Last Chapter : She's Back

Start from the beginning
                                    

Pagkaupo ko'y muling nagsalita ang Headmaster. "How are you, Anastasia?" He asked. Mabilis naman akong natigilan sa naging tanong nito. Hindi ko inaasahan iyon! I was gone for six months! Paniguradong may kaparusahan na naghihintay sa akin sa pagbabalik ko! I'm an Agent and just left with a single note! Tiyak kong napag-usapan na nilang lahat ang mangyayari sa pagbabalik ko sa Tynera!

Hindi ako nakasagot sa naging tanong ng Headmaster sa akin. I don't know what to say to him!

"You're really his daughter." He said again and smile. "Alejandro, your dad, you're the same as him." Natigilan akong muli at hinayaan na lamang ito sa pagsasalita. "They believed that having that dark magic was a curse but Alejandro... he believed that it wasn't. It was a gift. A gift that can be used to protect everyone." Pagpapatuloy ni Headmaster Nixon Grant.

Napaawang ang mga labi ko sa mga naririnig. Gusto kong umiiyak ngunit mabilis kong pinigilan ang sarili. This is not the right time and place to be emotional!

"I understand why you hid yourself from everyone. Ganoon din naman ang ginawa ng iyong ama noon." I heard him laughed a little. Napakurap ako. My dad? Run away? Like what I've done? Seryoso ba ito? "Alejandro can't fully control his dark magic and that's why he left and created a limiter seal for his gift, his dark magic." No one dared to talk. Tanging ang tinig ni Headmaster Nixon lang ang namamayani sa buong silid na kinaroroonan namin ngayon. "And when he came back, he acted like nothing happened. Everything around him was back to normal. Just like before he left us." He paused and looked at me. "I hope you'll do the same, Anastasia Miller."

Nanlamig ako noong banggitin niya ang buong pangalan ko. "I hope that, just like your dad, you'll do the same. The war is over, my child. Malverine is no longer exist in this world. And I hope that the six months that you were gone was enough to heal the wounds inside your heart."

At hindi ko na napigilan ang mga luha ko. Nag-unahan na silang tumulo. And I didn't bother to wipe my tears. Hinayaan ko na lamang ang sarili kong umiyak. I... needed this. For the past six months, naging matatag ako. I never shed a single tear. At ngayong nakabalik na ako, ngayong naririnig ko ang mga ito mula sa Headmaster mismo ng Council, tila biglang nawala iyong pader na ginawa ko para protektahan ang sarili ko. Kusang nasira iyon at ngayon, hindi ko na napigilan pang ipakita sa kanila ang totoong nararamdaman ko.

I was scared. Iyon ang totoo.

"Kung ano man ang nangyari noon, forget them. Ituring mo itong aral para sa'yo. Huwag mong kimkimim ang sakit nito. We're not living here in the present to just get hurt from our past. Leave it behind, Anastasia."

Napatakip na ako nang mukha ko at pinagpatuloy ang pag-iyak. Seconds passed; a harm hug stops me from sobbing. Ngunit noong makita ko kung sino ang yumayakap sa akin ay napahagulhol muli ako. "Hush it, Anastasia. Everything is fine now." My brother whispered and hugged me again.

"Kuya." Lalo akong naiyak dahil sa kapatid ko.

When our parents died, siya ang tumayong magulang ko. Kahit siya na ang namahala ng buong Aundros ay inalagaan at binantayan niya pa rin ako. I suddenly felt guilty of running away. Leaving my brother behind.

Napahugot na lamang ako ng isang malalim na hininga at gumanti na rin sa yakap ng kapatid.

May ilan pang sinabi at binilin si Headmaster Nixon Grant sa akin. And when he's done, pinalabas niya na ako ng silid at sinabihang magtungo na sa Tynera. My duty as an Agent, again, starts today! Wala na akong nasabi pa at mabilis na sinunod ang utos nito sa akin. Lumabas ako sa silid at hinayaan na lamang silang ipagpatuloy ang kung ano mang pag-uusap na mayroon sila bago ako dumating kanina.

Dahan-dahan akong naglakad pabalik ng Tynera. I can't see clearly right now! Namamaga pa yata ang mga mata ko dahil sa kakaiyak kanina! Nakayuko na lamang ako at nagpatuloy na sa paglalakad.

I don't want them, the Agents of Tynera, to see how messy I am today. Siguro'y magpapahinga lang muna ako ngayong araw. I'll lock myself inside my room and rest. Mahaba rin kasi ang naging paglalakbay ko mula sa lugar na pinataguan ko ng anim na buwan! Bukas na siguro ako gagawa ng trabaho. Headmaster Nixon will surely understand my reason. Wala rin naman akong magagawang matino ngayon.

Nagkibit-balikat na lamang ako at mayamaya lang ay natigil ako sa paglalakad noong may nabunggo ako sa harapan ko. I wasn't looking my way kaya naman ay may nabunggo tuloy ako! Napailing na lamang ako at mabilis na umayos nang pagkakatayo. I was about to open my mouth to utter my sorry when I smell a familiar scent. Napakurap ako at mabilis na napatingin sa taong nabunggo ko!

Segundo lang ay bumungad sa akin ang mukha nito. Wala sa sarili akong napaatras habang sinasalubong ang matamang titig nito sa akin.

Damn, I wanted to cry again upon seeing his face. It's him! It's Grayson Tyler!

"Grayson," mahinang banggit ko sa pangalan nito.

Seryoso lang itong nakatingin sa akin. Tila ba'y hindi ito makapaniwalang nasa harapanan na niya ako ngayon. "It's you. I-It's really you," bulong nito at inihakbang ng isang beses ang paa. Hindi ako kumilos sa kinatatayuan ko at tiningnan lamang ito. Mayamaya lang ay ngumiti ito sa akin habang inaangat ang isang kamay. "I'm not dreaming, right? It's really you, Anastasia," muling saad nito at hinawakan ang kanang pisngi ko. He smiled at me while slowly caressing my right cheek. I smiled back at him.

God knows how I missed this man! Hindi ko alam kung sinubukan bang hanapin ako ni Grayson pero sa loob ng anim na buwan ay hindi ko ito nakita! He knows me! Alam nito kung ano ang tumatakbo sa isipan ko. I don't know if he tried to find me, or he just let me do whatever I want to do! And I'm thankful that he never did find me! Baka hindi umabot ng isang linggong pagtatago ko noon ay bumalik na ako sa amin! Masasayang lang ang lahat nang pinaghirapan ko kung nagkataon!

Ilang minuto kaming nagkatitigan ni Grayson. Wala ni isa sa amin ang bumitaw sa mga titig naming dalawa. I saw him smiled again to me. Ganoon din ang ginawa ko. And when he slowly leaned forward, natulos ako sa kinatatayuan ko. Nanatili ang titig ko sa kanya hanggang sa maramdaman ko ang paglapat ng malambot na labi nito sa akin. Hindi na ako umangal sa ginawa niya. I just close my eyes and feel his kiss.

"You're back." He uttered again, breaking our kiss.

Tumango ako sa kanya at tipid na ngumiti ulit. "Yes, Grayson. I'm back." I said and pulled him closer to me and this time, it was me who kissed him.

This my home. This is where I truly belong.

Kung mayroon man akong nagawang mali o masama noon, I'll consider it as my lesson. Tama nga naman si Headmaster Nixon, nasa kasalukuyan na tayo ngayon. Wala sa nakaraan. Siguro nga'y may nagawa akong nakasakit sa mga taong nakapaligid sa akin, sa mga taong mahal ko. Sa kapatid ko, sa mga kaibigan ko at lalo na kay Grayson. Pero siguro naman ay hindi pa huli ang lahat, 'di ba?

I have a lifetime to spend with them. I have a lifetime to say my sorry and ask for their forgiveness. And this time, I'll make sure I'll never left them behind. I'll stay with them no matter what. Cause I know, no matter what happened, they will never ever leave me. Hindi kagaya no'ng ginawa ko sa kanila.

I left them before, and it won't happen anymore.

Ngumiti ako kay Grayson noong muli naghiwalay ang mga labi namin. Tumango ito sa akin at marahang niyakap ako. "I have a perfect job for our team, Anastasia," sambit nito na siyang ikinatawa ko. Umiling ako at hinigpitan ang pagkakayap sa kanya.

"I can't accept any jobs right now, Grayson. My flames will surely burst again if I do some dangerous mission!" saad ko na siyang ikinatawa na rin nito.

"Fine," aniya at marahang kumalas nang pagkakayakap sa akin. Ngumiti itong muli. "Let's go to Aundros, then." He declared and held my hand. Hinala na niya ako at sabay naming tinahak ang mahabang pasilyo palabas ng Tynera.

Aundros... Well, one of the reasons why I tried so hard to control my bursting and dangerous flame was to protect our division. I've learned the hard way. Hindi matutulad sa Dark World ang Aundros. Sa kahit anong henerasyon pa, hinding-hindi mangyayari sa division namin ang nangyari sa lugar na iyon!

My fire will surely protect Aundros and its people. I may not be good as my brother, but still, I'm a Miller. I'm Anastasia Miller, an Agent from Tynera, and an Aundrosian that will surely burn and turn everything to ashes whenever they attempt to mess with us.

Burst Into Flames [ Published Under Pop Fiction #CLOAK ]Where stories live. Discover now