Pagkataas ko, agad akong naligo dahil kating kati na nga ako. Hanggang ngayon iniisip ko pa rin yung mga sinabi sa akin ni Mang Ben. Sana hindi yun totoo. Ayokong magkagusto kay Rhian. Aso't pusa lang kami nun eh. Pinatuloy ko na lang ang pagligo ko.

Natapos na akong maligo, pero wala pa rin si Rhian, kaya humiga na muna ako sa kama dahil nga sa pagod ako. Kailangan ko ng masarap na tutulugan kahit sandali lang. For sure naman gigisingin ako ni Rhian, para lumipat ng higaan.

Ilang minuto na pero hindi pa rin ako makatulog, haizt. Iniisip ko pa rin kasi talaga yun eh. Habang pagulong gulong ako sa kama, biglang bumukas ang pintuan at hudyat itong nasa kwarto na nga si Rhian.

"Andyan ka na pla" pagpukaw ko ng pansin sa kanya.

"Malamang, nakapasok na nga ako diba. Tsk!" Kahit kailan talaga tong babaeng to, hindi ako kakausapin ng matino.

Wala akong lakas na makipagtalo sa kanya kaya tumayo na lang ako at babalik sa higaan ko, pero bigla niya akong tinawag.

"Huwag ka ng matulog sa couch, dito ka na lang sa kama. Alam kong pagod ka eh" totoo ba tong naririnig ko? Si Ms.Rhian Ramos?! Niyayaya akong matulog sa tabi niya? Wow! Bago yun ah. Ano kaya nakain nito?

"Are you sure?" I ask her.

"Yes. Tsaka ganito na lang Glaiza, every other day sa kama ka matutulog at ako naman sa couch. Ano deal?!" Hmmm. Mukhang ok din.

"Deal! So ngayon dito ako sa kama ko, at ikaw dito bukas" I said.

"Yep. Kaya matulog ka na, Ms.De Castro" she said.

Hindi na ako nagdalawang isip at natulog na lang ako.. Pero hindi pa rin ako makatulog, at hindi ko alam kung bakit. Tinignan ko si Rhian sa couch at halatang hindi pa to nakakatuloy dahil galaw siya ng galaw.

"I know you're awake. Dito ka na sa kama matulog, ako na lang sa couch"

"Hindi na, sige na Glaiza, matulog ka na diyan" she said. Hayss. Ang taas ng pride nito.

"Tabi na lang tayo you want? Don't worry wala akong gagawin sayo. Hindi din naman ako makakatulog kung alam kong hindi ka komportable sa higaan mo., so please halika na dito" sabi ko sa kanya.

Mukhang nag-iisip siya kung gagawin ba niya yung sinabi ko o paiiralin niya pa rin ang pride niya. Pero agad din itong tumayo at pumunta sa right side ko at tsaka humiga.

"Sige na matulog ka na. Maaga ka pa sa coffee shop." I said.

"Thanks Glaiza, you're the best!" Nagulat ako sa sinabi niya. Wow! Ngayon niya lang ako pinuri ah. Naninibago ako.

"Good Night." yun na lang ang nasabi ko sa kanya. Hindi ko na tinanong kung bakit niya sinabi yun dahil baka magbangayan nanaman kami.

"Good night din!" She said.

Hindi pa rin ako makatulog. Hayss, nakakaasar, pagod ako pero hindi pa ako dinadalaw ng antok.

Nakatingin lang ako sa dingding ng biglang lumapit si Rhian sa akin at niyakap ako. Nakita kong mahimbing na itong natutulog,. 

Pinagmasdan ko ang maganda niyang mukha. Ibang klase, maganda talaga siya. Kaso mataray at clumsy..

Niyakap ko na lang din siya at hindi ko namalayan na mahimbing na pala akong natutulog na kasama siya.

Pagkagising ko ng umaga, wala na si Rhian sa tabi ko, malamang nasa baba na yun at kumakain ng almusal. Buti na lang at maaga pa, may oras pa ako para makapag-ayos ng sarili ko. Kaya agad na akong pumunta ng banyo at naligo.

Come Back HomeWhere stories live. Discover now