Prologue

7.7K 126 71
                                    

Her Name Is Death
© warmbreeze

____________________________________________

Lahat ng tao, nilalayuan siya.

Lahat ng tao, kinatatakutan siya.

Lahat ng tao, hinuhusgahan siya.

Kahit na mayroon siyang mapang-akit at magandang mukha, inaayawan parin siya.

Pero paano kung makilala mo siya, naging magkaibigan kayo at humigit pa sa kaibigan ang relasyon niyo?

Akala mo totoo siya, yun pala hindi. Nagpapakapeke lamang siya. Pagkakatiwalaan mo parin ba siya kahit na hindi siya nagpapakatotoo maski sa sarili niya?

Paniniwalaan mo parin ba ang sinasabi ng iba tungkol sa kanya o paniniwalaan mo parin ang nakikita ng iyong mga mata kahit na nililinlang ka na ng mga nakikita mo?

Pero isang 'paano' pa lamang iyon. Hindi pa nangyayari. Pero maaaring mangyari.


Sa oras na malaman mo ang kanyang pangalan..

...tutuloy ka pa ba?

Ah, siya nga pala. Ang pangalan niya ay 'Kamatayan'.

Yes, her name is Death. Literal na pangalan niya ito.


Pero paalala lang.. Wag na wag mong pagtatawanan ang pangalan niya kasi malay mo, baka 'yan na ang maging huli mong halakhak.

____________________________________________

NOTE: I'm inspired with charotera101 because of her story, Class 3-C Has A Secret. I adore her so much because of it! That's why I created this story and dedicated it to her. Sana mapansin niya ito because it's my first time to dedicate my story to an author I adore that much. /hearts/

Tsaka sana kayo, bigyang pansin niyo rin ito kasi first time kong gumawa ng story na mystery/thriller. Mehehe! Inspired din ang story'ng ito sa Class 3-C Has A Secret. Promise, mahal na mahal ko yung story'ng yun! Mwahaha. By the way, humihingi na ako ng paumanhin sa mga typographical errors sa story. Intindihin niyo nalang po. Salamat!!


credits to @solitaric for the awesome cover. thank you po ulit! xx

Her Name is DeathWhere stories live. Discover now