Chapter 10: Beat the monster (Edited)

6.1K 173 1
                                    

Nakahilera kami. At nakikinig kay maam Nelly. Nandito kasi kami ngayon sa training field. Hawak hawak na namin ang aming mga weapon. sabi kasi ni maam Nelly may task kami ngayon.

"Ok class ngayon ang gagawin niyo ay ihanda niyo na ang mga sarili niyo dahil ngayon may kakalabin kayo At 5 members in 1 group kaya bali 2 teams kayo. Kung sinong team ang mananalo ay may ibibigay ako sa grupo na yun. So for team number 1 the members are: Eunice, Denise, Michelle, Clarence at Clark. For team number two the members are: Jason, Rex, Justine, Clarisse, at Lily. Now go to your groups at mag usap na kayo kung sinong gagawin niyung leader."

Pumunta na ako sa grupo ko. Kainis kasi nakagrupo ko pa ang mga madaldal na mga yun 

Nag usap na sila kung sinong gagawing leader hindi na ako nakisabay dahil for sure hindi din naman nila ako pakikinggan. Lalong lalo na yung dalawang yun.

"Si Eunice nalang ang gawin nating leader." sabi ni Clark

Huh? Ba't ako?! Di na nga ako nakisali sa usapan niyo eh. Tsk!

"Bakit naman siya?" Banat nung madaldal na Denise

Tingnan niyo? Nagreklamo kaagad. Psh! Kaya wag niyo ng subukan na e leader ako.

"Eh kasi sa tingin ko ok naman maging leader si Eunice eh"

"Oo nga ok din ako" sabi nung Clarence

Tiningnan ko kung anong reaksyon nung dalawa at hahaha inis ang reaksyon nila natatawa tuloy ako

"Wag na. Iba nalang tsaka ayaw ko rin maging leader."

"Eh? Bakit naman?" sabi ni Clark

"Eh kasi baka siya pa ang maging dahilan ng pagkatalo natin" sabat nung Michelle

Aba sinusubukan talaga ako huh! tingnan lang natin. *evil grin*

"Huh? Hindi naman siguro. At sa tingin ko malakas naman si Eunice-- "

Hindi ko na pinatapos si Clarence dahil nagsalita na ako

"Sige payag na ako na maging leader niyo."

Tiningnan ko sila Michelle at Denise halatang nainis dahil ako ang leader.
Heh! Tingnan lang natin.

"Ok class lets begin! pero bago yun mag flip ako ng coin para malaman natin kung sinong group ang mauuna. Group 1 heads kayo and group 2 tails kayo."

Flinip na ni maam ang coin. At ang nauna ay heads. Kaya kami ang muuna. Kinakabahan na ako kung sino ang makakalaban namin wala man lang sinabi si maam kung ano o sino yung makakalaban namin.

"Okay group 1 kayo ang mauuna. Now geat ready at pumunta kayo sa center ng field."

Pumunta na kami dun pero bago ako makapunta ay may binulong sakin si maam Nelly

"Good luck Eunice yung tinuro ko sayo kahapon huh wag mong kalimutan." at nag wink lang sakin si maam.

Wahh! Kinakabahan na ako

*gulp

Be calm lang Eunice wag kang kabahan kaya mo yan. Leader ka kaya ipakita mo ang kaya mong gawin.

Nasa center na kami ng field. Nakita ko si maam Nelly na may pinindot sa wrist niya at bigla nalang may lumabas na-

Wahh! Takte i-isang isang malaking halimaw ang bumungad samin. wahh! Gusto ko ng mag back out!

Nakita ko ang mga reaksyon ng mga ka grupo ko. Halatang gulat na gulat na sila.

Napalunok nalang ako sa kaba. Huhu sana manalo kami.

Yukio High Destiny: The Battle Of The Two Great WarriorsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon