Chapter Nine- Restitution

623K 10.5K 403
                                    

ZYLIE'S POV

Kanina pa ako inis na inis kina Mikaela. Alam na ngang may pilay ako eh. Nang-aasar pa din! Bakit ba gustong gusto nila akong asarin?

"Hoy kaasar naman to... Mika! Ibalik mo na yan!!" kinuha kasi niya yung diary ko. Badtrip talaga oh.

"Pabasa lang kasi Zy!!!" takbo-takbo padin sila ni Alyanna na malapit ng mamatay katatawa.

Waaah! Kahit naman bestfriends ko sila Mika, nakakahiya yung mga sinulat ko dun nung weekend.

Nagcontemplate kasi ako kung ano na ba  talagang nararamdaman ko Terrence.

Dahil nga akala ko nakita ko na siya nung Friday dito sa school.

Eto yung sinulat ko... corny na kung corny...


Waaaah!!! Mahal ko pa ba si Terrence??? Diba hindi na diba? Diba? TTT______TTT Sa ginawa niya sa akin imposibleng mahal ko pa siya diba? Sana makahanap na ako ng boylet para makalimutan ko na yung masamang Terrence na yun. Hahahaha tama hahanap na lang ako ng boylet. Wala hindi ko na iniisip si Terrence!!! Hindi na talaga! My heart is so torn into pieces... Sana may kumuha lahat nun para pagdikitin. My prince charming nasaan ka na!!! Para maalis na ang bwisit na Terrence sa isip ko bwisit siya. Ang sama mo talaga Terrence kapag nakita kita, sasampalin kita ng wagas! Manghihiram ka ng mukha sa aso!!! TT___________TT


Basta yan yung sinulat ko.

At pinagtatawanan ng dalawang tinuturing kong kaibigan.

"Hahahaha!!! Torn into pieces??? Napadrama mo talaga Zylie, di lang halata" sabi ni Mikaela

"Teh! Naghahanap ka pala ng prince charming??? Hahaha Oy ipokrita ka! Hahahaha ang corny corny mo! Hindi daw iniisip si Terrence, pero puro Terrence ang laman nito. Eh diba matanda na yun?" tanong ni Alyanna.

Hindi kasi nito kilala si Terrence, si Mika lang yung nakakita kay  Terrence dati. Kilala lang ni Yanny si Terrence dahil sa kwento ni Mikaela.

"Oo nga Zy pabayaan mo yun baka may asawa na nga yun eh. Hahahahaaha!!! Hindi ako makagetover sa nakasulat dito!!! Sino bang magdidikit sa broken pieces of your heart??? Ampf Z yang corny!!! Akala ko nakalimutan mo na siya bakit parang sobrang affected ka pa din?" tanong ni Mika

"Akala ko kasi nakita ko siya kahapon kaya na-shocked ako! TT_____TT Pero wala naman akong sinabing basahin niyo yan wala kayong pagtawanan at okrayin! Tssss"

"Hahahaha sorry na! Grabe baka may feelings ka pa din kay kuya Terrence kaya kung saan-saan mo na lang siya nakikita!"

"Di ah!"

"Teka! Naiihi na ako sa katatawa CR lang ako Zy, diyan ka na lang mapapagod pa paa mo eh!" sabi ni Yanny

"Sama ako!!!" sumunod naman si Mika

Haie! Iniwan ako matapos asarin. Galing galing talaga ng mga kaibigan ko eh.

Bwisit kasi na paa to eh!

"pancake!"

Aba't! Grabe si Silver na naman! Problem ba niya bakit ganyan itsura niya?

Walngya nang aasar!!

"Ano?!!"

"May stalker ka sa taas?"

Tumingin ako sa mga bintana sa 2nd floor, wala naman..

"Pwede Silver hwag epal?"

Pero sumeryoso yung mukha niya. Tumingin din siya sa may second floor.

Reyna ng Kamalasan: Zylie (Completed, 2014)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon