Chapter 7: Persidal Village (Mission 1- Part 5)

14.5K 637 12
                                    

Kinagabihan ay hindi ako nakatulog nang maayos.

Gising na gising ang diwa ko. Hindi ko mabasa kung ano ang nais mangyari ni Grayson. Hindi kami puwedeng maghintay na lamang ng full moon! Buhay ng isang villager ang nakasalalay dito at hindi kung ano man lang! Buhay na isang Tereshlian! Dapat talaga ay kumilos na kami at gumawa na nang paraan para mapigilan ang Sigma na iyan!

"Trust me with this one, Ana."

I trust him, okay. May tiwala ako sa kanya pero hindi lang talaga ako mapakali ngayon dahil alam kong may isa sa mga tao sa village na ito ang maaaring mamatay! At kapag mangyari iyon, ibig sabihin ay nabigo kami sa misyong ito. Hindi lang ako, pati na rin kay Grayson. We are here to help them, not to witness them to die. This is freaking frustrating! Pakiramdam ko ay walang silbi ang presensiya ko ngayon sa lugar na ito!

Nong simikat ang araw ay agad akong nag-ayos ng sarili ko. Wala akong maayos na tulog ngayon kaya alam kong magiging iritable ako sa paligid ko. Humugot na lamang ako ng isang malalim na hininga at nagsimula nang maglakad patungo sa pinto. Pagkalabas ko ng kuwarto ay natigilan ako nong makita ko si Grayson sa tabi ng pinto, nakasandal at tila may malalim na iniisip. Nagtaas ako ng kilay at noong bumaling ito sa akin, tahimik akong humugot muli ng isang malalim na hininga.

"Ana," bigkas niya sa pangalan ko. Hindi ako tumugon sa kanya at seryosong tumitig lamang sa kanya. "You looked tired. Natulog ka ba?" He asked me.

I sighed again and instead of answering his question, iba ang lumabas sa bibig ko. "I thought we are a team now." Kita kong natigilan siya sa sinabi ko. "Tell me Grayson, what's your plan?" I asked him. Mataman niya lang akong tiningnan at 'di nagsalita. "I do trust you, pero hindi nito maaalis ang takot na mayroon ako sa maaaring mangyari sa village na ito at sa mga naninirahan dito. Wala akong idea sa plano mo, Gray. Care to give me a piece of whatever you're up to?" tanong ko pa sa kanya. I saw him sighed. Dahan-dahan itong lumapit sa kinatatayuan ko kaya naman ay hindi ako gumalaw. Nang makalapit na ito ay saka siya nagsalita.

"I believe one of the villagers here is a member of the Sigma," sambit niya habang matamang nakatitig pa rin sa akin. Napatanga ako sa sinabi niya. A what? A member of that guild is one of the villagers! Seryoso ba siya sa paratang niya? "Don't worry, Ana. I won't let someone die here. Not when we're around. I know that this mission gives too much pressure and frustration on you. And it makes you uncomfortable, too." Napalunok ako sa sinabi niya. Grayson Tyler really knows my emotions. He knows how I really felt! "We're going to catch them. Sa kahit anong paraan. So, please, trust me," muling sambit nito at tinanguhan ako. Mayamaya lang ay niyaya na niya akng lumabas sa bahay ni Lycon. "Come on. Nasa labas na silang lahat. I've already talked to the villagers. Naghahanda na sila para sa full moon mamaya."

Napatango na lamang din ako kay Grayson at hindi na nagsalita pa.

Mabilis na lumipas ang oras.

Nakapuwesto na kaming lahat ngayon ayon sa plano ni Grayson. Kami ni Clarisse ay pinabalik niya sa gusali na pinaggalingan namin kahapon samantala siya ay nagpaiwan sa village. Walang reklamo akong sumunod sa utos nito at noong nasa tamang posisyon na kaming dalawa ni Clarisse, napahugot na lamang ako ng isang malalim na hininga.

Tahimik lang kaming dalawa ni Clarisse habang nakikiramdam sa paligid. Ramdam ko ang tensyon kay Clarisse. She's scared for her fellow villagers. So am I. Ngunit kong magiging successful ang mga plano ni Grayson, tiyak kong magiging ligtas lahat ng villager ng Persidal village. Trust... I really need to trust whatever Grayson is up to. I sighed again.

Napatingala na lamang ako at pinagmasdan ang perpektong buwan. Bilog na bilog it ngayon at sobrang liwanag. Kung ano man ang mayroon sa village na ito, ngayon namin malalaman.

Burst Into Flames [ Published Under Pop Fiction #CLOAK ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon