Chapter 14: Wild Forest

5.9K 149 5
                                    

Maaga akong nagising.  Hindi pa nga sumisikat ang araw. Time check: 4:30 am. Grabeh sobrang aga ko yatang nagising. Mamaya pang 9 ang klase namin. Nagluto muna ako at kumain. Pagkatapo ay lumabas ako.  Nagsuot akong ng jacket kasi sobrang lamig dito. Nasa park ako ngayon nakaupo sa isang bench.

Nagmumuni lang ako dito. May mga iilang styudante dito na naglalakwatsa rin kaya hindi masyadong boring.

"Hi Eunice"

"Ay butiki!!" Halos mapatalon ako sa kinauupan ng may biglang magsalita sa likuran.

"*giggles* sorry kung nagulat kita. " sabi ni Candice

Akala ko kung sino na. Siya lang pala.

"Anong ginagawa mo dito?? tanong ko sa kanya

"Ako nga dapat ang magtanong niyan sayo eh. Diba mamaya pang 9 ang pasok niyo?? Ang aga mo ata??" Sabi niya.

"Uhm nagising lang ako ng maaga eh. Kaya namasyal nalang muna ako dito. Bored kasi sa dorm eh. "

"Ahh ganun ba. Same here. " sabi niya.

Bigla nalang tumahimik ang paligid. Nabibingi na ako sa katahimikan naming dalawa eh.

"Uhm gusto mong pumunta ng gubat??" Masiglang sabi niya.

Gubat??!! Nagbibiro ba tong babaeng to?? E napakadelikado nga dun sa labas eh.

"Huh?? Pe..pero bakit naman?? Diba bawal yun??"

Ngumiti lang siya sakin.

"Masarap gawin ang bawal" sabi niya sabay kamot sa ulo niya.

Grabeh talaga tong babaeng to. =____= dinadamay pa ako sa kalokohan niya.

"Eh delikado dun sa labas baka kung mapano pa tayo dun" sabi ko. 

"Sus. Kasama mo naman ako eh ^____^ so ano game??!! Sandali lang naman tayo dun. " sabi niya.

Ano kayang nakain ng babaeng to?? Hindi ba siya takot na mahuli kami?? Kung sabagay may ability na siya kaya go with the flow na siya. Eh ako na baguhan pa?? Wala pa akong alam kundi gumamit ng spear =____=

"Pe..pero baka mahuli tayo.  Pano naman tayo makakalabas eh mahigpit ang mga nagbabantay sa gate. Every corner may nagbabantay at covered pa ng cctv cam. " paliwanag ko sa kanya.

Ngumiti lang siya sakin ng nakakaloko. Adik tong babaeng to eh. May side rin pala tong naughty. 

"Kung gusto mo madaming paraan Eunice" sabay kindat pa sakin. Siya na. 

"So ano na?? Punta na tayo" pagpatuloy niya at hinila niya ako.

Grabeh makahila wagas. Muntikan na ako masubsub sa daan.

Tumingin tingin muna siya. 

"Clear " sabi niya at hinila nanaman niya ako. Wow lang huh. Sanay talaga siya sa gawaing to.

"Sanay na sanay ka na pala " sabi ko sa kanya.

Tumawa lang siya ng mahina.

"Ginawa na namin to noon. Eunice nung beginner palang ako. Madami kami nun. Buti nga walang nakahuli samin nun. Dahil wala pa kaming ability nun kaya nahihirapan pa kaming lumabas. " sabi niya.

Wew. Hindi talaga siya takot mahuli.

"Ahh ganun ba. "

"Oo" sabi niya.

Huminto kami sa isang madilim na parte ng pader. Walang masyadong ilaw ang parte na to kaya madilim siya.

"Sayang hindi ako marunong gumawa ng portal na makakaabot ng ibang dimension. Kaya simple portal lang ang magagawa ko sa ngayon" sabi niya.

Yukio High Destiny: The Battle Of The Two Great WarriorsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon