Tinagilid niya ang kanyang ulo

"Well ako,may time eh" nakangiti niyang sabi

"I can be your friend,bestfriend" dagdag pa niya at isinilong ulit ako sa maliit niyang payong

Napayuko ako,dahil nahihiya ako sa kanya,sa ginawa kong pagsusungit sa kanya ay hindi siya natinag at gusto niya paring makipag kaibigan sakin

"Talaga.." nakayuko kong sabi

"Yes!bestfriends~" halata sa boses niya ang saya

Iniangat ko ang ulo ko at tumingin sa kanya

"Thank you ah?bestfriend" ngumiti ako sa kanya

Humakbang ako paatras para hindi na kami magsiksikan sa ilalim ng payong niya

"Bff na diba tayo,sige na silong ka na!" sabi niya sabay hila sa aking braso

Umiling-iling ako

"Ang liit niyan eh,sayo nalang" biro kong sabi

Nagulat ako sa sunod niyang ginawa,tiniklop niya ang payong at nag-paulan narin

"Ayan,patas na tayo,para na taong basang sisiw" biro niya at nagtawanan na kami

"..sa tatahakin mong daan di kita iiwan,di ka na mag-iisa kaibigan.."

Nagdadalawang isip akong tumuloy sa pinakadulong bahagi ng library,nandun kasi ang libro na pwede kong gamitin para sagutan ang assingment ko,pero kasi!patay-sindi yung ilaw

Halos lumabas kaluluwa ko dahil 'me biglang humawak sa balikat ko,nang tingnan ko ito,si Ianna lang pala,hinawakan niya ang kamay ko at ngumiti

"Samahan kita" sabi niya

Tumango ako at saka ngumiti

"..Peng yu yi shen yi chi zhou
Na xie re chi bu zhai you

Ating pagkakaibigan,di mag babago kailanman.."

"Bestfriend kita diba?" tanong ko sa kanya

"Oo naman,forever na yun" nakangiti niyang sabi saka niyakap ako

"..Peng yu bu cheng gu tan gou
Yi shen peng yu ni hui dong,

Kahit na magkalayo,nandito ka saking puso.."

"Anong plano mo ngayong sembreak?" tanong ko habang kumakain kami ng chichirya sa daan pauwi

"Mmm,babalik muna ata akong Seoul kasama si Rhane" malungkot ang kanyang boses

"Oh!bat parang di ka masaya??" takang tanong ko sa kanya

"Eh!matagal-tagal din yung sembreak,di kita makikita" nakanguso niyang sabi

"Kala mo naman,taon bibilangin bago tayo magkita ulit eh" pagsusungit ko,lumapit naman siya sakin saka hinawakan ang isa kong braso

"Ma mi-miss parin kita.."

"..Ichiwa ipei chu,
Kaibigan kahit kaylan ~"

"Mas naniniwala akong may poreber ang pagkakaibigan"

"Tama!"

"Kaya patunayan natin sa kanila"

"Tama!"

"Forever Friend,Forever Bestfriend"

Natapos na siya sa kanyang paggigitara at agad na humiga sa kanyang higaan..

Ano to??umiiyak ako,hindi ito maari!Ano yung mga naaalala ko?mga bangungunot yun -_- pero bat ako umiiyak??!

Hindi ko na kaya ang emosyon ko kaya tumakbo ako palayo sa kwartong yun,palayo sa flooe na yun,palayo sa building na yun.

Dinala ako ng mga paa ko sa isang malawak na garden

Hindi ko parin alam kung bakit hanggang ngayon hindi parin tumitigil ang mga luha

Mahina kong iniuntog ang aking ulo sa pader at sinabunutan ang sarili kong buhok

Bat ako nagkakaganito??!



Lumipas na ang dalawang araw at hindi parin ako nakakapatay,parang may kung anong pumipigil sakin,hindi ko alam kong ano yun?!

Dahil ba ito sa mga ala-alang yun?Masayang ala-ala..

No!Hindi,isa yung bangungunot at pinag sisisihan ko yun

Maghanda na kayo,PAPATAY NA NAMAN AKO!


To be continued...

DEATH SCHOOL (Under Construction)Where stories live. Discover now