“Hi Kath!” bati naman ni Kayla.

“Hello.” Sabi ko, sabay upo sa upuan sa tabi nila.

“Uy, Kath, kilala mo ba yung gwapong taga Theater Arts? Freshman din daw! At sobrang gwapo!!!!” irit ni Aria. Theater Arts? Hindi kaya si…

“Daniel daw pangalan! Nakita nga namin kanina papasok ng building nya eh! Ang gwapo nga talaga! Kaso bali-balita may girlfriend daw siya dito sa campus.” Oh my. Si unggoy nga! Ang bilis naman ng tsismis. Pati ba naman sila Aria at Kayla? Girlfriend? Sasabihin ko kayang ako? Ehhh, pero baka hindi maniwala tong dalawang to. Sa itsura kong to. Mukha ba akong girlfriend ng isang popular?

“Ikaw Kath? Nakita mo na ba siya?” tanong ni Aria. Oo, sabay nga kaming napasok at nauwi eh. Pati malapit nga bahay nila samin eh. Tapos malapit na kaming mag second monthsary. Yun ang gusto kong isagot, pero imbis na yun ang masagot ko…

“Ah… hinde.” Sabi ko ng pabulong. Teka? Bakit di ko sinabi in the first place na kilala ko sya at boyfriend ko pa?

“Ah! Don’t worry! Mamaya pumunta tayo sa building nila tapos sulyapan natin!” sabi ni Kayla. Tapos nag appear sila ni Aria.

Oh-oh.

***

Nasa may labas kami ngayon ng building ng Theater Arts. Bakit ba ako parang stalker dito? Eh samantalang girlfriend ako? Argh.

“Ano kayang klase nya ngayon? Bakit ang tagal lumabas?” tanong ni Aria kay Kayla.

Tumingin ako sa orasan ko, tapos inisip ko kung anong klase ni unggoy ngayon.

“Speech.” Sabi ko. Kasi yun ang klase nya ng 10:30 hanggang 12 o’clock. Kaya maya-maya pa siya lalabas. Sana di niya ako makita.

Napatingin sakin yung dalawa na parang nagtaka. Uh-oh? May nasabi ba ako?

“Anong speech?” tanong ni Aria.

“Ha?” patay na. “Uhm, wala, may binabasa lang ako.” Maniwala kayo. Maniwala kayo!

“Ah, okay.” Tapos bigla na ulit silang tumingin sa loob ng building.

“Kath?” Patay na. Lumingon ako. “Iniintay mo ba si – ” bago ba makapagsalita si Julia tinakpan ko na bibig nya kahit may kasama siya. Di ko muna sila pinansin. Kasi nakatingin rin sila Aria samin.

“Wag kang maingay. Mamaya ko ipapaliwanag sayo.” Bulong ko tapos binitawan ko na siya.

Still This Crazy Love (PUBLISHED)Where stories live. Discover now