Prologue

309 11 0
                                    

Bianca

Ayon kay Stanley, maingay ako, madaldal at hindi nawawalan n kwento. Pero ang lahat ng pagkamaingay ko ay isa lang sa stress reliever ko. Weird no?

Nakakapagtaka lang dahil sa dinami-dami ng magugustuhan ko at mahuhulog ako ay sa tao pang kabaligtaran ko ang personality.

Hilig ko ang pagkanta tapos hilig niya naman sumayaw. Pero nakakaattract siya sumayaw ha. Parang yung mga Kpop Groups na napapanood ko sa TV. Higit sa lahat ay sobrang tahimik niya tapos ako sobrang daldal.

Isa siyang dancer ng St.Anthony kung saan galing sina Garren. Nakilala ko siya nang magkabanggaan kami sa foundation ball ng University namin. Sa gwapong mukha niya at sa pagkagentleman niya ay tinamaan na agad ako.

Paano siya mahuhulog sa akin? Inalam ko lahat ang tungkol sa kanya. Mukang tanga man, wala akong pakialam. Sinasaway na nga ako ng mga kaibigan ko e. Pero bahala na. Stalker na niya ako.

Paano ka maiinlove sa akin Kyle Vincent Novales? Alam kong hindi lang ako ang naghahabol sayo pero gusto kong mapansin mo ako.

Vincent

Hindi ko maiwasang mabwisit kapag nandyan si Bianca na palaging nakasunod sa akin. Yes, she's a crazy stalker.

Kung saan ako naroon kasama minsan ang mga kagrupo ko sa pagsasayaw ay nandoon din siya. Hindi na ako natutuwa. Minsan ay inaalaska na ako ng mga kasama ko dahil sa kanya.

'She's crazy. Malala na siya!'

~~~~~~~~~~~~~~~



Pilitin kong mag-update kahit chapter one lang. Kung kwela ang pagkakakilala nyo kay Bianca sa Heartthrob Series #1, mas kilalanin siya sa sarili niyang kwento.

Add her on Facebook.

*Bianca Mae Marquez

Unedited.

Opposite Attracts (Heartthrob Series 3)Where stories live. Discover now