Chapter 22: Keepers

11.6K 527 31
                                    

Tahimik lang kaming lima sa loob ng pribadong sasakyan na pagmamay-ari ng Council. Ito ang maghahatid sa amin patungo sa bukana ng gubat kung saan naroon ang Dark World.

"Ano kaya ang itsura ng lugar na iyon?" basag ni Myst sa katahimikang bumabalot sa amin ngayon.

"Madilim siguro. Kaya nga Dark World, 'di ba?" birong hirit naman ni Lester.

I know. They're just trying to light up the mood here. Masyado kasing seryoso kaming lima para sa misyong ito. "Dark world is just an ordinary city," mahinang usal ko. Sumandal ako sa upuan at ipinikit ang mga mata ko. "Ang pinagkaibahan lang nito sa apat na division ng Tereshle ay nababalot ang buong paligid ng dark magic. Kaya ito tinawag na Dark World."

Natahimik sila sa tinuran ko. Mayamaya lang ay narinig ko ang pagkilos ng isa sa kanila at muling nagtanong sa akin. "You've been there, Ana?" seryosong tanong ni Lester sa akin.

Napatango na lamang ako sa kanya at umayos nang pagkakaupo. "Unfortunately, yes. Nakapunta na ako sa lugar na iyon."

"So, my tour guide na pala tayo sa Dark World!" saad naman ni Lester at mahinang tumawa sa puwesto niya.

Iminulat ko ang mga mata ko at umayos nang pagkakaupo. Nasa harapan ko ang tatlo samantalang nasa tabi ko naman ang kanina pang tahimik na si Grayson. "Nah. Hindi ko kabisado ang buong Dark World. Napadpad lang ako sa lugar na iyon dahil sinundan ko ang mga magulang ko sa misyon nila." Namataan kong natigilan ang tatlong nasa harapan ko. Napabuntonghininga ako at nagpatuloy sa pagsasalita. "Iyon ang panahong nagsimula ang gulo sa pagitan ng Council at Malverine. I was with my parents that time. I was there... not to roamed around the Dark World. I was there to witness how they killed my parents," malamig na turan ko pa sa kanila.

Napailing na lamang ako at muling ipinikit ang mga mata. Umayos ako nang pagkakaupo at sumandal muli sa backrest ng upuan.

Memories of that scene years ago suddenly flashes in front of me. Iyong araw na iyon... Iyong araw na hindi ko lubos maisip na mangyayari at talagang masasaksihan ko pa. It was a nightmare. At ilang beses kong pinagdasal na sana... isang panaginip lang iyon noon.

Bata pa lang ako ay alam ko na ang kakayahan ko. I can manage to control my attribute at a very young age, and can used my special ability, too! Siguro ay dahil tutok sa akin ang mga magulang ko sa lahat ng trainings ko. Maging si Kuya Anthony ay tinutulungan ako sa pagpapalakas at pagkontrol ng attributes ko.

One day, I accidently heard something from our maids. They're talking about my parent's mission and how dangerous it was.

Malverine.

Iyon ang tumatak sa batang isipan ko.

Sila ang bagong misyon ng mga magulang ko kaya naman ay ginawa ko ang lahat upang makakalap ng impormasyon tungkol sa kanila. And it shocked the hell out of me noong malaman kong isa itong dark guild mula sa tinatawag nilang Dark World. A place where dark guilds reside. Takot na takot ako noong malaman ko ang tungkol sa kanila. I was afraid for my parent's safety kaya naman noong umalis na ang mga ito para sa misyon nila, sumunod ako.

And the next scene was my worst nightmare.

"Ana. Wake up." Naalimpungatan ako dahil sa mahinang tinig na narinig ko. I slowly opened my eyes and saw Grayson's face in front of me. Seryoso lang ang mukha nito habang nakatingin sa akin.

I sighed. Nakatulog pala ako.

"Nasaan ang tatlo?" mahinang tanong ko noong mapansin na wala na ang tatlo sa loob ng sasakyan.

"Nasa labas na sila. Let's go," sagot nito sa akin sabay bukas sa pinto ng sasakyan. Naunang bumaba si Grayson sa akin samantalang hindi agad ako nakakilos sa puwesto ko.

Burst Into Flames [ Published Under Pop Fiction #CLOAK ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon