Chapter 4

39 1 0
                                    

"Ang tigas-tigas rin pala ng ulo mo 'no?" Marahan kong nilagyan ang gilid ng labi niya ng band-aid. Napaaray siya sa sakit, kotang - kota na talaga ako sa 'aray' niya.

Bumuntong-hininga ako, "Lumalandi ka kasi, yan tuloy napala mo."

Kinuwento niya saakin ang nangyari kung bakit siya nagkaroon ng mga pasa at mga sugat everywhere. Sinabi niya na sinuntok daw siya ng ilang mga gangshters-wanna-be. Utos ng lider nila, na boyfriend pala ng isang cheerleader na palaging nakadikit kay France. Nagselos si lider/boyfriend, kesyo daw inaagaw sakanya si gf, kesyo daw wala ng oras si gf kay boyfie ng dahil kay France, kesyo daw na may balak itong agawin ang napakamamahal niyang gf, kaya ayun, sinuntok siya sa parking lot.

"Alam mo naman na may boyfriend yung tao, tapos dumidikit-dikit ka pa. Lande?" pagsesermon ko sakanya. Aba, dapat siyang matuto. Nasasayang ang kagwapuhan niya eh-teka teka. Anong sinabi ko?

"Bakit naman magseselos ang kumag na 'yon, alam naman niyang ba--ARAY NAMAN! D-Dahan-dahan." dali-dali akong kumuha ng cotton ball, atsaka pinahid sa nagkalat na gamot. Ewan ko kung ano 'to, binigay lang saamin ng nurse. 'Busy' kasi daw siya, eh wala naman siyang ibang ginagawa kundi ang kausapin sa phone ang 'pangga' niya.

Nasa clinic kami ngayon, hindi sa hospital. Hindi ko na 'ata kakayanin kung doon ko siya dadalhin, sino ba naman ang hindi? Eh tatlong sako ng bigas ata yung weight nito eh. Ang bigat niya, grabe, awang-awa naman ako sa sarili ko kaya sa malapit na clinic sa school ko nalang siya dinala. Mabuti nga't naabutan pa namin, magsasardo na daw sana yung nurse.

"Salamat ah? Dinala mo ako dito ng hindi nabibitawan, hindi nga lumala yung mga sugat ko eh. Sana nga hindi mo ako mapatay sa paggagamot saakin. Ang bait-bait mo talaga," Sarstiko niyang pagkakasabi. Napaangat ang kilay ko.

"You're welcome. May bayad 'yan, osya, alis na ako." Kinuha ko na yung bag at libro ko sa nurse's table. Hindi ko na siya kailangan samahan pa, may susundo na daw sakanya.

We bid our goodbyes, bago ako tuluyang makaalis I heard him mummbled something, tamang-tama lang para marinig ko.

"Thank you."

My heart skipped, skipped and skipped.

Kung nakakamatay lang ang kilig, nakaburol na siguro ang katawan ko ngayon. Kanina pa akong hindi makatulog, nakatitig lang ako sa kisame. Pinagmamasdan ang dalawang butiki na mukhang nag-uusap.

Butiki 1- 'Thank you'

Butiki 2- Thank you? Pwede bang 'I love you' nalang ang sabihin mo?

Butiki 1- Hindi pwede, kasi may iba ng nagmamay-ari ng puso ko.

On cue, may lumapit na isnag butiki. Siya 'ata yung tinutukoy ni Butiki 1. Umalis silang dalawa, iniwan nila si Butiki 2 na nakatulala.

Ugh. Baliw na talaga ako. Pati butiki pinatulan ko na. Tumagilid na ako ng higa, nasasaktan akong makita si butiki 2. Feeling ko kasi ako 'siya'.

Napaisip ako.

Arrogante siya, Oo. Pero isang simpleng 'Thank you' niya lang saakin, siya na agad ang nilalaman ng isipan at- puso ko. Hindi ko nga maitatanggi pa na mahal ko talaga siya, but what if may iba na rin siya katulad ni butiki 1? Hindi naman kasi maiwasan yun, gwapo, napapaligiran ng mga magagandang chicks at mukha siyang perpekto sa lahat ng bagay.

Ayoko naman na maiwan sa ere eh, natatakot akong masaktan. Hindi pa ako handang iyakan ang isang lalaki.

Sabi nga nila: 'Ganyan naman talaga kapang nagmamahal eh, nasasaktan at masasaktan ka.' No. Not me, If I ever fall inlove, I want it to be happy, yung walang heartbreaking scenes. Masaya lang kayong dalawa, minsan nag-aaway pero bati na kaagad. Gusto ko hindi lang ako ang head over heals, dapat ang lalaki rin. Mutual ba. That's my ideal.

Mariin akong napapikit, wala na eh. Mahal ko na siya at alam ko na balang-araw pagsisisihan ko ito- sising-sisi na nga ako ngayon.

Bakit ba hindi ako katulad ng ibang babae dyan na kapag nahulog na, masaya parin? Yung tipong nasasaktan na nga, nagawa parin nilang ngumiti habang patuloy na tumutulo ang kanilang mga luha. Ayoko ng ganon, I'm not delightful with this feeling. It's very uncomfortable or whatsoever.

Hindi na talaga ako makakatulog, I open my eyes then stood up. Umupo ako sa study table kung saan nakapatong ang laptop ko. Gagawin ko ang dapat gawin.

I'll stalk Mr. France De Leon. Facebook, Twitter, Instagram, etc.

Hey, I'm just a normal teenage girl and I'm doing what normal girl would do.

This'll be fun. Hurray, (Sarcasm)

--

I know, Boring UD. -_-

Vote, Comment and Follow :)

Courting HimTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon