakiramdam ko ngayon. Literal na makukulong ako sa school na ito ng limang taon o hanggang sa makagraduate ako ng College. This is not a typical school na kapag pumasok ka ay makakauwi ka agad. Here in Gray Smith, once you enter there is no turning back. Hanggang sa makapagtapos ka sa College, dito ka lang.

But the good thing is lahat ng kailangan mo ay andito na. It looks like a little city, andyan ang mga dormitories namin na nahahati in level like the first 3 floors are the Class C students wherein the students are just moderately rich. Then the second 3 floors are the Class B students, they are in the middle level of being rich and then there is the Class A in the third 3 floors, they were calling them the richest students but, there is a penthouse, where the most richest student is living. Doon ako titira sa limang taon ko ditong mamalagi. And yes, uso nga ang racist dito.

Meron ding mall dito, big enough para makapagliwaliw ka. Merong sariling hospital, fire station, police station, grocery store and syempre ang campus. Sa lawak nito, all students have their own electric bicycle.

Kung isang ordinaryong mamamayan ka lang, hindi mo aakalaing mayroong gantong paaralan sa Pilipinas. Only those who can afford to pay a million tuition fee can study here. Pero ang mas maganda dito, kahit anong yaman ang meron ka, kahit nasang floor ka man nakatira, patas lahat pagdating sa classroom. That is one of the golden rule ng management ng school namin, walang magbabayad at magpapabayad na teacher.

"Goodmorning, ma'am." Bati sa akin ng Guard ng Building ng Dorm nang makababa ako sa E-Bike na sinakyan ko. Ngumiti na lang ako bilang tugon.

Missing PiecesWhere stories live. Discover now