Chapter 3

19 1 0
                                    

Present

"Sigurado ka na ba talaga sa gagawin mo?"

Wala sa sarili akong tumango kay Megan. Pinasok ko na saaking bagahe ang huling damit na nakapatong sa aking kama. Bale, tatlo lahat ang mga dala ko, dalawang malalaking bag at isang maleta. Lahat ng mga gamit ko ay nandyan na sa loob, maliban nalang sa mga hindi importanteng bagay.

Ayos na ayos na ako, simpleng T-shirt lang na may mga kung ano-anong doodle designs, black jeans at black flats. Napatingin ako sa aking relos, 12:35pm na. Ilang oras nalang, tatlong oras nalang ata, aalis na ako para sa flight ko.

Habang sinasardo ko ng mabuti ang bag, may nahagilap ako sa gilid ng aking mata. Ang stuff toy na ibinigay niya. Napatingin ako doon, nakakasilaw talaga ang mata ng laruan, pero nadadagdagan ang pagkacute nito. I mentally smiled, a melancholic smile. I can't bring that very important thing with me.

Iiwanan ko ang laruan dito, wag kang mag-alala. Iiwanan ko rin naman siya eh.

Narinig ko siyang bumuntong hininga, "Hindi mo ba sasabihin sakanya?" Nag-aalalang tanong niya. I nodded again.

"Siya ang dahilan kung bakit ako aalis, Megan. " paalala ko sakanya when I completely closed the bag.

Nagulat ako ng bigla niya akong niyakap ng mahigpit. Sa sobrang higpit parang hindi na ako makahinga, "Mag-ingat ka ah? Tanga ka pa naman," nakakalokong sabi niya. Binatukan ko nga. Loka-loka talaga siya. Hindi nakakapagtaka na NBSB siya.

"Opo, ikaw rin ah? Ulyanin ka pa naman." Napatawa siya sa sinabi ko, totoo naman ah. Talo niya pa ang lola at lolo ko.

Nang natapos na ang 'moment' namin, tinulungan niya akong ilabas ang mga dala ko. Bago ako makalabas, saglit muna akong tumingin sa condo ko.

Mamimiss ko ang kama ko, ang study table ko, ang kusina, ang sala, ang banyo at higit sa lahat ang guess room...

Napamahal na ako dito, ito ang naging tuluyan ko ng palayasin ako sa bahay ng pamilya ko. This condo holds a lot of memories, even though it's just been a short period of time.

"Huy! Alice? Nangangalay na ako sa kakahintay dito."

Ang ikli talaga ng pasensya ng babae na 'yon. Lumabas na ako at nilock ng mabuti ang ex-condo ko. (Oo, ex ko na siya.)

"Para kang namatayan sa itsura mo ah. " natatawang sabi niya. Nagpout ako.

"Mamimiss ko siya, hindi ko talaga malilimutan ang mga pinagsamahan namin. "

"Nino?" natataka niyang tanong.

"Ng condo ko. Huhu."

Naweweirduhan niya akong tinignan. Ang weird ko nga talaga, hindi ko siya masisisi kung bigla siyang tumakbo palayo sa pwesto ko.

"Naiiyak ka na niyan? Eh si France? Mamimiss mo ba?" Natigilan agad ako sa tanong niya. Ng marealize niya ang kanyang sinabi, napasampal nalang siya sa kanyang noo. I smiled at her, ang hindi abot hanggang mata.

"Tara na, naghihintay na yung taxi sa baba," I said, then walked towards the elevator. She silently followed me.

Mamimiss ko nga ba siya? Katulad ng pagmiss ko sa aking condo na tinuring ko na ring bahay ko.

Three Months Ago

"What the heck-?"

He stared at me for a minute, tapos pinatong niya sa arm chair ko ang mga makakapal na libro na kailangan ko daw 'basahin'. Anong akala niya sa utak ko? Instant?

Dalawang araw na siyang hindi nagpakita saakin, may activities nga sa school kaya wala 'daw' siyang time makipagkita saakin. Kasali siguro siya sa mga laro ng paaralan or something.

Courting HimTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon