Chapter 6

8 0 0
                                    

Naglakad ako patungo sa inuupuan niya at padabog kong inilagay sa lamesa ang mga libro na pinapakuha niya sa akin.  

"Oh, eto na ang mga libro 'boss'" nanatili akong nakatayo habang tinitignan ang seryoso niyang pagmumukha. Napakagwapo niya talagang nilalang. Talo niya pa si Four sa divergent sa sobrang kapogian. Ang sarap niyang...


Bigla siyang nagtaas ng kilay, "Good. Oh? Ano pa ang hinihintay mo? Magsimula ka ng magbasa."


...sarap niyang sabunutan hanggang sa makalbo siya. Kainis! Nab-bwiset na ako sa France na 'to ha! Kanina niya pa ako pinapahirapan. Kunin mo yun. Lagyan mo yan. Tawagin mo si ano. Lahat-lahat nalang!

Simula nung nilagnat ako, ganito na ang turing niya sa akin. Isang alipin 'kuno' niya. Bilang pasasalamat daw dahil binuhat niya ako papuntang clinic ay kailangan kong sumunod sa mga utos niya. Kapal ng pagmumukha niya. Hindi ko pa nga siya siningil sa utang niya sa'kin.  


I really loathe this guy. This sexy guy.


 "Tinatayo-tayo mo dyan?" I rolled my eyes. 'Kay fine. 


Hindi ko masyadong maalala ang nangyari noong lunes. Kung tatanungin ko naman si France, hindi niya naman ako binibigyan ng matitinong kasagutan. Palagi siyang nag-iiwas at dinadaan na lang sa pag-uutos sa akin. Naasar na nga ako e kaya mas pinili ko na lang na manahimik. 


Hindi naman siguro importante iyon. I just hope na hindi ako nadulas. 


By the way, my father called me last night. Sabi niya magbabakasyon daw sila sa Paris kasama si step-mom at si Dwight. Isang buwan daw silang mags-stay doon. The heck. Binabaan ko nga kaagad. Ni-hindi man lang ako niyaya, pamilya pa nga ba niya ako? Anak niya pa ba ako? Kunsabagay, hindi pa rin naman ako sasama sakanila kapag niyaya nila ako. Asang sasama ako sa kanila.

My step-mom stopped communicating with me. She really hates me now, huh? Hindi niya na nga siguro ako mapapatawad sa ginawa ko. That's good. Isa na lang ang dapat kong gawin. Ang paghiwalayin silang dalawa ng ama ko. Ngunit paano ko naman 'yon gagawin? 


"Alice?" napatalon ako sa gulat ng tawagin ako ni France. 

"What?"

"May practice ako. Pwede bang iwan muna kita dito?" 


Napatigil ako saglit. How dare he?! 


"No, you won't leave until we finish our methodology. " malapit na ang deadline ng research papers namin tapos hindi pa rin kami naka-expirement. Hindi kami dapat magsasayang ng oras ngayon. 


"Pero importante--"


I glared at him, "Mas importante pa sa grado mo? Fine. Go. Aalis na din ako."  tinalikuran ko na siya pero bago nun ay nahagip pa ng paningin ko ang pag-igting ng panga niya. Galit na siya. tsk. I don't care. 


Nobody scares me. 


Isinaksak ko ang earphones sa aking tenga at nakinig ng mga kanta ng The Vamps. Nilakasan ko pa talaga ang volume, ramdam ko kasing may nakasunod sa akin. Alam ko na kung sino, si France. Hayaan mo siyang sumunod sa'kin. Bahala siya sa buhay niya.

Napaaray ako nung may tumulak sa akin sa pader. Shit. Ang sakit ng likod ko. 


"Ano ba?!" syete naman oh! Ang lapit-lapit ng mukha niya sa akin. Bakit hilig ng mga lalaki ang ganitong moves? Seryuso, hindi ko 'to nagugustuhan.

"Bakit hindi mo kayang sumunod, Alice? Bakit ang taray-taray mong babae ka? Palagi ka bang may meron?" pagalit na tanong niya sa akin. Bigla naman akong namula. 


Ano ba ang problema niya? Bakit parang wala lang sakanya ang mga... Lecheng tanong niya? Hindi niya pa alam na sensitive topic yon lalo na kapag sa bibig pa mismo ng lalaki nanggaling ang mga... urgh!


"Ano ba kita? Hindi naman kita tatay para sundin ko yang ang mga utos mo!" I retorted. 

Bahagya siyang lumayo at nanghilamos ng mukha. Mukha siyang pagod, at the same time iritado. Kitang-kita kopa din ang mga sugat na natamo niya noon. Hindi pa sila magaling at medyo namumula-mula pa. 


Gosh. Isa lang ang masasabi ko. Ang gwapo niya pa din kahit pumutok pa yung mga labi niya. 


Tumingin siya sa akin, "Nakakapagod ka talagang kausap." sabi niya tapos ginulo-gulo ang kanyang itim na buhok.  Muntikan ng tumulo ang laway ko dun a.


"Nakakainis ka namang kausap." pero ayos lang talaga kahit malapit na akong sumabog  ng dahil sa inis, basta't marinig ko lang yung namamaos niyang boses pipilitin ko talagang kumalma. 


"Ewan ko sa'yo. Dyan ka na nga." akmang tatalikuran niya na ako ngunit hindi natuloy dahil may nahulog galing sa bulsa niya. 


Sumilip naman ako nagbabakasakaling makita kung ano 'yon. Agad naman akong nabato sa pwesto. Hindi ko magawang alisin ang tingin ko sa isang litrato. 


Sana pala hindi ko nalang pinansin iyon. 

"G-Girlfriend mo?" walang kaemo-emosyon kong tanong sakanya na ikinataas naman ng kilay niya. Tinignan niya ako na para bang naiinis sa tanong ko. 


I heard him groaned, "Pakielam mo ba?" 

boom. chack. cheeck. kreeek. (Tunog yan ng nababasag na puso.)

Tuluyan na siyang naglakad palayo sa akin. Sabi ko na nga ba e. Impossibleng wala siyang girlfriend. Sa kagwapuhang taglay niya pa lang, ewan ko kung hindi ka mangingisay sa kilig.


Iiyak na ba ako?

-----

Dedicated to lorenmagoliman. Salamat dahil nagustuhan mo ang story kahit medyo lame. :)






Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Nov 27, 2016 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Courting HimTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon