Chapter Fifty Seven- Debts

Magsimula sa umpisa
                                    

“H-hindi na ba talaga?”

“May pancake na ako ‘diba? ‘Lika.”

“AHHH!” nagulat ako kasi bigla niya akong binuhat. Ni hindi ko pa nga nahahawakan yung saklay ko, nagdirediretso na kami papunta sa may hagdan.

“Te, Poty!! Pag may naghanap sabihin nasa kwarto lang ako!” Sumigaw lang siya at may sumagot naman agad na boses mula sa kitchen. Pagtapos nun, walang kahirap-hirap na inakyat niya yung hagdan.

“Teka!! Saan mo ako dadalhin?”

“Sa kwarto. Narinig mo naman diba?”

“Huh? Dadalhin mo ako sa kwarto mo??!!” nagpanic naman agad yung utak ko.

“Bakit? Masama?” naka-smirk pa siya.

“H-hindi… Nakarating na naman ako doon eh… Pero… DI PA TAYO BATI KUNG SAAN-SAAN MO NA AKO DINADALA??”

“Di pa ba tayo bati? Hmmm. “ Napatigil siya sandali at mukhang nag-isip. Pero maya-maya ay naglakad humakbang ulit paakyat ng mataas na hagdan.

“Mamaya sa kwarto, makikipagbati ako. At sigurado… papatawarin mo na ako.”

Yung paraan niya ng pagsasalita, tska yung mga sinasabi niya, palaging kakaiba at nakakakaba. Wala na akong sinabi pagkatapos. Basta nagtatampo pa rin ako. Siya na kasi ang master of pushing and pulling. Pasakit nangg loob dito, pakilig pagkatapos. Tapos maya-maya nakakasakit ulit, tapos sweet.

Nakarating kami sa 2nd floor at tumigil siya dun sa harap ng pintuan ng kambal. Alam ko kasi dun ako nagpalit ng damit nung naulanan kami dati. Dito ba kami papasok?

Papasok nga yata kami doon dahil hinawakan niya na yung doorknob at pinihit. Sabay tulak ng malakas sa pintuan ng magkapatid.

“Aray!” Si orange saktong nasa may pintuan. Nauntog yata.

“Tsk. Sabi ko na. Maguusap tayo mamaya.” Seryosong sabi ni Silver sa kapatid, ibinalik niya dito yung camcorder.

“Wala naman akong kasalanan kuya eh, sabi ko sayo wag mo nang pakialaman tong cam—”

“Wag ka na magpaliwanag. Pumasok ka na. At wag ka ng mag-eavesdrop kung ayaw mo masaktan ulit.” Pagtapos nun, diretso na kami ni Silver sa kwarto niya. Syempre buhat-buhat niya pa rin ako. Medyo tensyonado ako kasi, uhm, nandito kami sa loob ng kwarto niya. Kaming dalawa lang. Tapos, walang magkakamaling hindi niya to kwaryo, kasi yung amoy. Silver na Silver.

Ang sarap tumira dito.

“Grabe ka naman, sasaktan mo yung kapatid mo?” sabi ko na lang ng makapasok na kami. Para maiba yung mood at medyo nabother din ako dun sa ‘kung ayaw mong masaktan’ na banta niya sa cute na cute na si Orange.

“Di naman siya masasaktan, kung di siya makikinig sa pintuan.” Ibinaba niya ako ng dahan-dahan sa kama. Napag-isip ako. So ibig sabihin nakikinig sa likod ng pintuan si Orange kanina kaya siya napa-aray ng itulak ni Silver ng malakas yung pinto? Lokong bata talaga.

“Humiga ka na diyan.” Sabi ni Silver sa akin  dahil nakaupo lang naman ako sa kama.

"HIHIGA?!" 

“Bakit ayaw mong magpahinga?” obvlious na sagot pa niya. Hanep talaga.

Sasagot pa sana ako pero nakita kong naghuhubad siya ng suot niyang polo.

“AY!!” Napadive na lang tuloy ako sa kamay. Mabuti na lang at malambot at di masyadong nasaktang yung sprain ko kahit biglaan akong dumapa. "Anong ginagawa mo!?” sabi ko habang nakasubsob sa unan.

“Ano?” feeling ko di niya naantindihan kasi stuffed-up yung boses ko dahil nakalubog nga yung mukha ko sa malambot at mabango niyang unan. “Nangyari sayo? Are you okay?” sabi ulit ni Silver tapos naramdaman ko yung weight niya sa gilid ko. Umupo na rin siya sa kama. Katabi ko. Tumingin na lang ako sa kabilang gilid, sa direksyon ng pinto bago nagsalita ulit. Para maintindihan niya naman

“Bakit ka naghubad??!! Kung akala mo papatawarin kita dahil sa katawan mo, hindi!!!”

“Hahahahaha!” tumawa siya. As in tumawa talaga siya ng malakas. Yung parang naging melody na yung boses niya. Nabaliw na yata siya.

“WAG KANG TUMAWA!” nababother kasi ako.

“Napapaghalataan ang iniisip ng prinsesa ko, hindi ako nakahubad.” Hindi daw siya nakahubad?? Eh du unti-unti akong tumingin. Squinting, tapos nakita ko. May sando naman pala.

Pahiyang konti.

“Why are you blushing so hard, princess?”

“Tumigil ka Silver Jeremy!”

“Bati na tayo?” humiga siya at ipinag-cross ang dalawang braso sa ilalim ng ulo. Para lang syang magko-commercial sa posisyon niya. Ako naman mukhang adik na nakadapa pa rin.

“Che!”

“Sige, bibilang ako ng sampu, dapat makasagot ka, kung hindi sisingilin kita ng utang mo.”

“Ano?” ano daw? Di ko siya nagets.

“Mahal mo ba ako at bati na tayo??”

“Ano ba namang klaseng tanong yan! Isa-isa lang. Ano yan package?

“10,9,8,7…” nagsimula na siyang magbilang.

Grabe bakit nakakapressure. Wala namang bombang sasabog pero… waaah.

“Teka ang bilis mo magbilang!”

“3…”

“OY bakit three agad!!!! Akala ko matalino ka? Di ka marunong magbilang?” 

“2…”

 “OO na sige na! Oo na!!!!!”

“Haha. Kyot”

Nasingkit na naman siya sa pagtawa niya. Grabe lang.

“Talagang pinilit mo ah.”

“Halika, yakapin mo ako.” Sabi niya habang nakaopen-arms. Nakakatempt. Di syempre umusog ako tska niyakap ko siya.

“Wag ka ng iiyak, okay? You love me?” niluwagan niya yung pagkakayakap at tinignan ako sa mata. Para naman akong nahihipnotize.

“Kaya nga ako naiiyak, kasi mahal kita…” napaamin naman agad ako. Ang lapit lapit kasi ng mukha niya, tska parang feeling ko ang safe-safe sa arms niya.

“I love you Zyla…” tapos unti-unting lumalapit yung mukha niya

“err… Silver nakasagot ako sa tanong!!” pinigilan ko siya.

“Ang utang ay utang.” Sabay dampi ng labi sa akin.

Di naman namin first kiss, pero everytime he kiss me, I always get the same feeling, the same goosebumps, the same response.  

Niyakap niya ako ng mahigpit tapos he lied on his back, kaya I was shifted on top of him.

“Silver… Ang adik mo…”

"Kanino ba." 

Tapos he kissed me again.

Adik nga siya. Ako naman sunud-sunuran. Pwedeng adik na rin. Ano ba to…

*knock knock knock*

May kumakatok!

“Silver, teka…” awat ko sa kanya.

“Hayaan mo, naka-lock naman…”

*knockknock*

“Silver, yung pintuan!” tinry kong gumulong sa tabi. Pero niyakap niya ako ng mahigpit. Nakakahiya. Paano kung magulang niya pala?

“AHH!! Silver mamaya na lang, buksan mo muna yung pintuan!! Baka mommy mo yan” pero sabi ko lang yun. Syempre ayoko naman madatnan dito ng magulang niya. Sana si Ate Poty na lang o kaya si Orange.

“Tsk.” Tumayo si Silver. Inayos niya yung sando niya at naglakad sa pintuan. “Sinong istorbo na naman yan?!” binuksan niya ng mauwag ang pintuan.

Nagulat ako. Wala sa naiisip ko ang nasa bukana ng pinto.

“Sinabi ko naman po na nasa kwarto ka…” sabi ni Ate Poty na nasa likod pala ng bisita. Nagkakamot pa ng ulo.

“Yes Bettina? What brought you here?” Kalmadong sagot ni Silver.

Si Bettina nga! Anon gang ginagawa niya dito?

*later*

Reyna ng Kamalasan: Zylie (Completed, 2014)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon