Chapter 16 -- A Song For The Brokenhearted

Magsimula sa umpisa
                                    

Nanatiling tahimik si Brylle at umupo sila sa sahig leaning against the wall, kaya walang nagawa si Helaena kundi sundin si Brylle. Hindi na tuloy siya nakakuha ng libro na babasahin.


Halos isang oras ang lumipas at nakatulog si Helaena. Nakasandal ang ulo niya sa pader at napansin naman 'yon ni Brylle kaya inihilig niya ang ulo ni Helaena sa kanyang balikat, para mas maging komportable ito sa pagtulog.


Halos kalahating oras pa ang lumipas at nakatulog na din si Brylle na nakasandal naman ang ulo niya sa ulo nitong si Helaena.


Ilang sandali pa at nagising si Helaena sa gano'ng posisyon. Biglang kumabog ng malakas ang puso niya at hindi niya alam kung bakit.

Nang nakaisip siya ng paraan para makatakas. Dahan-dahan niyang binawi ang kanyang ulo mula sa pagkakahilig sa balikat ni Brylle. Kinapa niya ang susi ng handcuff sa lahat ng bulsa nito and gotcha, nakuha niya nang hindi man lang nagigising itong si Brylle. After a moment, handcuff's free. Naalis na din niya at dahan-dahan siyang humakbang palayo.


Paglabas niya ng library ay nakita niya pa ang dalawang bodyguards ni Brylle kaya iniwasan niya ang mga ito. Nakahinga siya ng maluwang na makatakas na talaga siya ng tuluyan. Sa kakamadali niya hindi niya naalis ang lock ng handcuff sa kamay niya kaya naka pulseras parin 'yon sa kanya.


"I'm sorry, devil, hindi sa lahat ng oras makukuha mo ang gusto mo." She said to herself.

Nang biglang may sumigaw ng pangalan niya sa bandang likuran niya. "Helaena!!"

Paglingon ni Helaena. "Oh no! It's the fiend again." Tumakbo siya para hindi siya maabutan ni Brylle. "Run, devil, run."


Pati mga bodyguards ni Brylle ay
hinahabol na rin siya. Buti na lang at medyo mabilis siyang tumakbo at nawala na sa paningin niya ang mga humahabol sa kanya.


Nagtungo siya sa Auditorium, baka sakaling mahabol pa niya ang free concert nina Bryant. Bigla siyang nalungkot nang pagpasok niya sa Auditorium ay madilim na ang paligid at wala ng mga tao.


"Nang dahil sa kanya hindi ko napanood si Bryant." Inis na sabi ni Helaena.


Tinahak niya ang espasyo sa gitna ng mga upuan at pumunta sa harapan ng stage. Nanlulumo pa rin ang itsura niya. "Nakaka asar talaga, hindi ko man lang napanood si Bryant. Haist! Bwisit kasi ang lalake na 'yun eh." Tumalikod na siya para umalis.


"Aalis kana agad? Hindi mo man lang ba ako papanoorin?"


Napalingon si Helaena sa nagsalita sa stage at nabigla siya ng makita si Bryant, nakatayo sa stage at nakangiti sa kanya. "Bryant?"

"Hindi mo na nga ako pinanood kanina, tapos ngayon aalis kana agad?"

"Uhm... Ano kasi... Uhm pa-pasensiya na hindi ko napanood ang concert niyo kanina. Si Brylle kasi." Halos pabulong niya lang sinabi yung pangalan ni Brylle.


"Bakit may handcuff ka?" Tanong ni Bryant.


"Hala! Hindi ko pala naalis 'to sa kakamadali kanina." Tsaka niya tinignan yung handcuff sa kamay niya. Tinignan niya si Bryant. "Yun nga eh, uhm ano kasi... Si-si-Brylle. Pinosas niya ang mga kamay namin para daw mabantayan niya'ko. Hindi ata yun mahilig sa music kaya hindi kami nakapunta kanina."


Parang nalungkot tuloy ang mukha ni Bryant nang marinig ang paliwanag ni Helaena. "Mahilig 'yun sa music, ayaw niya lang talaga akong panoorin."


"Hindi, hindi ganon. Ano, uhm..." Pilit niya pa ring pinag tatanggol si Brylle.


"Helaena, it's okay. Kilala ko ang kapatid ko. Alam kong ayaw niya sa'kin." He fake a smile.


My Guardian DevilTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon