The Keepers Published Book

10.2K 212 85
                                    

This story will be published by fairypublishinghouse. All parts of the story will remain as it is -unedited wattpad version. Since per agreement with the publisher, all chapters will remain posted on wattpad.

The amazing book cover for the published version of The Keepers is created by @cgthreena. Thanks CG!

Ano ang mga dapat asahan sa book version:-Edited book version

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Ano ang mga dapat asahan sa book version:
-Edited book version. A better version. Mas maayos na takbo ng story since may mga karagdagang scenes para sa loopholes ng istorya.
-Surprise illustrations of Cairos and the A-Team. A semi-realistic illustration of the Lara, Laurent, Amber, Silex and Alvis plus other surprise cast.
-The book will be signed by yours truly (iamrurumonster) with a special surprise messages.
-Free exclusive The Keepers bookmark featuring the A-Team member of your choice. See below.

FAQ's:-Mabibili po ba ang The Keepers sa National Book Store, Powerbooks and other leading book stores? (A) Sa ngayon ay hindi pa po dahil nagsisimula pa lang ang publisher na nagkainterest na iimprenta ang libro

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

FAQ's:
-Mabibili po ba ang The Keepers sa National Book Store, Powerbooks and other leading book stores?
(A) Sa ngayon ay hindi pa po dahil nagsisimula pa lang ang publisher na nagkainterest na iimprenta ang libro. Pero kapag naging matagumpay ang mga pioneer writers ng Fairy Publishing House ay isusunod na po namin ang pagsasaayos ng mga papeles para makapasok sa major book stores.
-Paano po ang pagbili ng libro at paano babayaran?
(A) Pre-ordering online po ang mangyayari. Ibig sabihin ay by batch ang tatanggapin naming bayad. Since nagsisimula pa lang ang publisher ay kailangan namin makasigurong mga sure buyer lang po ang gagawan ng book. Ang mode of payment po ay via BPI online transfer or bank deposit na i-aannounce namin after Christmas. Sa mga may gusto pong magpadala sa LBC, Palawan, Cebuana, M Lhuillier etc., ay maaari po nating kausapin ang publisher kung pwede ang transaction.
-Saan po namin pwedeng makita kung open na ang pagtanggap ng orders and payments?
(A) Magpopost po ako sa wattpad wall ko, pati na tin sa official FB page ng The Keepers Saga -https://www.facebook.com/TheKeepersSaga.Official/. Maaari don po niyong mabisita ang Fairy Publishing House official FB page -https://www.facebook.com/fairypublishing/.
-Kailan po ang date ng pre-ordering/payment?
(A) Ang target date po ng publisher ay December 26, 2016 to January 8, 2016 5 pm.
-Magkano po ang libro?
(A) 290.00 Php. Excluding the shippong fee (kayo po magsoshoulder ng shipping fee since nakadepende po tayo sa location niyo). Makapal po ang libro at may illustrations kaya ganyan ang presyo.
-Kailan kaya namin matatanggap ang libro?
(A) Kapag pasok po ang payment niyo sa first 50 batch, maaari niyo pong makuha ang libro maximum of three weeks. Kailangan pa pong ayusin ang printing and shipping ng mga libro so it may take a while. Hands on po ako sa pagpapadala at paglalagay ng bookmarks and signs para masiguro kong makakarating talaga ang book niyo.
-May meet-up po ba around metro Manila? If meron, saan ang location?
(A) Inaayos pa po namin ng publisher ang possible meet-up. Hopefully by February po ay matuloy ang pagkikita-kita nating mga monsters. Ang planned venue po ay Mall of Asia or around the area. Sa mga mas preferred and meet-up ay hindi na po magbabayad ng shipping fee.
-Hanggang ilang batch po ba ang tatanggapin niyong bibili?
(A) By 50's. Pero kapag magkasunod na napuno ang 50's at umabot ng 100 ay maaaring ilang araw lang ang pagitan ng shipping ng libro. Para sa mga susunod na batch after ng 1st 100, maaaring umabot ng hanggang ilang batch basta may napupuno kaming 30-50 buyers.
-Ipupublish niyo rin po ba ang book 2 at book 3?
(A) Posible po. Kapag naging successful po ang project na with Fairy Publishing House, maaari na po naming iimprenta ang mga kasunod na books ng trilogy. Gusto ko pong mapagbigyan ang hiling ng mga sumusubaybay sa A-Team kaya hanggang book 3 po ay ipupublish natin.

Sa mga may karagdagang tanong, maaari kayong mag-comment sa bahaging ito at susubukan po nating sagutin ang inyong mga katanungan.

-iamrurumonster

The Keepers [TKS#1]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon