Chapter Thirty Nine- Confessions

604K 9.5K 1.8K
                                    

ZYLIE's POV

What can be crazier than craziest? Sa lahat naman ng lugar, hindi ko pa naimagine sa buhay ko ang mahalikan sa gitna ng kalsada. At kalsada pa ito sa tapat ng school. 

“Oo. Tayo na.” hindi niya sinagot. Pero fine, magulo naman yung tanong ko eh Tayo na o Tayo na. Malamang Tayo na  pa rin ang sagot dun. 

Pero nung sinabi niya yun, di ko alam kung maasar ba ako o matutuwa. Nakangiti kasi siya at alam ko naman ang ibig sabihin. Hindi ba't nagconfess nga siya sa kin nung gabi? Hanggang ngayon hindi pa rin ako makapaniwala. Isa lang akong normal na estudyante. Well, minus the kamalasan. Hindi ko pa nagagawang mag-cutting classes ever. Hindi ko pa nagawang makipagholding hands ng ganito sa daan. Pero ngayon...

 Si Silver Jeremy Torres. Vander's pride. Siya lang naman ang kaholding hands ko habang nagka-cutting.

Pero teka. Kanina pa ako ngingiti-ngiti. Kanina pa rin kami naglalakad. Pero saan ba kami pupunta?

“Bakit?" Tanong niya noong tumigil ako sa paglalakad.

“S-saan ba tayo pupunta?”

“Date.”

“Sabi ko.. saan tayo pupunta… Saan. Where. Lugar na pala ang date?” Minsan lang mangupal. Sana pagbigyan niya na hahaha. Kasi naman sabi ko saan. Tapos date?

“Kapag gusto mo yung kasama mo, kahit saan, it's a date."

Huhu. Nagiinit ang mukha ko.

“KYOT!”

“Kyot ka ng kyot. Dami mong alam na tawag sa'kin.” Sabi ko. Ang adik niya kasi. Kung hindi bilog, pancake, o monay. KYOT naman. "Bakit ba kakaiba ang pagbigkas mo ng cute?"

"Cute na may bilog. Kaya KYOT."

“Adik."

 "...sayo."

"BALIW!"

"...sayo."

Ayoko na. I swear this side is bipolar. O baka bolero lang. Tapos ako, nagpapabola.

"Where do you want to go?" tanong niya. 

Shocks. Naalala ko, school time. Siguro Chemistry class na at nasa harap na si Terrence. Nandon pa yung bag ko sa room. Hindi naman kasi sinabi nitong si Silver mga malolokong plano niya sa buhay eh. Kinapa ko yung bulsa ko at umasang nandun at nadala ko ang cellphone kong bulok.

Pero kinapa ko, wala eh. Naiwan ko. Paano na mamaya? Kung dala ko sana eh di pwede kong bilinan si Mika o kaya si Yanny sa mga pwede nilang idahilan o gawin. Anong ginagawa ng bag ko doon pero wala naman ako. Baka nga mag-alala pa sila eh.

 Paano ko sila mabibigyan ng notice?

"Sa internet cafe tayo pwede?"

Natawa si Silver.

"Masyado mo namng tinotoo yung sinabi ko na kahit saan, date."

"Hindi! May kailangan lang akong gawin. Kailangan ko ng internet. Baka naman dala mo ang phone mo diyan. Kaso hindi naman pwedeng makitext sayo kasi baka isave ni Alyanna yung number mo. Baka pwede nalang maki-internet? Pa-log in lang sa fb."

"Bakit?" kumapa siya sa bulsa niya "Wala."

Great. Wala din siyang phone. Balik kami sa primitive age. Wala kaming bag. At wala rin kaming phone. 

"Please?"

"Okay. Internet cafe, it is."

“AYUN!!!” turo ko sa isang malapit na cafe. 

Reyna ng Kamalasan: Zylie (Completed, 2014)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon